“KIMBERLY BASALO’s MEDICAL RECORD.” Ang nakasulat sa labas ng envelope. May isang x-ray picture sa loob na nagpapakita ng bungo niya. Pansin niya ang isang putting bagay sa utak niya na kasing laki ng limang piso. May sulat pa doon at yun ang kanyang binasa.
“Miss Kimberly Basalo has a brain cancer and it is already on its fourth stage. Hindi na ito magagamot pa. The best thing we can do right now is to pray for miracles. Masakit mang sabihin ay wala na tayong magagawa pa Jason. Ayoko sanang sabihin to sayo, pero Kim has approximately two months to live. Masyadong malala na ang cancer cells sa utak niya ngayon too late na para maagapan pa ang lahat. Kahit mag-undergo pa siya ng mga process para mawala ang cancer cells sa utak niya ay di pa rin nito magagaling at tuluyang mawawala ang mga iyon. Iba ang case ni Kim dahil napakabilis ng pagkalat at pagdami ng cancer cells doon sa ulo niya. Gaya ng nasabi ko kanina ay the only thing that we can do is to pray for miracles. Walang imposible sa panginoon Jason.”
Hindi makapaniwala si Kim sa nabasang katotohanan. Ang ibig sabihin lamang nito ay may taning na ang kanyang buhay. Two months. Nanginginig na inilapag muli ni Kim ang brown envelope sa may dashboard ng sasakyan. Ayaw niyang mamatay at ang tanging gusto niya ay mabuhay pa ng matagal kasama si Jason. Gusto niyang sisihin ang sarili sa nangyayari ngayon. Kung hindi lamang siya naging pabaya sa katawan niya ay di sana hahantong sa ganoong sitwasyon ang lahat. Itinakip ni Kim ang dalawang palad sa mukha niya at patuloy na umiyak. Naramdaman na lamang niya na may nagbukas ng driver’s side na pintuan ng sasakyan at may umupo doon. Alam niyang si Jason iyon.
“Kim.” Tipid na salita nito sabay hawak sa balikat ng dalaga. Ramdam niya pakikisamo ng binata sa kalagayan niya pero ayaw niyang kaawaan siya nito.
“B-bakit di mo sinabi sa akin agad to?” magkahalong galit at lungkot na tanong ni Kim sa binata. Tiningnan niya ito. Bakas sa mga mata ni Jason ang lungkot na nararamdaman din niya sa mga sandaling iyon.
“H-humahanap lang ako ng tyempo Kim.” Bumuntong hininga si Jason. “Sabi kasi ng doctor na makakasama sa iyo ang malungkot at mastress. Kaya di ko muna sinabi ang lahat sa iyo.”
Patuloy pa rin sa pag-iyak si Kim at dahil sa sobrang lungkot ay bumaba siya sa sasakyan at naglakad palayo. Kung saan siya pupunta ay di niya alam. Gusto niyang mapag-isa kaya dire-diretso lamang ang lakad niya. Agad ding bumaba si Jason sa sasakyan at hinabol ang umiiyak na dalaga. Hinawakan nito ang braso ni Kim at agad niyakap.
“Kim di pa huli ang lahat okay. Magagamot pa natin ang sakit mo kaya wag kang mag-alala. Nandito lang ako para umalalay sayo Kim. At pangako di kita iiwan.” Wika ni Jason habang hinihimas ang buhok ng dalaga. Nakatayo lang si Kim at di man lang yumakap sa binata. Pinabayaan niya lang na ito ang yumakap sa kanya. Balisa siya at wala siyang lakas para lumaban kay Jason at sabihin ang lahat ng hinanakit niya sa mundo.
“Aalis tayo papuntang America bukas Kim at doon natin ipapasuri ang sakit mo. Alam ko magagaling ang mga doctor doon. Wag tayong sumuko Kim at malalampasan natin ang lahat ng to.” Buong pag-asang wika ni Jason habang hinahawakan na ang magkabilang balikat ni Kim.
“Jason, wag mo nang sayangin ang panahon at pera mo sa akin. Humanap ka nalang ng ibang mamahalin.” Umiiling si Jason sa sinabi ni Kim.
“Hindi Kim. Ikaw lang ang mahal ko at wala nang iba. Matagal nating hinintay ang lahat ng to di ba? Ang magkasama na wala nang sagabal at tututol pa?”
“Jason! Wag kang tanga! Di mo ba naiisip na walang patutunguhan ang pag-iibigan nating ito. Walang kasiguraduhan ang lahat. Baka bukas wala na ko dito sa mundo. Baka bukas nasa loob na ko ng kabaong.”
“Wag kang magsalita ng ganyan Kim. Lahat ng ito ay pagsubok lamang sa ating dalawa. Magpakatatag ka Kim. Habang may buhay may pag-asa.”
“Jason. Wag mo nang pahirapan pa ang sarili mo. Kung totoo man ang dalawang buwan na taning na iyon ay ibig sabihin lamang nun ay iiwan din kita. Di kita mabibigyan ng anak o ng pamilya. Siguro ay di talaga ako ang babaeng nakatadhana sa iyo. So please, iwan mo nalamang ako at humanap ka ng babaeng makakasama mo habang buhay.”
BINABASA MO ANG
Time Machine
RomanceAno ang magagawa mo para sa pag-ibig sa loob lamang ng maliit na panahon? “Kung may time machine lamang ako, ay babalikan ko ang panahong naging selfish ako and I want to live my life with you from that moment until now.” -KIM- “Hindi nasusukat ang...