Malalim na ang gabi subalit wala pa ring tigil sa pag-iyak ang isang binatilyo habang nakatingin siya sa madilim na kalangitan. Kasalukuyan itong nakaupo malapit sa tulay at kapansin-pansin ang marumi nitong kasuotan. Marungis ang balat niya at tila ba napabayaan na.
Maraming dumaraan sa kaniyang gawi, subalit ni isa sa kanila ay hindi siya nagagawang tapunan ng tingin. Hindi siya binibigyan ng atensyon. Walang taong nais na kausapin siya.
"Eunice, kilala mo ba ang lalaking 'yan? Palagi ko siyang nakikita tuwing dumaraan ako rito. Napapansin ko rin na palagi na lang siyang tulala. Para bang nakatingin lang siya sa kawalan. Maayos lang kaya ang sitwasyon niya?" nagtatakang puna ng isang babae habang pinagmamasdan ang lalaki sa may tulay.
Pansamantala silang tumigil ng kaibigan niya sa isang karinderya para kumain at sakto naman nakita niyang muli ang lalaki. Ilan araw niya na ring nakikita ito pero wala siyang kahit na anong ideya kung ano ang pinagdaraanan ng lalaki.
"As far as I remember, 'yan din ang suot niya kahapon. I'm just wondering kung ano ba talagang nangyari sa kaniya. It looks like na may big tragedy siyang pinagdaraanan ngayon. I feel pity for him. Do you think he's waiting for someone?" malungkot na sabi ni Eunice habang sinisiyasat ang lalaki.
Hindi pa rin umaalis ang paningin niya rito. Tila may kung anong misteryo ang bumabalot sa lalaki pero hindi nila ito mabasa. Malaki ang pangangatawan nito at hindi rin naman siya mukhang pulubi. Nagkataon lang na marumi ang suot nitong damit na tila pinabayaan na.
"Mayenna, is it just me or kanina ka pa nakatingin sa kaniya? It looks like that you 're fantasizing about him. I'm going to ask you a simple question: are you into him? Bumaba na ba ang standards mo sa guy?" nagtatakang tanong ni Eunice sa kaibigan nang mapansing hindi pa rin inaalis ni Mayenna ang tingin sa lalaki.
Hindi na pinansin ni Mayenna ang mga sinasabi ng kaibigan. Tila nabingi na siya at ang tanging naririnig ay ang malakas na pag-ihip ng hangin. Gusto niyang tanungin ang kalagayan ng lalaki. Inaalala niya kung giniginaw ba ito.
"Ano ba talagang nangyayari sa iyo, Mayenna? Umalis na kaya tayo rito? Hello? Earth to my best friend, please. Hindi mo ba ako naririnig? Gosh!" hindi makapaniwalang sabi ni Eunice.
Nagpatuloy pa rin sa pagtingin ang kaibigan niya kaya nagpakawala na lang siya ng malalim na buntong-hininga. Ayaw niyang masira ang gabi nila nang dahil sa ginagawa ni Mayenna.
"Kung hindi mo pala ako sasagutin, sana hindi mo na lang ako isinama rito. Mayenna, ano ba? I am here. Katabi mo. Don't you hear me?" muling dagdag pa ni Eunice.
Idinaan na lamang ni Eunice sa pagkain ang nararamdamang pagkainis sa kaibigan. Nakatulala pa rin ito at mariing tinitingnan ang lalaki sa tulay. Tila binabantayan niya ang kilos ng lalaki na animo'y naghihintay sa wala.
"Relax, Eunice. I heard what you are saying. Please, give me a time to think. Interesado talaga akong makilala ang lalaki sa tulay," mahinang sabi ni Mayenna.
Hindi niya tinapunan ng tingin ang kaibigan at nanatili sa ginagawang pagtitig. Nagsisimula na ring magsialisan ang ibang tao sa lugar na iyon para umuwi.
"Okay, as you wish. Pero kapag naubos ko na itong pagkain ko, uuwi na tayo. Are we clear, Mayenna? Hindi ka naman papansinin ng lalaking iyan. Huwag kang umasa sa imposibleng mangyari," mariing giit ni Eunice.
Tumango na lang si Mayenna nang sa gayon ay hindi na mag-ingay pa ang kaibigan niya. Itinuon niya ang buong atensyon sa taong tumatatak sa isip niya ngayon.
Unti-unting umalis mula sa pagkakaupo sa gilid ng tulay ang lalaki. Pakiramdam ni Mayenna ay tila bumabagal ang oras at hindi niya maintindihan pero nasa lalaki lang nakatutok ang atensyon niya.
Tuluyan na niyang nasilayan ang mukha ng lalaki at hindi niya ito inaasahan. Kahit na may malayong espasyo sa pagitan nilang dalawa ay nakikita niyang nangungusap ang mga mata ng lalaki. May gusto itong sabihin pero hindi niya marinig. Ang mistersoyo nito at habang tinitingnan niya ay para siyang nalulunod sa matinding kalungkutan.
Bigla na lamang itong umalis matapos siyang titigan sa mata. Bahagyang nagulat si Mayenna at pakiramdam niya ay biglang bumilis ang pagtibok ng puso niya. Hindi niya gustong umalis ang lalaki. May gusto siyang sabihin dito.
"Hindi! S-Sandali lang. Huwag mo akong iwanan..." mahinang sambit niya habang pinagmamasdan papalayo ang lalaki.
Tuluyan na itong umalis at hindi na nito muling tinapunan ng tingin. Ngunit bago ito tumalikod ay lumingon siya kay Mayenna at ngumiti. Isang ngiti na puno ng sakit at pighati.
"Huwag kang mag-alala. Hahanapin kita at muli kong kukulayan ang madilim mong mundo. Pangako 'yan," determinadong bulong ni Mayenna sa sarili niya habang sinusundan ng tingin ang papalayong pigura ng lalaki hanggang sa tuluyan na itong mawala.
Araw ng pagsisimula: Marso 16, 2022
Araw ng pagtatapos:
BINABASA MO ANG
When Colour Dies (COMPLETE)
General FictionAng bawat tao ay nararapat na makatanggap ng halaga, pag-unawa at pagmamahal mula sa kaniyang kapuwa. Ano mang estado ng buhay ay dapat na pantay-pantay ang tingin sa lahat. Walang dapat na mas umangat. Pero paano kung hindi siya binibigyan ng pan...