Chapter 1

41 0 0
                                    

MAG-AALAS NWEBE na ng gabi at hindi pa rin tapos si Kim sa pagbibilang ng mga itlog ng manok sa isang farm na nadestino sa kanya. Sa lahat ng ayaw ni Kim ay ang maging auditor sa isang poultry farm dahil sa dami ng gawain doon pero wala siyang choice kundi ang tanggapin ang offer na iyon. Iba ang pinangarap ni Kim sa Accountancy profession niya at yun ang makapagtrabaho bilang accountant sa isang malaking company. Pero kabaliktaran ang naging trabaho niya ngayon. Isa siyang Accountant sa isang Accounting Firm kung saan nag-aarkila ang mga Kompanya ng accountant kung kalian nila kailangan ang tulong ng mga ito. Kaya destino-destino ang policy ng Accounting Firm na iyon. Isang taon nang nagtatrabaho si Kim doon at ngayon ay sa isang poultry farm siya nakadestino kaya sobrang pagkadismaya niya nang malaman ang balita.

“Ma’am ipagpapabukas niyo nalang ho ang pagbibilang ng natitirang itlog.” Mungkahe ng isang trabahante sa poultry farm na iyon.

“Naku wag na! Malapit na naman akong matapos dito.” Wika ni Kim habang patuloy na nagbibilang ng itlog na nakahelera sa bodega na iyon.

“Sige ho ma’am. Maiwan na kita kasi hinahanap na ako ni Misis eh. Gamitin mo nalang ang kabayo ko papunta sa resthouse nitong farm.” Isang tango lamang ang isinagot ni Kim at patuloy na nagbilang.

Makalipas ang isang oras ay natapos na rin sa wakas ni Kim ang pagbibilang ng itlog at napagdesisyonang umuwi na sa rest house. Marami pa siyang gagawing accounting reports bukas kaya wala na siyang inaksayang sandali at sumakay na sa kabayo. Mabuti nalang at nakapagtraining si Kim ng horseback riding noong nasa kolehiyo pa siya kaya kahit papano ay alam niya kung paano sumakay at magpatakbo ng kabayo. 

Nasa kalagitnaan na ng daan si Kim ng huminto ang kabayo niya. Kahit anong palo ang gawin niya ay ayaw na nitong tumakbo kaya napilitan siyang bumaba. Tiningnan niya ang kabayo at ramdam niya na may iniinda ito. Hinalugad niya ng tingin ang buong katawan ng kabayo para alamin kung anong nangyari dito. Naipit pala ang paa ng kabayo sa ugat ng kahoy na nasa gitna ng daan. Di maialis ng kabayo ang paa nito dahil sa sikip ng nakausling ugat na iyon. Hindi na sinubukan pa ni Kim na tumulong sa kabayo dahil takot din kasi siyang masipa nito kaya mas pinili nalamang niyang maglakad.

Malalim na ang gabi noon nang biglang sumakit ang ulo niya. Nakikita na ni Kim ang ilaw sa rest house kaya pinagpatuloy niya parin ang paglalakad. Sapo-sapo ni Kim sa kamay niya ang kanyang ulo habang naglalakad. Hanggang di nalang namalayan ng dalaga ang pagbagsak niya sa lupa at biglang nawalan ng malay.

“Okay na ba ang pakiramdam mo hija?” tanong sa kanya ni Nana Lusing na katulong sa bahay na iyon. Nasa silid na siya ng bahay nang magising siya at di na nalaman ang mga nangyari pagkatapos niyang mawalan ng malay. Hinawakan niya ang kanyang noo at wala na ang sakit na nararamdaman niya kanina nang matumba siya sa daan.

“Ayos na ho ako Nana Lusing. Dahil lang siguro yun sa pagod. Salamat ho sa pag-aalaga.” Wika ni Kim. Nagpa-alam na si Nana Lusing kay Kim para umalis. Nasa bungad na ito ng pintuan nang muling nagtanong si Kim. “Sino ho pala ang nagdala sa akin dito?”

“Ah? Yun ba? Nakita ka kasi ng engineer na gagawa sa isang poultry house dito sa farm. Natyempuhan ka niya nang napadaan ito sa binagsakan mo kaya binuhat ka niya at dinala dito.”

“Nasaan po siya? Hindi man lang ako nakapagpasalamat.”

“Nasa silid niya. Kakaalis lang niya dito sa silid mo nang magising ka. Kanina nga ay di ka niya iniwan at inalagaan ka pa niya ng husto. Siguro may gusto sa iyo yun.” Pilyong opinion ng katulong. Isang ngiti lang ang isinagot ni Kim.

KINAUMAGAHAN ay bumaba na si Kim mula sa silid niya at tinumbok ang kusina para mag-agahan. Nakahanda na ang lahat at puro masasarap na pagkain ang nasa mesa. Kaya agad siyang umupo at nagsimulang magsalin ng pagkain sa plato niya ng dumating si Nana Lusing.

Time MachineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon