Kabanata 15

803 24 1
                                    

Kabanata 15

Anger

Let's see in court... because... your son... is... my son. Good luck.

Hindi mawala sa isip ko ang sinabi niya. Paano niya nalaman? Akala ko ba nakalayo na kami sa kanya? Hindi ko maramdaman ang katawan ko sa tindi ng kaba. Hindi ko nga napansin ang pagdating ni Debi at ng anak ko.

Mabilis na yumakap si Arki sa akin. Naramdaman ko ang pagkakaroon ng basa parteng damit ko. Kumunot ang noo ko. Tiningnan si Debi para tanungin kung bakit nagkakaganito si Arki.

"Hindi kami natuloy sa paghahanap ng kakainan, Annie. Narinig niyang lahat ang pinag-usapan niyo ni Arc." Halos manlamig ang buong katawan ko. Nanginginig ang buong katawan habang nakatingin sa anak kong lihim na umiiyak.

Kinalas ko ang yakap niya para lumuhod sa harapan niya. I cupped his face. Masuyong pinunasan ang luhang patuloy ang pagtulo.

"Shhh... don't cry, anak. It's okay. Mommy can handle this. Kakayanin ni Mommy para sayo." Hindi ko na rin napigilang maluha sa harap niya. Halos matumba ako ng yakapin niya ulit ako ng mahigpit.

"I-Is he my Dad, Mommy?" I frozed. He just five years old but his mind is not like his age. Anong sasabihin ko? Kahit kailan hindi siya nagtanong tungkol sa tunay niyang ama. Kahit kailan hindi sumagi sa isip niya na magtanong sa akin o kay Debi. Anong isasagot ko? Aaminin ko ba ang totoo?

"Mommy... answer me please. Is he my Dad? Are you two going back together?" Halos manlumo ako sa tanong ni Arki. We will never back together, son.

Kahit noong una pa lang, hindi naman talaga naging kami. It just my love for him. I give in because I loved him. He told me too that he loves me. Pero paano sisimulan kung sa una pa lang hindi na pwede? Paano susubok kong sa huli, ikaw pa rin ang talo? Kung mahal man niya ako, may masasaktan kaming dalawa.

Limang taon na rin ang lumipas, siguro kasal na sila ni Vanessa at mayroon na rin silang anak. Pero, bakit niya sasabihin sa akin na magkita kami sa korte? Alam ba talaga niya na may anak kami o hinihuli lang niya ako?

"Arki, anak, we talk at home, okay? Not this place. We need to eat muna bago umuwi. Stop crying. We look like a lost puppy." Narinig ko ang mahina niyang pagsighot. Pinipilit ang sarili na huwag nang maiyak.

"Okay po, Mommy," sagot niya habang nagpipigil ng iyak. Nginitian ko siya. Hinalikan sa noo. Saka nilapitan si Debi na umiiyak na rin pala katulad namin.

"Intense, Annie! Nadala tuloy ako. Halika na nga! Kumain na tayo."

Parang walang nangyari. Natapos kami sa kinakain namin habang nagkekwentuhan. Nawala sa isip ni Arki ang tungkol sa tatay niya. He even smile happily. Napanatag ako ng konti pero hindi nawawala ang kaba sa dibdib ko. Lalo na tuwing pumapasok sa isip ko ang pagbabanta ni Archangel.

It's been five years. Bakit pa siya nagpakita? Bakit manggugulo pa siya sa buhay naming mag-ina? We're happy silently. Masaya na ako na kaming dalawa lang ng anak ko. Hindi ko siya kailangan.

Simula ng mamatay sina Mommy at Daddy dahil sa aksidente, pinatatag ko ang aking sarili. Naging independent ako para sa akin at para sa magiging anak ko. I lost Mom and Dad, also our wealth. Lahat ng mayroon kami noon, kinuha sa akin lahat. Lahat ng investors ni Daddy sa itatayo niya sanang bagong negosyo, lahat nagback out dahil sa nangyari. Nagastos na yung pera, kaya kailangang maibalik ang kahit sintemo sa  lahat ng investors. Kahit ang iniingatan naming Resort at bahay, lahat yun nawala sa akin. Pati ang last will ni Mommy at Daddy na nakapangalan sa akin ay nawala rin. Lahat kinuha sa akin. Kaya simula noon, kinaya ko ng itaguyod ang sarili ko. Hindi ko kailangan ng kahit anong tulong mula sa lalaking minsang minahal ko.

Claimed by a Bachelor [Completed] [Watty's 2020]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon