Chapter 5

25 0 0
                                    

“GANYAN din ang pagmamahal ko para sayo Kim. Ibibigay ko ang lahat mabuhay ka lang kahit ang sarili ko pa ang kapalit.” Sabay hawak sa kanang kamay ng dalaga.

“Salamat Jason.”

Makalipas ang isang linggo ay patuloy pa rin sa treatment ng doctor si Kim. Buong tapang niyang tinatanggap ang bawat injections na itinutusok sa kanya. Gusto niyang gumaling. Ayaw niyang iwan si Jason at gusto niyang makita itong tumanda.

Alas syete na ng umaga noon ng magising si Kim. Naramdaman niya muli ang pagkirot ng kanyang ulo. Pinikit niya muli ang kanyang mga mata at nagbabakasakaling maibsan ang kirot na nararamdaman niya. Pero wala ring epekto iyon. Pilit siyang tumayo at tinumbok ang kusina. Nakita niya doon si Jason na nagluluto. Nakahawak siya sa pader habang marahas na sinasabunutan ang sarili dahil sa sakit. Gusto niyang makainom kaagad ng gamot. Namalayan na lamang niya na nilingon siya ni Jason. Pilit siyang tumayo ng tuwid at wag ipahalata sa lalaki ang iniinda niyang sakit. Naglakad siya patungo sa kinaroroonan nito na parang walang iniinda.

“Good morning.” Bati niya kay Jason at pilit na ngumiti.

“Ang aga mo namang nagising.”

“Syempre. Gusto ko kasing ako naman ang magluto para sayo.” Pagsisinungaling ni Kim.

“Magpahinga ka nalang doon sa kwarto at tatawagin nalang kita mamaya.” Tumango lamang si Kim. Pilit niya paring tinuturuan ang sariling umarte ng normal kahit na parang mabibiyak na ang ulo niya. Nagsalin siya ng tubig sa baso at ininum iyon. Nanginginig niyang inillapit ang bukana ng baso sa bibig niya para makainom. Tatlong lagok ng tubig ang ininom niya.

Sumisipol-sipol namang nagluluto si Jason nang biglang may narinig siyang tila nabasag sa likuran niya. Agad niyang nilingon ang kinaroroonan ng ingay. Nanlaki ang mata niya nang makitang nakahandusay na sa sahig si Kim at walang malay. Agad niya itong binuhat at dinala sa sasakyan niya.

NAGISING si Kim at ang mukha ni Jason ang una niyang nakita. Umiiyak ito at agad na pinunasan ang luha sa mata. Ngumiti lamang si Kim kay Jason.

“M-mahimbing ang tulog mo.” Ang tanging nasabi ni Jason kay Kim. Maputla ang dalaga at tila wala na ang sigla sa mukha nito. Habang si Jason naman ay pilit na itinatago ang lungkot sa mukha ngunit lumalabas pa rin ang totoong nararamdaman nito. Ramdam ni Kim ang lungkot na kinikimkim ng binata.

“Oo nga.” Wika ni Kim. Nahihirapan na siyang magsalita sa mga sandaling iyon.

“M-may sinabi ang doctor.” At tuluyan nang bumuhos ang luha ni Jason. “G-gusto mo bang malaman?” pilit na ngumiti si Kim at tumango.

“Alam kong hindi na ko gagaling Jason. Nararamdaman ko yun sa k-katawan ko.” ibinaling ni Kim ang mata sa bintana at tinitigan ang asul na ulap.

“G-galing ka pa Kim. Alam ko. Baka hindi lang talaga marunong ang mga doctor dito. Wag kang mag-alala. Hahanap tayo ng ibang hospital okay.”

“Jason.”

“Kim?”

“Umuwi nalang tayo sa Pilipinas.”

“Hindi Kim. Hahanap pa tayo ng makapagpapagaling sayo.” Pinunasan ni Jason ang luha sa kanyang mukha.

“A-ano ba kasi ang sabi ng doctor?”

“Wag kang maniwala sa doctor na iyon. Parang di naman marunong manggamot eh.”

“G-gusto k-ko lang malaman ang sinabi niya.” Nilingon na muli ni Kim si Jason at tinitigan. “Please Jason.”

“S-sabi niya K-kim.” At patuloy na bumuhos ang luha sa kanyang mga mata. “K-kumalat na daw ng husto ang cancer cells. K-kahit ipagpatuloy pa daw natin ang lahat ay wala ring mangyayari. Mas mabilis daw ang pagdami kesa pagkawala nito. Kung ooperahan din daw ay wala ring kasiguruhan kung matatangal ba talaga ang lahat ng cancer cells pero yun lang daw ang nag-iisang choice tanin. H-hindi na daw nila kayang magamot ka kung hindi ka ooperahan.”

Time MachineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon