Who's Francisco Alexis De Yro if he wouldn't go missing for days? Ilang araw na simula nung huli ko siyang nakita and here I am again, eating my lunch alone. Exams are all done pero sila Alex hindi pa. Todo kayod ang damo, as if he still needs it eh halos sisiw nga lang daw sakanya iyong mga subjects nila.
He's in Accountancy program, at ayun nga he still have a year to finish bago siya grumaduate while me I can already see freedom waving.
Gio and Elias had to go somewhere I don't know and because I'm busy with some of my papers and business, I didn't get to join them. Kaya mukha nanaman akong loner ngayon.
"Hi, Ara" Napatunghay ako para tignan kung sino yung nagsalita it's Oli, from Med. Fourth year din siya katulad ko, tsaka kaklase rin kasi siya ni Nikki who's also my close friend. Naipakilala na niya ito sa aming barkada.
"Mind if I sit with you?" Ngumiti ako sakanya. He's very friendly.
"No, sige lang. Wala naman akong kasama." Pagkasabi ko'y naupo rin siya at inilapag niya ang mga biniling pagkain. He's still wearing his clinical uniform.
"Si Nikki pala?" Hindi ko rin kasi alam kung tapos na ba ang internship nila. Isang buwan nalang kasi graduation na. Di ko nga lang alam sakanila. Usually mas nauuna kami. I barely talk to her too.
"I don't know. Hindi ko pa nga siya nakikita ngayong araw" Tumango lang ako at nagpatuloy nang kumain.
"You'll be graduating soon" He said cutting off the silence so I looked at him.
"Ito naman, ikaw din naman. We'll be leaving this University soon" sabi ko at inilibot ang mata sa kabuuan ng school. It's been my home for how many years already. Dito na ako nagmature at mas natutong magwork hard. I can't believe I'm about to leave.
"I'll surely miss everything in here"
"Me too" sabi niya at saka ako tinignan. Wearing a sweet smile.
"Of course, eh mahal na mahal mo kaya ito—
"Lalo ka na" Nahulog ko ang hawak kong kutsara't tinidor dahil sa narinig ko. Para akong naging estatwa, my eyes couldn't even blink.
"Oliver" bigkas ko sa pangalan niya but he just smiled even more.
"I've been meaning to tell about it" Nag-iwas siya ng tingin para huminga ng malalim.
"But I couldn't find the right time so—
"No, don't finish that sentence"
"Ara—
"Stop" Agad akong tumayo at iniwan ang pagkain ko doon kasama ni Oliver. How could he just tell me something so weird? Gutom na gutom ako, hindi manlang ako hinayaang makakakain manlang?
"Bwiset!" Bulyaw ko nang makaalis ako ng Cafeteria.
"You really know when I would be around. Laging mura ang lumalabas sa bibig mo kapag meron na ako" I flinched when I heard that familiar voice kaya't mas naglabas ako ng malutong na mura.
"Ano nanamang problema mo?" Tanong ni Alex.
"Someone just confessed to me." He just rolled his eyes saka sumandal sa isang poste na katabi lang niya.
"What's new? Eh diba ikaw si Ara Denisse Mojares?"
"Bago? He confessed to me while eating. Sana nagpasintabi manlang diba? Wala pa 'kong nakakain?!" I must've looked like a crazy lady ranting on him but to heck with that, gutom na gutom pa ako!