Chapter 6

16 0 0
                                    

“MISS KIM is in good condition. She is very strong. The operation was very successful and now we can safely say that she is already cancer free.” Tila nabunutan naman ng malaking tinik sa puso si Jason sa narinig. Masaya siya sa sandaling iyon. Ibig sabihin lang nito ay tinupad ng dalaga ang pangako nitong gumaling at mali ang naging panaginip niya. Siguro ay totoo nga ang kasabihang baliktad sa katotohanan ang panaginip. Malaki ang pasasalamat niya sa panginoon dahil sa tinugon nito ang mga panalangin niya.

Kinabukasan ay binisita niya si Kim sa hospital. Pinagbawalan kasi siyang bumisita kahapon ng mga doctor ni Kim. Pagpasok niya sa loob ay mahimbing na natutulog lang ang dalaga. Nilapitan niya agad si Kim at pinagmasdan. Di niya mapigilan ang paghanga sa angking kagandahan ng dalaga. Makinis ang balat, matangos ang ilong at medyo chinita din. Kahit may bandage ang ulo nito ay maganda pa rin ito. 

“Kim wag kang sumuko. Magpagaling ka lang. Naghihintay lang ako dito.” Bulong niya sa dalaga. Hinawakan niya ang kamay ni Kim at hinalikan. Gusto na niyang magising ito at ipagpatuloy ang kanilang pag-iibigan ng mapayapa pero sabi ng doctor ay baka bibilangin pa ng ilang araw bago magising ang dalaga. 

Lumipas ang dalawang araw ay ganoon pa rin ang kalagayan ni Kim. Mahimbing pa rin na natutulog. Habang tumatagal ang pagiging ganoon ni Kim ay mas lalong di napapanatag ang kalooban ni Jason. Namimiss na niya ang mga ngiti nito at bawat palalambing nito sa kanya.

“Halika dito Kim.” Wika ni Jason habang inaalalayan ang naka-blindfold na si Kim paakyat sa isang isang lugar.

“Ano ba kasi to Jason?” paulit-ulit na tanong ng dalaga. Habang mahigpit na hinahawakan ang kamay ni Jason. 

“Basta! Kumapit ka lang at malapit na tayo.” Hindi na nagtanong si Kim. Kinakabahan si Kim sa mga sandaling iyon pero ibang kaba ang nararamdaman niya. Yung kaba gawa ng excitement at pagmamahal. Gusto niyang mandaya at tanggalin na ang blindfold pero palagi siyang pinipigilan ni Jason.

“Ayan nandito na tayo.” Hingal na wika ni Jason. Isang ngiti lang ang isinagot ni Kim doon. Pumunta si Jason sa likuran ni Kim at sinimulang tanggalin ang blind fold.

Noong una ay medyo malabo pa kay Kim ang kanyang nakikita. Paulit-ulit niyang kinukuskos ang likod ng palad niya sa kanyang mata para mas maging malinaw ang lahat. Nanlaki ang kanyang mata sa nakitang napakagandang view. Nasa ibabaw sila ng pangpang. Masarap ang simoy ng hangin na nanggagaling sa dagat at napakaganda ng tanawin. Yumuko si Kim at nakikita niya ang marahang pagsalpok ng alon sa mga batong nandoon sa ilalim ng pangpang. Hindi naging mainit ang pakiramdam ni Kim kahit kalagitnaan iyon ng tanghali dahil sa gilid ng kinatatayuan nila ay isang malaking puno na nagbibigay sa kanila ng lilim.

Hinalugad ni Kim ng tingin ang buong paligid. Puno ng pulang papel na hugis puso ang puno. May nakita rin siyang isang picnic basket at may blanket din na nakalatag na doon.

“Ginawa mo lahat to?” tanong ni Kim na may malaking ngiti sa mukha.

“Oo. Happy monthsary.” At binigyan ni Jason ng halik sa pisngi si Kim. Di maipaliwanag ni Kim ang sayang dulot sa kanya ng lahat ng iyon. Everything was very romantic.

Pinaupo ni Jason si Kim sa blanket na inilatag niya kanina. Pagkatapos ay umupo din siya sa tabi nito. Kinuha niya muna ang kanyang gitara bago tuluyang naupo sa tabi ni Kim.

“Marunong kang tumutog niyan?” pagtatakang tanong ng dalaga.

“Nagpaturo ako sa kaibigan ko last week dahil gusto kitang haranahin ngayon.” Marahang sinuntoki ni Kim si Jason sa balikat dahil na rin sa kilig na kanyang nararamdaman sa sandaling iyon. Kung pwede lang sana siyang sumigaw dahil sa kilig ay ginawa na niya pero nahihiya siya sa kasintahan. Napangiti na lamang si Jason sa ginawa ni Kim sa kanya. Sinimulan na ng binata ang pagkuskus ng kanyang gitara. Nakatitig ito kay Kim habang tumutogtog at ganun din naman si Kim sa lalaki.

Time MachineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon