•••
1 Camp Trip
CRYSTAL
Wahhhh! This is it malagkit! Camp Trip na namin today and I'm nervous na kasi nga yung about doon sa contest diba? But never mind bout it, I must think positive. *enhale *exhale *enhale *exhale
Nakaupo na ko ngayon sa bus na nirent ng school namin. Wala pa kong katabi kasi ayaw nilang tumabi sa kin. I don't care naman ano.
Antagal naman kasi umalis eh. Nakakabored na rin kaya. Kanina pa ako nakaupo dito. Ang aga ko kasi ihh. Gosh!
Nakaheadset lang ako at nagsosoundtrip lang. Boring na kaya ako talaga. Buti nakapagdala akong travel pillow kung hindi baka sumakit likod ko dito. Naguguto---
“Hi”
“Ayy pagkaen!”,nakakagulat naman to. Bigla ga naman nagsalita. Paglingon ko ay si Thor pala. Akala ko kung sino na eh. Nakaupo siya sa tabi ko habang nakangiti. Ayieee that smile! Crush ko palang siya, hindi ko pa siya like ahihihi. Tinanggal ko ang isang headset ko para marinig ko sinasabi niya. “Thor ikaw pala. Ginulat mo naman ako”
“Ayy sorry. Haha.. Aalis na tayo.”,sabi niya at umupo ng maayos sa tabi ko. Sinuot ko ulit ang headset ko at nakinig nalang. Pinikit ko ang mga mata ko dahil nakaramdam ako ng antok.
ZzZzZzZzZzZzZzZz..
THOR
Napatingin ako sa katabi ko nang maramdaman ko ang mabigat na bagay sa balikat ko.
Si Crystal, tulog pala. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mukha niyang mahimbing na natutulog. Ang angelic talaga ng face niya. Nakakatuwang pagmasdan. Ang ganda-ganda niya talaga.
Kinuha ko ang cell phone ko dahil may naisip ako haha.
*SPLASH!*
Pinicturan ko siya habang natutulog at syempre nagpicture rin kami together. Ang cute lang namin dito. Popost ko nga sa facebook.
'Sleepy head. On the way on Camp Trip:)'
Post! Ayan! Ang dami agad naglikes and comments. Ang daming tanong kung kami na daw ba. Kung gf ko daw ba siya. Kung sino daw siya. May against din syempre, yung fansclub namin. Yes! May fansclub ako/kami. Ang daming alam nung mga babaeng yun eh. Pero hindi ko naman sila masisisi kasi sobrang gwapo nga naman kasi namin.
Nagcellphone lang ako ng nagcellphone para rin pampawala ng boredom habang naghihintay.
A few hours later
Nagising ako dahil sa sinag nang araw na tumama sa mukha ko. Andito na pala kami at saktong nagbababaan na ang mga estudyante. Si Crystal tulog pa rin. Ays. Nako naman! Hindi pa rin gumigising.
“Crystal.. Hey wake up”,paggising ko sa kaniya habang inuugoy-ugoy siya.
“Hmmm..”,unti-unti niyang iminulat ang mata niya. “Ayy sorry, nakatulog pala ko hehe”
“It's ok. Let's go. Andito na tayo”,sabi ko sa kaniya. Kinuha na namin ang lahat ng gamit namin at tinulungan siyang bumaba.
'Siya yun diba? Yung kasama ni Prince Thor sa picture?'
'Hala! Oo nga. It's her'
'Nakakainggit naman.'
'They are suit at each other huhu.'
'Oo nga girl. Look oh. She's gorgeous and our prince is handsome. They really suits at each other'
'Broken na tayo huhu'
Yan ang bumungad sa min ng makababa kami sa bus.
Bagay talaga kami haha.
CRYSTAL
Napakunot ang noo ko nang marinig ko ang bulungan ng mga bubuyog na school mates namin. Picture? What picture? Tumingin ako kay Thor, nakangiti siya.
“Oyy. Anong picture yun?”,tanong ko sa kaniya.
“It's nothing. Try to open your facebook later”,nakangiti niyang sabi at umalis na kami dun.
Mamaya na nga ako magpefacebook. Hmp!
Pumunta kami sa loob and guess what we discover?
An Island! And it's wow! Ang blue ng water tapos ang white ng sand. No one told me na dagat pala ang pupuntahan namin. Ang saya nito! Nakakaexcite! Yay!
Lumapit kami ni Thor kina Kuya Ares at Ashley na masayang nagkukwentuhan. Hmm I smell something fishy hihi.
“Kuya, Ash andito na pala kayo”,sabi ko sa kanila ng makalapit kami. Nilapag na namin ni Thor ang gamit namin at kinuha ang tent para mabuild narin namin sa tabi ng tent nila Kuya. Ang bilis lang nilang mag-ayos. Kanina pa ba sila dito?
“Ahh yeah. Kanina pa kami dito eh. Nauna na kami dahil sa excitement.”,nakangiting sabi ni Kuya. Napangisi ako kasi yung ngiti niya. May something talaga eh. Yay!
“Excitement? O baka gusto mo lang makasama si Ash? Ay sus!--aray!”,napahawak ako sa noo ko ng bigla niya akong pitikin. Kainis ha! Tsss..
“Tch! Puro ka kalokohan. Ayusin mo na nga lang tent niyo!”,saka siya tumalikod sa amin. Pero hindi pa rin nawawala ang ngisi ko habang pinagmamasdan sila. Ang sweet eh.
“Bagay sila noh? Ang sweet”
“Oo nga eh.”,sagot ko kay Thor. Inggit ba siya? Pwede rin naman naming gayahin ahihihi.. Just kidding.
“Inggit ka? Gusto mo magpakasweet na rin ako sa yo?”,nahampas ko siya bigla dahil bigla siyang bumanat. Kainis to!
“Magtigil ka nga!”,sabi ko pero namumula pa rin ako dahil sa kilig. Oo, kinikilig ako. Masama ba? Eh kasi naman ihh hihi..
Fairy_Xiang
YOU ARE READING
I Am A Gangster (On Going)
Teen FictionThey once called me coward and weak.. But they have no idea who I really am That I Am A Gangster Day started:June 09,2020 Day finished: