NANLAKI ang mata ni Kim nang makarating siya sa gitna ng pasilyo ng school nila. Hinila kasi siya ng kaibigang si Aya papunta doon at wala siyang ibang magawa kundi ang sumunod dito. Isang makulay na post-it stamp ang bumungad sa kanya sa pinaghintuan nila ng kaibigan. Nilingon niya ang buong paligid at di lang iyon ang nag-iisang post-it stamp doon. Kinuha niya ang isang post-it sa utos na rin ni Aya.
“Una pa lang kitang makita…” ang nakasulat sa post-it na kinuha niya. Kinuha niya ang kasunod na post it sa di kalayuan.
“ay nahulog na ako sayo.” Ito naman ang nakasulat sa pangalawang post-it. Out of curiosity ay kinuha niya naman ang kasunod na post-it.
“You became my world…” nagpatuloy siya sa pagsunod sa mga pos-it at patuloy na nagbasa.
“Hindi kumpleto ang araw ko kapag di kita nakikita.”
“Apat na taon akong naghintay…”
“para sa pagkakataong ito…”
“na masabi sa iyo ang nararamdaman ko Kim.”
“Natotorpe ako sa tuwing kaharap kita…”
“na para bang di ako makapagsalita ng matuwid…”
“dahil nahihipnotize ako sa ganda mo.” Namalayan nalang ni Kim na nasa harapan na niya ang hagdanang patungo sa ikalawang palapag at marami pang post –it doon. Sa mga nabasa niya ay di niya mapigilang kiligin habang isang tanong ang bumabagabag sa isip niya.
“Sino ba ang may pakana nito Aya?” tanong niya sa kaibigan
“Ewan.” Pagkibit balikat naman ni Aya na halata ring kinikilig. Nagpatuloy nalamang siya sa pagkuha sa mga post-it na natitira at patuloy na binasa.
“Nag-aral akong mabuti dahil sayo”
“Binago ko ang lahat para sayo”
“You became my inspiration..”
“sa lahat ng mga achievements ko.”
“I love the way you smile..”
“I love the way you comb your hair by your fingers…”
“I love the way you carry yourself”
“I love your eyes…”
“I love your nose…”
“and…” nasa harapan na ngayon ni Kim ang pintuan ng rooftop ng school nila nang mabasa ang huling pos-it na nakita niya. Nagtataka man ay binuksan niya ang pinto at bumungad sa kanya ang isang gwapong lalaking may pamilyar na mukha. Si Jason. Ito ang bad boy turned good boy na sikat sa school nila. Consistent honor student mula second year at parating nanalo sa mga pacontest sa ibang school sa drawing o kahit sa kantahan. Kilala bilang siga at badboy ito noong first year pa sila kaya laking gulat nalang ng lahat ng nagbago ito noong second year. Matangkad, moreno at guwapo ito kaya pinagkakaguluhan ng lahat ng kababaihan.
Sa katunayan ay magkaklase at magkaibigan sila ni Kim. Kaya gulat na hinarap ng dalaga si Jason at di makapaniwala. Niminsan kasi ay di ito nakikitaan ni Kim ng interest sa kanya gaya ng ibang suitors nito kaya kaibigan lang talaga ang turing ni Kim sa binata.
Lumapit si Jason kay Kim at ibinigay ang huling post-it.
“I love you!” di makapaniwala si Kim sa lahat ng nangyayari sa sandaling iyon. Iniabot ni Jason kay Kim ang isang kumpol ng rosas.
“B-biro ba to Jason?” tanong ni Kim na di talaga makapaniwala sa ginawa ni Jason.
“Hindi nagbibiro ang puso ko Kim. Matagal kong hinintay ang lahat ng to. Gusto kong malaman mong matagal na talaga akong may pagtingin sayo.” Paliwanag ni Jason. Di namalayan ni Kim ang pagtulo ng kanyang mga luha. Sobrang na-appreciate niya ang ginawang iyon ni Jason. It was very romantic at parang eksena sa isang piluka. Matagal na rin kasing crush ni Kim si Jason kaya sobrang saya niya nang malamang may pagtingin din ito sa kanya. Matagal ding naghintay si Kim para mapansin ng lalaki kaya ibayong saya ang nangingibabaw sa puso niya ngayon. Gamit ang hinlalaki ay pinunasan ni Jason ang mga luhang umaagos sa mga mata ng dalaga.
BINABASA MO ANG
Time Machine
RomanceAno ang magagawa mo para sa pag-ibig sa loob lamang ng maliit na panahon? “Kung may time machine lamang ako, ay babalikan ko ang panahong naging selfish ako and I want to live my life with you from that moment until now.” -KIM- “Hindi nasusukat ang...