6

79 4 0
                                    

Finding Chaeyoung part 6

Nanghihinang umuwi mag isa si Mina sa dorm. Nadatnan niyang nag lilinis ang lahat.

Momo: Bakit tulala ka dyan?
Mina: (umiling) Wala, napagod lang ako.
Sana: Mitang andyan ka na pala!

Niyakap ni Sana si Mina at hinalikan sa pisnge. Ganito talaga sila. Kahit magkakasama sa iisang bubong ay puno pa rin ng pagmamahal.

Tumunog ang door bell nila.

Tzuyu: ako na.

Nagpunta siya sa pinto at sinilip ang nasa labas ng pinto.

Tzuyu: Mina unnie...andito si Kuya Mark(Got7)
Jeong: anong ginagawa ng lalaking yan rito?
Dahyun: Ang manliligaw ni Mina unnie di papahuli!
Mina: ano ba kayo. Kaibigan ko lang siya.
Momo: yiee! Dalaga na si Minari!!!
Mina: kayo talaga.

Nagulat ang lahat nang tumakbo papuntang pinto si Chae at pinagbuksan si Mark.

Nayeon: Chae! Bakit pinapasok mo!? Bawal ang lalaki rito!
Chae: andito na, alangan namang palabasin ko pa.
Jeong: Chaeng humanda ka sakin ha.

Pinapasok na nila ang lalaki sa sala at pinakain. Tulad nila, mukha ni Chae ang nakikita ni Mark kay Chae, hindi si Mina.

Mark: sige aalis na ako. Masama na ang tingin sa akin ni Jihyo at Jeongyeon e.
Chae: Ayos lang yun.

Hindi pinansin ni Mark ang sinabi ni Chaeng bagkus ay tiningnan niya si Mina't ngumiti.

Mark: Mina.. aalis na ako.
Mina: sige. Ingat ka.

Pagkaalis ng lalaki ay pinagalitan si Chae ni Jihyo at Jeong.

Hindi pa rin maalis sa isipan ni Mina ang babae sa coffee shop kanina. Para nga siyang si Chae. Silang dalawa lang ang nakakaalam na siya ang umuubos ng strawberry sa ref. Patago niya itong kinakain sa kwarto nila. Lalo na pag sila lang ang nandoon.

At lagi silang sabay na nag gagantsilyo at gumuguhit. Totoo nga kayang si baby Chae niya iyon?

Kinabukasan, hindi pa rin sinasabi ni Mina na may nagpakilala sa kanya bilang Chae. Gusto niya makasigurado. Imbes na Jihyo at Dahyun ang magbabantay sa shop nila ay pinilit niya si Dahyun na siya muna ang magtetake over.

Gusto niyang puntahan ang antique at coffee shop. Baka may kinalaman ang magkambal sa nangyayari sa kanila.

Jihyo: San ka pupunta?
Mina: sa antique shop. Kailangan kong makausap ang kambal ni lola.
Jihyo: ha ? Bakit?
Mina: pakiramdam ko kasi makakatulong siya e.
Jihyo: Mamaya nalang, papabantay ko sana itong shop. Bibili ako ng lunch natin
Mina: Ah agnun ba, sige mamaya nalang ako pupunta dun. Ingat ka ha.

May napansin na kakaiba si Mina kay Jihyo. Noong isang linggo, bigla nalang itong gumaling sa pagluluto, naging observant at mas talented na siya ngayon. Hindi niya alam kung bakit siya nagtataka e posible namang mangyari iyon diba?

Isang oras bago nakabalik si Jihyo. May dala itong take out sa isang fast food chain at saka sila nananghalian.

Isa pa sa napansin niya ay naging tahimik ito. Hindi iyon normal dahil isa si Jihyo sa maiingay sa dorm nila.

Si Chae naman ay sobrang tumahimik na, parang gawain na rin ni Mina ang ginagawa nito.

Nababaliw na silang lahat kakaisip kung anong hiwaga ang nangyayari ngayon nakaraang araw.

Nang isara na nila ang shop, dumeretso na umuwi si Jihyo. Sarado na rin ang antique shop at walang bakas ng mga matatanda. Maraming customer sa shop nila kanina kaya naman hindi siya nakaalis agad.

Nagpaiwan muli si Mina para hanapin ang babae. Wala na rin ang babaeng nagpakilala sa kanya bilang Chae.

Mina: Nasan na kaya yun? Tsk..

Bigo siyang umuwi mag isa.

Malapit na siya sa dorm nang makita nya ang babae sa shop na pinapipilitang siya si Chae, at si Jihyo unnie. Parang pinapaalis niya yung babae, nakaharang ito sa pintuan.

Jihyo: hindi ka pwedeng pumasok. Hindi ka nila kilala, tingnan mo nga yang itsura mo. Narito ang katawan mo, pero hindi ikaw si Chaeyoung! Malilito lang sila kaya utang na loob, umalis ka na!

To be continued...

Finding ChaeyoungWhere stories live. Discover now