Kabanata 25

880 22 0
                                    

A.N.: The most awaited Wedding of the year... :>

Chapter Theme: I Choose You (cover)


Kabanata 25

Wedding

Ang pagpapakasal ay sagradong gawain na dapat ay sa dalawang taong nagmamahalan. Hindi ito pwedeng idikta sa dalawang tao na hindi mahal ang isa't-isa. Kaya nakakapagtaka sa mga magulang na nagdedesisyon sa mga anak nila na ipakasal ang mga ito sa mga taong hindi nila lubos na kilala. Pero bilib ako sa mga taong handang sumuway sa gusto ng magulang dahil alam nilang hindi sila sasaya. Na pipiliin pa rin nila ang taong mamahalin nila habang buhay.

Nasa kwarto lang ako habang hinihintay si Debi na pumasok. Ilang linggo rin ang ginawa naming preparasyon sa kasal namin ni Archangel. Hindi naging hadlang ang pagbubuntis niya sa pagtulong sa kasal ko. Tuwang-tuwa pa nga siya habang inaayos ang lahat. Hindi niya hinayaan na mangialam si Archangel sa prepasyong ginagawa namin. Gusto niya kasing hands on lang muna si Archangel kay Arki dahil hindi nila ako kasama.

Bukas na ang kasal. At ngayon pa lang, hinahanda ko na ang sarili ko para bukas. Nakahanger na rin ang gown na isusuot ko. Hindi ko akalain na isang Ball Gown na may desisyong puti at asul ang bibilhin ni Debi para sa akin. Napakahaba rin ng belong binili niya. Mas mahaba pa sa laylayan ng gown ko. Nakahanda na rin ang make up na gagamitin. Ang bathrobe na isusuot ko habang kinukuhanan ng litrato para sa Wedding Album.

Wala kami sa Apartment namin. Gusto kasi ni Debi na mag-stay ako sa Condo Unit na binigay ni Chiva sa kanya. Dahil alam niyang kahit anong mangyari, pupuntahan ako ni Archangel. Lalo na ngayong bukas na ang kasal.

Inaamin ko na miss na miss ko na siya. Ang huling pagkikita namin ay noong tinaboy siya ni Debi na umuwi na dahil bawal kaming magkita. Siguro kung hindi ko siya nakita noon, mababaliw ako sa kakaisip kung kumusta na siya. Kaya nagpapasalamat din ako dahil pumunta siya doon kahit saglit lang.

Pumasok si Debi na may hawak na camera. Nakangiti siya habang nakatutok sa akin iyon.

"Smile, Annie!" Ngumiti ako ng malawak ng marinig ang pag-click ng camera. Siguro, kahit magkaedad ako, magka-asawa si Arki, magkaapo, hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na ito. Ang araw kung kailan naging masaya ako. Ang araw kung kailan pinakasalan ko ang lalaking mahal na mahal ko.

***

Inaayusan pa lang ako ng make up artist, humahagulhol na si Debi habang nakaupo sa kama. Kanina pa siya umiiyak. Pagpasok pa lang ng make up artist umiiyak na siya. Hindi ko alam kung bumabawi ba siya sa ginawa kong pag-iyak sa araw ng kasal niya.

"Debi, stop crying. Naiiyak na rin ako," nakangiwi kong sabi. Mas lalong lumakas ang hagulhol niya. Napabuntong-hininga tuloy ako ng malalim.

"I'm just happy for you, Annie. Look us at now, we both happy. At ngayon ikaw naman ang ikakasal. Tita and Tito will be happy too. Wala man sila sa araw ng kasal mo, sigurado akong masaya sila dahil sa wakas ikakasal na ang nag-iisa nilang anak. Wala man sila sa panahong nahihirapan tayong dalawa, alam kong nandoon sila para suportahan tayo na makakaya natin ang lahat. Masayang-masaya ako para sayo, Annie. Matutupad na rin ang pangarap ni Arki. Arki have you and Arc. Kung masaya ka man ngayon, mas masaya si Arki dahil ikakasal na ang dalawang taong mahal na mahal niya." Kinagat ko ang aking labi. Tinitigan ang sarili sa vanity mirror. Umaagos ang luha ko sa aking pisngi. Napangiwi ang Make Up Artist.

"M-Ma'am, huwag po k-kayong umiyak. M-Masisira ang make up." Nahihiyang sabi niya. Natawa ako. Tama. I will ruin my make up if I didn't stopped crying.

Claimed by a Bachelor [Completed] [Watty's 2020]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon