Teaser

103 0 0
  • Dedicated kay Kimberly Mae Villacastin
                                    

Fourth year high school pa noon si Kim ng nagdesisyon siyang iwanan ang kasintahang si Jason dahil sa kagustuhan niyang matapos ang kukunin niyang kurso sa kolehiyo na Bachelor of Science in Accountancy ng walang sagabal. Ang desisyong ito ang nagtulak kay Jason na gumawa ng kasunduan na sa loob ng ilang taon na pag-aaral nila sa kolehiyo ay di na sila muling magkikita pa at mag-communicate kahit sa facebook. Alam ng dalwang mahal nila ang isa’t isa kaya naging mahirap sa kanila ang naging kasunduan. Lumipad ng U.S si Jason at doon na nag-aral sa kanyang Engineering course habang si Kim naman ay nanatili dito sa Pilipinas.

Matapos ang anim na taon ay di pa rin makalimutan ni Kim si Jason at wala na itong naging ibang kasintahan pagkatapos ng break-up nila. But, when two persons are really meant for each other, destiny will always find its way to make these people meet. Muling nagkita ang dalawa sa isang di sinasadyang pagkakaton. Nandoon pa rin ang chemistry at ang mutual na nararamdaman ng bawat isa.

Ang inakala ng dalawa na pwede na nila muling ipagpatuloy ang naputol na relasyon ng walang hadlang ay bigla nalang naging isang pangarap. Isang pangarap na kahit kalian ay di na nila matutupad dahil sa isang taning. Dalawang buwan. Dalawang buwan para magsama at ipalasap sa bawat isa ang kapangyarihang taglay ng pag-ibig. Dalawang buwan para ipagpatuloy ang lahat. Dalawang buwan, to build memories that would last a lifetime.

Paano tatanggapin ni Kim ang pag-ibig ni Jason ngayong alam niyang iiwanan din niya ito after two months? Paano nila pahihituin ang oras para mas tumagal ang dalawang buwan na sila ay magkakasama? Paano nila mapapatuyan na love can really conquers all ngayong mismo ang oras na ang kalaban nila sa kanilang pag-iibigan?

Tunghayan niyo po ang aking bagong likha na umiikot sa wagas na pag-iibigan nila ni Kimberly Basalo at Jason Velcastillo. A love story that will define the real meaning of true love and true happiness. TIME MACHINE.

“Kung may time machine lamang ako, ay babalikan ko ang panahong naging selfish ako and I want to live my life with you from that moment until now.” -KIM-

“Hindi nasusukat ang pag-ibig sa tagal ng panahong magkasama ang dalwang tao kundi sa mga ala-ala na pinagsaluhan nila sa loob lamang ng maliit na panahon.” –JASON-

Time MachineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon