Chapter 9

29 0 0
                                    

NAMANGHA si Jason sa kagandahang taglay ng kanyang mapapangasawa. Bagay kasi dito ang puting gown nasuot nito. Masaya siya sa mga sandaling iyon. Di niya namamalayan habang nakatitig siya kay Kim ay tumutulo na pala ang kanyang mga luha kaya pinunasan niya ito agad. Maya-maya ay abot kamay na niya si Kim. Huminto ito tumingin sa kanya. Malungkot na masaya ang nararamdaman niya kaya kahit nakangiti man si Jason ay naluluha pa rin siya. Ipinakapit na ni Aya si Kim kay Jason para maalalayan itong maglakad patungo sa altar.

“Wag kang umiyak. Di ito funeral mass.” Biro ni Kim kay Jason sabay punas sa mga luha nito.

“Masaya lang ako Kim. Paano ka nakalakad?” tanong nito.

“Basta. Himala nalang siguro to.” Sabay bitiw ng ngiti. Agad silang lumapit sa altar. Pagkarating nila doon ay agad silang lumuhod sa harap ng pari at nagsimula na ang seremonya ng kasal.

“Man, do you accept this woman, to become your wife for richer or for poorer, in sickness or in health and till death do you part?” 

“Yes father until the last beat of my heart.” Wika ni Jason na tumingin kay Kim. Si Kim naman ay nangingilid na ang luha sa kanyang mga mata dahil sa magkahalong saya at lungkot.

“woman, do you accept this man, to become your wife for richer or for poorer, in sickness or in health and till death do you part?”

“I do father.” At tuluyan nang tumulo ang luha sa mata ni Kim.

“I now announce you husband and wife!” sigaw ng pari. Agad umugong ang palakpakan sa buong silid. Hinarap nila ni Jason ang mga tao ng nakangiti. “You may now kiss the bride.”

Hinarap ni Jason si Kim at itinaas ang belong nakatakip sa mukha nito. Bumungad sa kanya ang nagniningning na mata ng dalaga at ang matamis na ngiti nito. Pinunasan muna ni Jason ang mga luha ni Kim na kanina pa umaagos bago siya nagsalita.

“I will love you Kim until the end of time.” Hinalikan ni Jason si Kim sa mga labi. It was the sweetest kiss they have tasted. Puno iyon ng pagmamahal at pag-ibig. Muling umugong ang palakpakan sa silid at ang iba ay naghihiyawan pa.

Binitawan nila ang kanilang mga labi ng nakangiti. Hinagilap ni Kim si Aya at nakita niya ito sa harapang upuan na nagpupunas ng luha. Sa mga sandaling iyon ay gusto lamang niyang namnamin ang kasiyahang dulot ng lahat. Iwinaglit na niya ang ibang pag-aagam agam sa puso’t isipan niya. Masaya siya sa lahat ng nangyari dito kaya wala na siyang pinagsisisihan sa mga naging desisyon niya.

Matapos ang picture-picture ay pumanhik na sila sa labas ng simbahan at doon itinapon ni Kim ang bulaklak niya. At ang nakasalo nito ay walang iba kundi si Angel Clare. 

Hanggang sa reception nila sa isang hotel ay wala pa ring masidlan ang kasiyahan sa puso ni Kim. Ganun din si Jason. Nang nasa part na sila kung saan sabay nilang hihiwain ang cake ay biglang naramdaman ni Kim ang pananakit ng ulo niya. Pero di niya iyon ipinakita kay Jason. Ayaw niya kasing masira ang lahat ng kasiyahan ng mga tao sa paligid at ang kasiyahan ni Jason. Unti-unti na ring nanghihina ang tuhod niya dahil kanina pa siya lumalakad. Kahit mabagal siyang lumakad ay nanghihina pa rin siya. Pagkatapos nilang magsubuan ay umupo na muli sila sa kanilang upuan. Nagsisimula nang umagos ang malamig na pawis sa katawan ni Kim dahil sa kakapigil niya sa pananakit ng ulo niya. Hanggang nawalan na siya ng malay.

“Kim! Are you okay?” tanong ni Jason kay Kim nang magising ito. Pilit na ngumiti si Kim at tumango. Nararamdaman na ni Kim na sobra na siyang nanghihina at ano mang oras ay bibigay na ang katawan niya. Naisip niyang maghabilin na kay Jason pero nang titigan niya ito ay umuiiyak pala ito.

“B-bakit ka umiiyak?” tanong ni Kim at pilit na inabot ang pisngi ng binata.

“N-natatakot ako na baka ay iwan mo ko.” nanginginig ang boses ni Jason sa mga sandaling iyon.

Time MachineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon