Chapter 7

19 0 0
                                    

“J-jason.” Pilit na bigkas ni Kim. Pilit din siyang ngumiti para ipakita kay Jason na masaya siya. Di maitago sa mukha ni Jason ang kasiyahan matapos niyang marinig ang boses ni Kim. Agad niyang idinampi sa noo nito ang kanyang mga labi at hinimas-himas ang mukha ni Kim.

“Hanga ako sayo Kim. Napakatatag mo. Di mo binitawan ang pangako mo sa akin and im so proud of you baby.” Bulong ni Jason. 

“Ikaw kasi. You’re the best drug na ibinigay sa akin ng panginoon kaya 

nakaya ko lahat Jason.” Sabay hawak sa pisngi ng binata na lalong ikinasaya ni Jason. Dahil sa pagdampi ng palad nito sa mukha niya ay ramdam niya ang init ng kamay nito hudyat na itoy buhay. Maluluha-luhang dinamdam ni Jason ang init sa palad ng dalaga.

“Wag mo kong iyakan Jason. Buhay ako kaya bawal iyakan dito.” Biro ni Kim nang maramdaman niya ang namumuong luha sa gilid ng mata nito. Ngumiti lamang ang binata at muling hinagkan ang noo ni Kim nang may pumasok na doctor. Agad nitong sinuro si Kim at ipinasailalim sa mga test para masigurado ang kalagayan ng dalaga.

Matapos ang dalawang araw na pananatili sa hospital ay nalaman na ang resulta sa mga naging test kay Kim.

“When can I go home doc?” tanong ni Kim sa doctor.

“Miss Kim. After your operation we have found out that not all of the cancer cells have been taken away. The cancer cells were all over your brain and they are still multiplying as of this moment. They may not be as large as the tumor that we took during the operation but these cancer cells are still multiplying very fast.” Paliwanag ng doctor. Biglang may kung anong sumuntok sa puso ni Kim at ni Jason sa pagkarinig ng balita. Pero ni di nakitaan ng lungkot ang mukha ni Kim nang lingunin ito ni Jason.

“No- no.” pag-iling ni Jason. Agad siyang lumapit sa doctor at kinuha ang mga results na hawak nito. “Maybe there is something wrong in your tests. Or maybe these are not her results.”

Nanginginig na binuklat ni Jason ang pahina ng mga results ni Kim pero puro negetibo ang nababasa niya doon. Di na niya mapigilan pa ang pagluha. Muli niyang nilapitan ang doctor at itinulak ang balikat nito.

“This is not right. Let’s have another test. Don’t worry I will pay you just save Kim.” Walang imik ang doctor habang niyuyugyug ni Jason. Gusto niyang bawiin ng doctor ang lahat ng sinabi niya. Hindi niya matanggap ang lahat sa mga sandaling iyon.

“Uhm. D-doctor.” Wika ni Kim. Napahinto si Jason sa pagtulak-tulak sa doctor nang marinig ang boses ni Kim. Sabay nilang nilingon ang kinaroroonan ng dalaga. Di ito umiiyak at dir in malungkot ang mukha nito. Bagamat namumutla at nanghihina na ay di ito nakitaan ng lungkot ni Jason. Agad niya itong nilapitan at hinawakan ang kamay.

“Kim. May magagawa-“ pero di na natapos ni Jason ang nais sabihin dahil itinakip ni Kim ang palad niya sa bibig nito. Nakangiting tumingin sa kanya si Kim.

“There is nothing we can do about this right?” Tanong ni Kim na nakangiti pa rin. Tumango lang ang doctor at yumuko. “Okay. I wanna go home as soon as possible.”

“Kim!” Nanlaki ang mata ng binata sa sinabing iyon ni Kim. 

“Jason. Tanggapin na natin ang lahat. Siguro ay namimiss na ko ni God kaya kukunin niya ko ng mas maaga.” Sabay tawa sa biro niya.

“Wag kang magbiro ng ganyan Kim.”

“Ganyan talaga ang buhay Jason. Di natin alam kung hanggang saan lang tayo sa mundong ito. Ipinahiram lamang ang lahat ng ito ni lord kaya di natin alam kung kalian niya din ito babawiin. Ang dapat nating gawin ay tanggapin ng buo ang lahat ng desisyon niya. Kasi alam kong ang lahat ng ito ay naaayon sa kagustuhan niya kaya wag kang mag-alala sa akin okay?” sabay taas ng kanang hinlalaki niya at pilit na ngumiti. Niyakap ni Jason si Kim.

Time MachineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon