Finding Chaeyoung part 10
~Dorm~
Nagulat si Nayeon nang makita niyang nanginginig si Mina sa kama nito.
Nayeon: Mina!!!!
Sinubukang niyang gisingin ito pero patuloy lang siya sa panginginig. Agad niyang tinawagan si Jeongyeon dahil sa takot.
Nayeon: Jeongyeon Unnie! Si Mina parang sinasapian siya! Nanginginig siya! Hindi ko alam ang gagawin ko! Ano bang nangyayari dyan?!
Nakarinig siya ng sigawan sa kabilang linya at ilang sandali pa ay nagsalita si Jeongyeon.
Jeong: Nayeon..kumalma ka...nanginginig pa rin ba si Mina?
Nayeon: oo...natatakot na ako... y-yung mga ugat niya.. naglalabasan! Kulay violet na ang mga ito.. namumutla na din siya... Jeong...anong gagawin ko sa kanya?
Jeong: Kumalma ka! D-dalhin mo siya kay JYP. Ngayon na bilis!
Nayeon: JYP? Yung albularyong singkit?
Jeong:Oo, dalhin mo siya doon. Baka may matulong siya. Wag na wag mong ililingat ang tingin mo sa kanya. Baka kunin siya ng matandang huklubang nasa harap namin ngayon. Maiingat kayo..Agad na inakay ni Nayeon si Mina sa kanyang likod at pinuntahan ang albularyong singkit.
Nayeon:JYP! Nasan ka!? Kailangan ko ng tulong mo!
Nakarinig siya ng bell sa pagpasok niya at nagpakita si JYP.
JYP: Masama ito....
Nayeon: Po? Tulungan niyo po si Mina. Kanina pa po siya nanginginig. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
JYP: Nasan ang ispiritu niya?
Nayeon: i-ispiritu!?
JYP: halika na't bago pa mahuli ang lahat. Nanganganib si Mina! Kapag namatay ang dalawang matandang iyon, mawawala na rin si Mina.
Nayeon: ano pong ibig nyong sabihin?
JYP: mamaya ko na sasabihin basta umalis na tayo't hanapin sila!Umalis na sila. Pinasan niya si Mina sa likod at sinunod ang GPS na tinuturo ang lokasyon ng members.
Nasa masukal na silang daan nang makita nila ang isang lumang bahay. Agad na tumakbo si JYP at binuksan ng pwersahan ang pinto.
JYP: HUWAG!
Isang malakas na sigaw ang umukupa ng buong kabahayan.
Members: JYP!!!!
Gulat na gulat ang lahat sa pagdating ni JYP. Naroon rin si Nayeon na pasan ang nanginginig na si Mina.
JYP: WAG MONG PAPATAYIN SI MINA, CHAEYOUNG!
Babae: p-po?
JYP: Kapag pinatay mo ang mga matanda, mamamatay si Mina.Napabitaw naman sa espada si Chae at saka lumayo sa matatanda.
Matanda: sino ka ha!?
Nainis ang matanda dahil nabulilyaso ang plano niya.
JYP: Ako si JYP, at alam ko ang mga plano mong bruhilda ka! Layuan mo ang mga bata!
Matanda: Wala kang pakialam! Hayaan mong patayin niya ang mga yan!
JYP: Hindi mo ako maloloko. Alam ko ang gusto mong mangyari. Alam ko na rin ang mga nangyayari sa kanila. Pagkakita ko palang kay Mina, nalaman ko na ang lahat.Matanda: anong sinasabi mo?
JYP: May inggit dyan sa puso ng kapatid mo mula sa mga babaeng ito( tinuro si jihyo) Gusto niyang nakawin mo ang buhay niya at siya ang pumalit dito. Nagpanggap ka bilang kambal ng may ari ng antique shop at nilapitan si Jihyo. Hindi mo matanggap na tinanggihan ni Jihyo ang pinaghirapan mong potion. Naiingit ang kapatid mo sa taglay nitong kagalingan sa lahat ng bagay. Dahil siya hindi magawang gawin ang mga bagay na iyon. Hindi siya maganda at talented tulad niya.
Matanda: hindi yan totoo! Alam kong kinailangan niya ang ibinigay ko. At ang babaeng ito(tinuro si Chae) ay gustong maranasan ang karanasan ng babaeng nanginginig ngayon.
YOU ARE READING
Finding Chaeyoung
Fanfiction[COMPLETED] Chaeyoung idolized Mina a lot. She likes what Mina loves to do. She's the closest to her heart. Like sister from another mother. But something magical happened. Chaeyoung suddenly turns into Mina. There's two Mina. How will they put e...