Chapter 9: Make-Over

15 4 0
                                    

•••

Make-Over

ASHLEY

Nandito kami ngayon ni Crystal sa mall namin. Pag-mamay-ari namin tong mall na ito kaya kilalang-kilala talaga kami dito. Nagulat nga ako kasi kanina binati rin nila si Crystal. Baka regular customer.

“Britney! Dito, bilis hihi!”,hinila niya ko sa make-up section.

Ays! Wala na namang magbabago ihh..

Pumasok kami sa parlor kung saan nandoon ang mga pinakamagagaling na make-up artist namin.

“Hood Morning Ms. Lim. Good Morning Ms. Zhao”,bati niya sa amin.

“Woi! Francisco!”,tawag ni Crystal sa isang make-up artist namin. Ay kilala niya?

“Yes, Madame?”,maarteng ani nito.

“Ayusan mo yan ng bonggang-bongga. Make-upan niyo ng simple lang pero maganda. Then, straight niyo hair niya. Ayieee kakaexcite”,she said and giggle.

“P-pero--”

“No buts Britney!”,hinila niya na ako paupo sa harap nang salamin.

Wahhhh! Nakakakaba naman huhu.

“Ms. Lim, we will make you a gorgeous woman. Just trust us”,ngumiti lang ako ng pilit kay Francisco. Di ko naman kasi alam gagawin eh. Di na naman ako makakaangal.

“Britney, close your eyes. Wag mo bubuksan hangga't di ko sinasabi. Magpapaayos rin ako”,pinikit ko nalang din ang mata ko katulad ng sinabi niya kahit ninenerbyos na talaga ako ng malupet!

Naramdaman ko ang kung ano-anong pinaggagagawa sa mukha at buhok ko ng mga nag-aayos sa akin. Baka mamaya pumalpak at walang magbago sa hitsura ko. Super nakakahiya yun huhu.

After 3 hours

Wahhh! Ang tagal naman! Ansakit na ng batok ko. Bakit naman kasi ganun katagal ito? Kelan pa ba---

“Done!”

Bubuksan ko na sana ang mata ko ng bigla itong takpan ni Crystal siguro.

“OMyGee! Ang ganda-ganda mo na talagaaa!”,irit pa niya. Kaloka naman tong babaeng ito. Hmp!

Gusto ko na talaga makita hitsura ko kaso di pa rin niya ko pinapamulat huhu.

Binayaran niya na ang mga bakla tsaka kami lumabas. Pinamulat niya na ako kaso wala namang salamin kaya hindi ko makikita hitsura ko. Gosh!

Dumiretso naman kami sa ophthalmologist. Ewan ko ba dito kung anong gagawin naman dito hys. Pero I'm still confused is anong itsura ko ngayon. Wahhh! Kasi naman pinagtitinginan ako ng mga tao kanina tapos biglang ngingiti parang mga baliw. Ganun na ba talaga ako kapangit? Huhu

Pagkapasok namin sa loob ay tinanggal nila salamin ko tapos pinaltan ng contact lens ba yun? Basta yun.

Tapos eto. Nandito naman kami sa boutique. Goodness!

Tapos alam niyo ba? Piniringan niya ko para daw surprise. Wahhh! I don't know what to do!

“Britney, bibihisan na kita”

“Crystal naman eh! Kaya ko naman magbihis mag-isa. At pwede bang pakitanggal itong piring ko?”,pag-aangal ko pa. Kasi naman marunong kaya ako magbihis mag-isa ano. Dzuhh! Di pa ko tuloy nakakapag-review. Kainis!

“Just wait ok? It's a surprise. Come on!”,hinila niya na agad ako sa fitting room I guess? Tapos naramdaman ko na ang pagtanggal niya sa mga suot ko at ang pagbihis niya sa akin. Lumabas na rin kami. Sa wakas.

“O.MY.GOD! You're really really beautiful and gorgeous na talaga! Wahhh! Kaloka!”,irit niya. Kakabingi ha! Tinanggal niya na ang piring ko sa mata at pag adjust ko sa liwanag ay salamin agad ang bumungad sa akin na may nakatayong isang napakagandang babae.

“Oh? Sino yan?”,tanong ko habang nakaturo sa salamin. Bigla namang tumawa si Crystal na pinagtaka ko. Hala! Is she crazy?

“Ikaw yan Britney! Ayieee ganda mo diba?”

“Ahh ako lang pa---- ANO?! AKO YAN?!”

“Ha Ha! Ang ganda mo girl! Ackkk!”

O.MY.GOD! Ako ba talaga ito? Hinawakan ko ang mukha ko habang medyo nakanganga ang aking bibig. Hindi talaga ako makapaniwala. Ako ba talaga ito? Akong-ako ba talaga? Bakit.. Bakit ang ganda? Sobrang ganda naman kasi talaga ihh.

Tiningnan ko si Crystal ng maramdaman ko ang pangingilid ng luha ko. “Crystal..”,nakakatouch kasi. Naiiyak tuloy ako huhu. Grabe si Crystal. Nasurprise niya talaga ako. She's really a true friend of mine.

Niyakap ko siya dala ng emosyon ko. “Crystal thank you. Thank you very much. You make me happy. You really make me happy and I was surprised. You made my day Crystal. You're my true friend. I love you”,yan. Nagiging OA na tuloy ako. Kainis!

Siya na ang bumitaw ng yakap sa akin. “Wag ka ngang OA. Ayoko nang sweet ha! Pero walang anuman yun. Duhh!”,pagtataray niya sa akin saka kami nagtawanan.

Ang saya ko talaga ngayon. I'm just thinking, ano kayang magiging reaction ng mga schoolmates namin especially my Kuya. Pero kahit ano pa mang maging reaksyon nila masaya pa rin ako.

Fairy_Xiang

I Am A Gangster (On Going) Where stories live. Discover now