BIGLANG sumibol ang pag-asa sa puso ni Kim at Jason sa narinig na resulta mula sa doctor. Ibig sabihin ay magagamot pa nga ang sakit ng dalaga. Agad sumailalim si Kim sa mga operations na kinakailangan para sa kanyang pag-galing. At nandoon palagi sa tabi niya si Jason para umalalay at sumuporta. Naging mas maginhawa an gang pakiramdam ni Kim matapos ang isang buwang.
“Di ba sabi ko sayo na magiging okay din ang lahat.” Wika ni Jason habang pinapanood si Kim na nagsusuklay sa sarili sa harap ng salamin sa kwarto nila.
“Sana nga at tuloy-tuloy na ang paggaling ko Jason. Ayoko pang ma-“
“Hindi ka pa mamamatay okay. Kaya wag kang mag-isip ng kung ano-ano. Ipanatag mo lang ang loob mo Kim.” Wika ni Jason. Sa sandaling iyon ay biglang tumigil si Kim sa pagsusuklay. Nanlaki ang mga mata ng dalaga at bigla na lamang umiyak. Hawak-hawak nito ang suklay. Agad nilapitan ni Jason ang dalaga para alamin kung ano ang nangyari.
Nagulat din si Jason sa nakita niya nang makalapit na siya kay Kim. Kumpol-kompol ang mga buhok na nalagas sa sahig at may malaking parte na ng anit ni Kim ang walang buhok. Niyakap ni Jason si Kim.
“Normal lang ang mga ganito Kim kapag nag-che-chemo ang isang patient.” Wika ni Jason na nakayakap pa rin sa dalaga.
“B-baka di umeepekto ang mga gamot ko. B-baka kulang pa ang pag-inom ko? B-baka …” umiiyak at nanlulumo si Kim sa mga sandaling iyon.
“Hindi Kim. Normal lang ang lahat kaya wag kang mag-alala okay.” Tumalikod si Jason kay Kim at may kinuha sa bag niya. Isa itong Wig. Isinuot niya iyon kay Kim at pinaharap muli sa salamin.
“Di ba parang wala lang nagyari?” pilit na ngumiti si Jason habang nakakatitig sa sarili naman si Kim.
“J-jason. P-paano kung totoo nga ang dalawang buwan na taning sa akin?” nanginginig na tanong ng dalaga.
“Hindi yun totoo Kim. Tingnan mo nga at di na masyadong sumasakit ang ulo mo sa mga nagdaang araw. Ibig sabihin ay nagreresponse ang sarili mo sa mga treatment na ginagawa sayo.” Paliwanag ni Jason.
“K-kung totoo nga ang dalawang buwan…”
“Hindi nga yun totoo okay. Kung totoo man yun ay mamahalin pa rin kita hanggang sa huli.”
“Ayokong gawin mo yan Jason. G-gusto ko kung mamamatay man ako ay humanap ka ng taong iibigin mo at wag mo na kong isipin.”
“Hindi ko magagawa yan Kim. Gaya ng nasabi ko na sayo dati ay ikaw lang talaga ang iibigin ko. Kaya kung ayaw mo akong maging malungkot ay magpakatatag ka at magpaggaling.” Tumango na lamang si Kim sa sinabi ng binata. Ayaw pa kasi niyang iwan ito. Alam niyang mahal na mahal siya ni Jason at nararamdaman niya iyon kaya pinipilit niya ang sariling magpakatatag para dito. Ito kasi ang dahilan kung bakit gusto pa niyang mabuhay.
Kinahapunan ay bumisita muli sila sa doctor niya. At gaya ng nasabi ni Jason ay normal lang ang pagkalagas ng buhok ni Kim. Normal lang iyon, at ibig sabihin nga ay nagreresponse talaga ang katawan ni Kim sa mga treatment na ginagawa sa kanya. Base sa latest test na rin ng hospital ay nabawasan na ng mga 10% ang cancer cells sa utak ni Kim sa patuloy na treatment ng dalaga. At kung ipagpapatuloy pa niya ang lahat ng treatment ay di malayong mawala na lahat iyon at tuluyan na siyang gumaling.
Matapos ang ginawang check up nila ni Jason at Kim sa hospital ay pumunta sila sa isang classy restaurant. Napakaromantic ng buong paligid. May mga musikerong tumutogtog ng malumanay na tugtugin at dim na red light lang ang nagbibigay liwanag sa loob. May tag-iisang kwarto kung saan nandoon ang mesang may candila ang bawat kakain sa lugar. May sense of privacy ang dalawa habang ineenjoy ang romantic setting ng restaurant. Pinapasok sila ni Kim sa isang kwarto at nakahanda na ang pagkain doon. Hinawi ni Jason ang upuan ni Kim at pinaupo doon ang dalaga. Pagkatapos ay siya naman ang umupo sa harap nito. Malaki ang ngiti sa labi ni Kim nang tiningnan ito ni Jason.
BINABASA MO ANG
Time Machine
RomanceAno ang magagawa mo para sa pag-ibig sa loob lamang ng maliit na panahon? “Kung may time machine lamang ako, ay babalikan ko ang panahong naging selfish ako and I want to live my life with you from that moment until now.” -KIM- “Hindi nasusukat ang...