2

146 5 0
                                    

Finding Chaeyoung part 2

"Hindi ako si Chae! Ako si Mina!"

Gulat na gulat si Jeongyeon sa sinabi ni Chae. Naguguluhan ito. Tila ba hindi talaga si Chae ang kausap niya.

Jeong:A-ano bang sinasabi mo Chae? Hindi ikaw si Mina. Nasa store si Mina. Ayos ka lang ba?

Umiling si Chae ng umiling. Tinapat ni Jeong ang salamin sa mukha ni Chae.
Jeong: tingnan mo. Ikaw si Chaeyoung, at si Mina nasa store.

Tumitig si Chae sa sarili. Hinaplos ang pisngi, hinawi ang buhok, at ngumiti. Nagsitaasan naman ang balahibo ni Jeong dahil sa ginawa ni Chae.

Chae: Ako si Mina. Hindi mo ba nakikita ang nunal ko sa bridge ng ilong ko? Mas maputi ako kay Chae, at mas mahaba ang buhok. Tingnan moko sa salamin.

Kinakabahang tiningnan naman niya ito sa salamin pero si Chaeyoung ang nakita niya sa repleksyon.

Jeong: Chae, ikaw nga yan! Ano bang pinagsasasabi mo?!
Chae: Ako si Black Swan..titigan mo akong mabuti. Hindi ba't mukha ko si Mina? Dahil nga ako ito!

Tumayo si Jeong at lumabas sa kwarto. Nadatnan niyang nagpapahinga ang iba sa sala.

Dahyun: Oh napano ka unnie?
Jeong: parang ang weird ni Chae ngayon.

Tinabihan niya ang mga ito habang nakakunot ang noo.

Tzuyu: Ano bang nangyari?
Jihyo: Hay nako, pagod lang siguro yan physically. Nagpatattoo na naman kasi.

Tumahimik lang si Jeong. Ilang oras ang lumipas ay dumating na ang MiMo.

Mina: Let's eat! Nagdala kami ng pizza at chicken.

Inihanda na ang lahat ang mesa sa sala at napansin naman agad ni Mina may may nawawala. 

Mina: Asan na si baby chae?
Sana: Ayun, nagkukulong. Ayaw kumain.
Mina: hindi ba siya masayang makita ako?

Napasimangot siya't lumabi.

Momo: kaya nga? Ang lambing lambing nun sayo.

Pinuntahan ni Mina si Chae at nadatnan nitong nakatalukbong ng kumot.

Mina: Baby Chaeng~~~ Minaring is here~

Hindi sumagot si Chae. Ginalaw ni Mina ang balikat ni Chae pero hindi pa rin ito nagsasalita.

Mina: Chaeng?

Walang nagsasalita. Inalis nito ang kumot. Dumilat naman si Chae at bumangon.

Mina: Kain na tayo baby chaeng..
Chae: Anong ginagawa mo dito Chaeyoung?

Kumunot ang noo ni Mina.

Mina: anong pinagsasasabi mo Chaeng?
Chae: Ikaw si Chaeng diba? At ikaw ang baby chaeng ko.

Chae suddenly slightly pinches Mina's chubby cheeks.

Mina: ang galing mo talagang magpatawa hahaha

Mina nervously laughs as she looks at her.

Chae: seryoso ako

Napahinto siya sa pagtawa.

Chae: kumain kana dun Chaeng. Ang Mina unnie mo ay matutulog na.

Bumilis ang tibok ng puso ni Mina.

Mina: H-hindi ito si Chaeyoung....

To be continued..

Finding ChaeyoungWhere stories live. Discover now