Finding Chaeyoung part 7
Patuloy lang sa pakikinig si Mina. Kahit natatakot siya ay patuloy lang siyang nakikinig sa usapan ng dalawa.
Babae: Jihyo unnie, bakit pinapaalis mo ako? At paanong andyan ang katawan ko? Ako ito si Chae!
Jihyo: Alam kong ikaw si Chae, pero hindi nga iyan ang itsura mo. Ang katawan ng totoong Chaeyoung ay nasa loob, ikaw, ispiritu ka lang ni Chae! Umalis ka na bago ka pa makita ng iba.Napasinghap siya sa naririnig niya. Hindi siya makapaniwala! Si Chae talaga ang babaeng ito!
Babae: p-pano mo nalaman ang mga iyan? Binigyan ka rin ba ng kwintas ni lola?
Jihyo: a-ano bang sinasabi mo!?
Babae: Binigyan ako ng kwintas ni lola, may pulang likido sa loob ang pendant na yun tapos bigla nalang ako nasa coffee shop,gumagawa ng kanta. At ang mga sinasabi ko, parang hindi sakin galing ang mga salitang yun!Napapadyak siya dahil sa kalituhan.
Babae: Hindi na din ako makilala ni Mina unnie! Miss ko na siya pero hindi nya ako makilala! Kasalanan mo lahat to!
Jihyo: wala akong alam sa sinasabi mo.Lumapit ang babae kay Jihyo at tinitigan ito.
Babae: Kapag nalaman kong may kinalaman ka dito, sasabihin ko ang lahat ng nalalaman ko tungkol sayo. Kapag nahanap ko ang kwintas na bigay sayo, yari ka.
Nagtago si Mina sa isang halaman nang makitang paalis na ang babae. Kumakabog ang dibdib niya. Nakaramdam siya ng takot na bumalot sa kanyang balat.
Pinakalma niya ang puso niya saka siya pumasok sa dorm na parang walang nangyari. Nakita niya si Jihyo na tahimik na nagluluto ng dinner nila.
Dumeretso siya sa kwarto at nadatnan si Chae doon. Tumabi siya.
Mina: Ikaw ba talaga ako?
Chae: Oh Chae, ikaw pala.Napapikit sa inis si Mina. "Bakit ganun? Bakit dalawa ako?" Aniya sa isip niya.
Lumipas ang ilang linggo, mas nagiging kabimbal gimbal na ang lahat. Dalawa na ang umaastang Mina, mala chef na si Jihyo, at ang takot na takot ng lumabas na members.
Wala pa rin ang matatanda. Wala na rin ang babae. Nalilito man, patuloy niyang sinisikap na hanapin ang mga taong iyon.
Nasa labas sila ni Chae ngayon dahil bumili sila ng meryenda ng members.
Sa paglalakad nila ni Chae sa labas palapit sa antique shop, nakakapit ito ng mahigpit sa braso niya.
Chae: Bakit ba tayo nandito? Biglang sumasama ang pakiramdam ko.
Mina: Bakit?
Chae: parang tinutusok ang puso ko..
Mina: Ganun ba? Nako iuuwi na nga kita. (Kung ikaw ako, kailangan pa rin kitang alagaan.)Paalis na sila sa lugar nang may humawak sa braso niya. Napasigaw siya sa gulat dahil doon. Nakita nya ang madumi at makulubot na kamay na humawak sa kanya. Napatingin siya sa mukha ng matandang iyon.
Mina: Lola!
Matanda: Umuwi na kayo! Nanganganib ang kasama mo! Paalisin mo siya sa lugar na 'to! Naghihiganti ang ispirito ng babaeng gumagaya sayo!
Mina: ispiritu po?
Matanda: Oo, may nagbenta ng kaluluwa ng kasama mo ngayon. At pakiramdam ko ay isa rin sa kasama niyo ang gumawa nun! Umalis na kayo rito!Napaatras siya sa sinabi ng matanda at inalalayan si Chae paalis sa lugar na yun. Hindi maintindihan ni Chae ang nangyayari pero sumasabay siya sa pagtakbo. Nakita niya ang luhang bumubuhos sa mga mata ni Mina.
Mina: C-chae... sinong nagbenta ng espiritu m-mo? B-bakit ginagaya mo ako? Ano bang ibig sabihin ng mga ito?
Nanghihinang napaupo si Mina sa panghihina ng mga paa niya. Niyakap siya ni Chae. Pinapatahan ito sa pag hagulgol. Wala na ang kirot sa dibdib niya, dahil na rin siguro nakalayo na sila sa lugar na iyon.
Chae: Tara na Mina unnie... bumibigat na ang ulap, maya maya ay baka bumagsak na ang ulan.
Pinatayo niya ito at inalalayan sa paglalakad.
Babae: Mina unnie?
Napatingin sila sa nagsalita. Ang espiritu ni Chaeyoung!
Chae: sino ka?
Babae: nasayo nga ang mukha ko....
Chae:anong sinasabi mo!?
Babae: Nasan na ang kwintas mo!? Kailangan nating alisin ang bisa nun!
Chae: kwintas?
Babae: oo, yung ibinigay ng matanda sa antique shop. Kapag pinahawak natin iyon kay Mina unnie..mawawala ang bisa nun..Bumagsak ang malakas ng ulan kasama ang katawan ni Mina. Hindi niya kinaya ang mga impormasyong narinig niya. Bumigat ang puso nito at nawalan ng malay.
To be continued....
YOU ARE READING
Finding Chaeyoung
Fanfiction[COMPLETED] Chaeyoung idolized Mina a lot. She likes what Mina loves to do. She's the closest to her heart. Like sister from another mother. But something magical happened. Chaeyoung suddenly turns into Mina. There's two Mina. How will they put e...