Chapter 7: Practice

20 4 0
                                    

•••

Practice

CRYSTAL APHRODITE

Wahhhhh!! Kakainis! Practice na namin ngayon para sa Mr. And Ms. Crystal Academy at hindi ko alam ang gagawin ko. Ang dami ga namang pauso nitong school na ito. Kakausapin ko si Daddy, pero panigurado hindi yun papayag na tanggalin ang ganito.

Magpapractice kaming rumampa tapos may talent pa. Nakakainis diba? Ano kayang talent ko? Wala naman kasi akong talent eh! Nakakaiyak naman huhu.

Nilingon ko si Ashley na nakatunganga lang. Hindi na kami masiyado nakakapag-usap kasi lagi akong bad trip. “Ashley,huhu”

“Oh? Anyare sayo?”,tanong niya. Niyakap ko ang isang kamay niya ng mahigpit.

“Ashley, kahit anong mangyari wag mo kong bibitawan. Ok?”,sabi ko sa kaniya. Napakunot ang noo niya, hindi niya kasi alam ang ibig kong sabihin. Ayoko kasing pumunta sa practice eh huhu.

“Ano? Bakit?”

“Ashley huhu. Ayokong pumunta sa practice ihh. Don't let me go”,parang bata kong sabi sa kaniya. Malapit na kong maiyak huhu. Ilang minuto nalang kasi magpapractice na. Kakatakot!

“Bakit ba? Practice lang naman yun ah?”

“Hindi ako marunong mag-model. Wala rin akong talent ihh huhuhu”

“Ha Ha! Sasamahan naman kita. Don't worr”,nakangiti niyang sabi kaya nabawasan ang kaba ko. Nakakadala kasi ngiti niya.

“Talaga?”

“Oo naman. Ikaw pa”,ayieee kinikilig naman ako. Nginitian ko lang siya at ilang minuto pa ang lumipas ay..

“Hoy!”,pagtawag sakin nung asungot na kapartner ko pala. Psh!

“Hindi Hoy pangalan ko, Crystal”,nakasimangot kong sabi dito. Sumama naman ang tingin niya sa akin pero nakasimangot pa rin ako.

“Tara na. Magpapractice na”,pagkasabi niya nun ay ang pagkabog bigla nang puso ko. Wahhh! Nakakakaba!

“Ayoko”,sabi niya pero hinila niya ang kamay ko dahilan ng pagkabitaw ko kay Ashley na ngayon ay tumayo na.

“Ashley! Don't let me go, darling”,parang batang nagsusumamong sabi ko sa kaniya. Ayoko sumama! Wahhh!

“Hoy Ashley! Bitawan mo yan”,parang tatay na pag-utos ni Lim sa kaniya.

“Pero Kuya---”,pag-angal pa ni Ashley. Napabitaw ako sa pagkakahawak ng kamay niya. Kuya? As in brother? Younger brother? Hyong? Kuya? Wahhh! Magkapatid sila? Bakit di halata?
“Magkapatid kayo?”,gulat na tanong ko sa kanila. Tumangi-tango si Ashley.

“Ahh kaya---wahhhhh!”,napasigaw ako ng bigla akong buhatin nitong si asungot na si Thor pala ang pangalan. Wahhhh!

“Bitawan mo ko! Ibaba mo ako! Bakulaw ka! Wahhhh! Ayokong sumama! Ayo---”,napatigil ako sa pagsigaw ng bigla niya kong.. Ng bigla niyang kong..

“Ingay kase”

Ng bigla niya kong halikan! Wahhhh! Ang first kiss ko. Wala na. Ang first kiss ko. Wala na. Ang first kiss ko. Wala na.

“Manyak! Manyak! Fist kiss ko! Wahhhh! Manyak! Magnanakaq ng halik! Manyak ka!!”,malakas na sigaw ko sa kaniya habang sumisipa-sipa pa pero ang bakulaw parang walang naririnig. Dedma lang. Narinig ko ang tawanan ng mga kaibigan niyang ang pagkakatanda kong pangalan ay James, Axel at Jaxton. Pati si Ashley tumatawa na rin.

Huhu nakakaawa naman ako, pinagtutulungan nila ako. Ang sama nila. Tumahimak nalang din ako hanggang sa makarating kami sa backstage. Naiwan na sa baba sila Ashley kaya tumindi ang kaba ko.

Nakatayo lang ako dito sa may gilid kasama si Thor na hindi naman nagsasalita. Pinagpapawisan na rin ako. Huhu I'm really nervous.

“Dito ka lang. May pupuntahan lang ako”,nakakailang hakbang palang siya ng hawakan ko ang kamay niya kaya napatigil siya.

“T-thor.. I-im nervous”,nakatungong sabi ko sa kaniya habang nakahawak pa rin ang kamay ko sa kaniya.

“Babalik ako agad.”,ngumiti muna siya sa akin bago siya tuluyang umalis. Ako nalang mag-isa ngayon. Wahhh!

“And not but definitely not the least, Ms. Crystal Aphrodite Zhao!”,sigaw ng emcee sa labas.

Eto na. Ako na. Ngumiti ako at nagrampa-rampa sa gitna. Nawala ang kaba ko ng biglang sabihin sa akin ni Thor iyon kanina. “Wag mo isiping maraming tao. Tumingin ka lang sa akin mamaya. Makakaya mo yan. Isipin mong tayong dalawa lang ang tao at nagpapakitang gilas ka lang sa akin”,kaya ngayon eto nakatingin lang sa kaniya. Nakangiti siya sa akin kaya hindi talaga maiiwasan ang pagngiti ko rin.

Huminto ako sa gitna at nagsalita ulit ang emcee. Hindi na raw kami dito magpapakilala. Sa mismong contest na raw para surprise. “And now let us see the talent of Ms. Zhao!”

Kinuha ko ang gitara ko at sinimulan ko na itong patugtugin.

Fairy_Xiang

I Am A Gangster (On Going) Where stories live. Discover now