Finding Chaeyoung part 3
What happened to Chaeyoung? (Pasilip)
5 hours ago...
Chae: San kaya ako magpapatattoo?
Naglakad lakad lang sila ni Tzuyu sa palengke. Inutusan sila ni Jihyo unnie na bumili ng jokbal para kay Momo na laging kinakain ang paninda nila sa TWICE Store.
Tzuyu: Eto na ung jokbal.
Tumakbo siya papunta sa stall ng jokbal.
Paglingon niya ay wala na si Chae.Tzuyu: Nasan na naman ang maliit na yun?
Bumili na siya ng dalawang piraso dun at hinanap si Chaeng.
Patuloy siya sa paghahanap, ilang minuto na ang nakakalipas hindi pa rin siya ito nahahanap. Tinext niya ito pero hindi nagreply.
Tzuyu: CHAENG!!!!!! Nasan na ba yun? Lagot ako kay Mina unnie pag pinabayaan ko siya T_T
Nakita niya si Chaeng na lumabas mula sa isang store ng antiques. Agad niya itong nilapitan.
Tzuyu: ano ka ba naman Chaeng! Akala ko nawala ka na.
Chae: Ano kaba Yoda, memorize ko itong lugar na 'to e. Diba dito ako lagi?Kumunot ang noo ni Tzuyu. Yoda? Si Mina unnie lang tumatawag nun sa kanya. At si Chae, hindi naman ito mahilig sa antique, kundi si Mina unnie.
Nang tumakbo papalapit sa jokbal stall si Tzuyu at parang may humila kay Chaeyoung papunta sa isang lugar.
Matanda: Halika iha..
Chae: bakit po?
Matanda: alam kong may bumabagabag sayo.
Chae: nako lola, may kasama po ako hindi ko po pwede humiwalay kay tzuyu.
Matanda: May inggit kang nararamdaman sa isang kaibigan mo.Napahinto si Chae sa sinabi nito.
Chae:p-po?
Ngumiti ang matanda at iginiya si Chae sa loob ng antique shop. Nakita niya ang mga gamit doon. "Kung makikita lang ito ni Mina unnie siguradong matutuwa siya" aniya sa isip niya.
Matanda: Gusto mong maranasan ang karanasan ng isa sa mga kaibigan mo hindi ba?
Chae: p-pano niyo po n-nasabi?
Matanda: Mayroon akong ibibigay sayo. Pero hindi mo dapat ipaalam sa mga kasama mo.Nakinig lang si Chae sa paalala at dereksyon ng matanda. May ibinigay sa kanyang kwintas na may maliit na bote bilang pendant.
Mayroon itong pulang likido sa loob. Sinuot niya ito at lumabas sa shop. May naramdaman itong kabog sa dibdib niya nang dumikit sa balat niya ang pendant.
Nakita niya si Tzuyu na papunta sa kanya. Pakiramdam niya ay may iba na sa kanya.
Tzuyu: ano ka ba naman Chaeng! Akala ko nawala ka na.
Chae: Ano kaba Yoda, memorize ko itong lugar na 'to e. Diba dito ako lagi?Maski si Chae ay nagulat sa sinabi niya. Totoo ba talaga ang sinabi ng matanda?
To be continued..
YOU ARE READING
Finding Chaeyoung
Fanfiction[COMPLETED] Chaeyoung idolized Mina a lot. She likes what Mina loves to do. She's the closest to her heart. Like sister from another mother. But something magical happened. Chaeyoung suddenly turns into Mina. There's two Mina. How will they put e...