Kabanata 20
Second
Akala ko noon, hindi na ako pwedeng sumaya. Akala ko noon, kung pipiliin ko ang ikakasaya ng iba, magiging masaya na ako. Pero lahat nang iyon, akala ko lang pala.
Nang ma-coma si Havoc, sabi ko sa sarili na kahit anong mangyari, hindi ko siya iiwan at papabayaan. Siya ang dahilan kaya hindi naging mahirap sa amin noon ang mamuhay ng mag-isa. Tinulungan niya ako sa lahat-lahat. Sa panganganak ko, sa pagpapalaki kay Arki, at lahat ng iyon pinagpapasalamat ko dahil dumating siya sa amin.
At ngayong nasa harapan ko na ulit siya. Lahat nang pangako ko sa kanya, biglang bumalik nang biglaan. Lahat ng sinabi ko noon, gusto ko ulit gawin ngayon. Gusto ko ulit piliin ang ikakasaya ng iba. Gusto ko ulit pabayaan ang kasayahan na nararamdaman ko ngayon. Pero nang maramdaman ko ang mainit at marahan na paghawak sa akin ng taong nasa tabi ko, ang lahat-lahat na gumugulo sa isip ko, biglang nawala.
"He will be fine, Annie. Havoc will awake soon. You see, he's still fighting." Archangel assured me.
Nasa harapan ko ulit si Havoc. Nakahiga habang mahimbing na natutulog. It's been five years and two months when the accident happened. At hindi mawala sa katawan ko ang kabahan dahil hanggang ngayon hindi pa rin siya nagigising.
"I know that, Archangel. He's a fighter after all." Mahinang sagot ko.
Tumingin ako sa mga magulang ni Havoc. Hanggang ngayon, hindi pa rin nila ako matingnan ng derecho sa mga mata. Hanggang ngayon, ako pa rin ang sinisisisi nila kaya nangyari ito sa anak nila. Tama naman sila. Ako naman talaga ang may kasalanan.
"T-Tita, it's been a while. How are you po?" Sumenyas siyang maupo kami sa gilid ng hinihigaan ni Havoc.
Umupo kami. Nilagay ni Archangel ang braso niya sa balikat ko. Humilig ako sa katawan niya. At napansin iyon ng Mama ni Havoc. Nakita ko ang mapaklang pag ngisi niya.
"We're the same. Magiging maayos lang ang pakiramdam namin kung magigising na ang anak ko, Annie. How about you? Are you okay? Now that you and that guy getting back together? Hindi man lang ba sumagi sa isip mo kung paano ka tinulungan ng anak ko noon? Kahit isang beses, hindi mo siya napagbigyan sa gusto niya. He wants you back, but, you refused. Why? It is because of this guy?" Aniya. Pinisil ni Tito ang kamay ni Tita para pakalmahin. Tinuro pa niya si Archangel na tahimik lang habang nakikinig. Hindi niya pinansin ang sinabi ng Mama ni Havoc. Mas humigpit lang ang pagkakaakbay niya sa akin.
"I-I'm sorry po—-"
"Hindi iyan ang gusto kong marinig sayo, hija!" She snapped. Nagulat pa ako sa biglaan niyang pagsigaw. Mas inalo naman siya ni Tito.
"I want my son back, Annie! Kung hindi dahil sayo, hindi sana ganito ang anak ko—-"
"That's enough, Honey! Annie, hija, I don't want to be rude but you two need to leave. My wife is not okay. Please, leave." Nasaktan ako sa sinabi nila. Ayoko pang tumayo pero inalalayan na ako ni Archangel. Masakit man sa loob ko, lumapit ako kay Havoc para magpaalam sa kanya.
"Havoc, Love, it's me, Annie. I'm sorry for everything I cost you. I'm not the girl who deserve your love. But I want you to wake up. Tita, and Tito wants to see you again. Just fighting, okay? I want to see you too. You want to see Arki when he become teenager, right? He's nearing six. He badly want to see you too. Hindi pa kami nagpapasalamat sa lahat ng ginawa mo. Please, wake up. Not for me but for your parents. I'll visit you again. But this time, kasama ko na si Arki. Bye for now, Love." Mabilis kong pinunasan ang luhang tumakas sa mga mata ko. Hinanap ang kamay ni Archangel para kumuha ng lakas. Lumapit ako sa magulang niya pero pareho lang silang nakatungo. Hinihintay ang pag-alis ko. I heave a pained sigh.
BINABASA MO ANG
Claimed by a Bachelor [Completed] [Watty's 2020]
RomanceAnnabella Hanezza De Jesus is a simple girl with a highest dream... to become a police woman. Hindi malupit sa kanya ang kanyang mga magulang. They love her with all they heart. Lahat ng gusto niya, okay lang sa kanyang mga magulang. Lalo na sa pag...