Chapter 2

26 0 0
                                    

NAGISING si Kim sa isang silid na di pamilyar sa kanya. Inikot niya ng tingin ang buong silid at nakita niyang nakutulog si Jason sa isang sofa sa di kalayuan. Alam niyang nasa hospital siya sa mga sandaling iyon. Tatayo na sana siya ng maramdamang may mga nakakabit na plastic tubes sa kamay niya. Nagising si Jason dahil sa ingay na nagmula sa posting pinagkabitan ng plastic tubes. Agad namang lumapit it okay Kim.

“How are you?” pag-aalala ng binata.

“Okay na. Bakit mo pa ko dinala dito? Ayaw na ayaw ko sa hospital.” Paliwanag niya. Di pa rin kasi mawala sa ala-ala niya nang magkasunod na taong namatay ang mga magulang niya at nakikita niyang nasasaktan ito sa loob ng hospital. Kaya ipinangako niya sa sarili na di na siya papasok sa hospital dahil wala ring nagawa ang mga doctor para sagipin ang magulang niya nang ipinasok dito noon.

“Mas mabuti na rin ito para masuri ka. Alam kong palagi mo nalang iniinda ang sakit ng ulo mo kaya mas mabuti na ito.” Paliwanag ni Jason.

“Ano ka ba? Simpleng sakit lang ng ulo yun dahil sa pagod. Wala akong ibang sakit okay.”

“Mas mabuti na ang nakakasiguro Kim.” Sa sandaling iyon ay pumasok naman ang isang doctor na may kasamang nurse.

“Are you okay now miss Basalo?” tanong ng doctor habang sinusuri ng nurse ang mga equipments sa loob ng silid niya.

“I’m super okay! Kailan ho ako makakalabas?”

“May mga gagawin pa kaming mga test sayo. Pero siguro bukas makakalabas ka na.” paliwanag ng doctor.

“Sabi ko sayo Jason simpleng sakit ng ulo lang to eh. Kaw talaga masyado mong pinapalaki ang nangyari.” Ngunit isang pilit lang na ngiti ang isinagot ni Jason sa kanya. 

Maya-maya ay lumabas na ang doctor at ang kasamang nurse nito. Kasama sa paglabas nila si Jason. Matapos ang ilang sandali ay pumasok din ito sa silid. Napansin ni Kim ang pamumula ng mata nito ngunit nakangiti pa rin.

“Kailan mo gustong lumabas dito Kim?” Malaki ang ngiti ng binata pero may lungkot pa ring nararamdaman si Kim sa mga mata nito.

“Bukas na bukas lalabas na ako dito.” Buong tapang na wika ni Kim.

“Okay!” buong siglang sigaw ni Jason at pilit na ngumiti muli. Nakita ni Kim ang namumuong luha sa gilid ng mga mata ng lalaki.

“Umiiyak ka ba?” tanong ni Kim.

“Ako? Umiiyak? Di ah!” at pilit na tumawa. Pero agad ding naging seryoso ang mukha nito. “Ano ang gusto mong gawin natin sa loob ng dalawang buwan Kim?”

“Huh? Bakit mo naman naitanong yan?”

“Regalo ko lang sa iyo. Matapos kasi ang anim na taon ay namiss kita ng husto kaya gusto kitang makasama araw-araw simula ngayon.”

“Nababaliw ka ba? May trabaho ako!” pagtutol ni Kim sa mungkahi ni Jason.

“Magleave ka muna ng dalawang buwan. Ayaw mo ba akong makasama?” pagmamaktol kunyari ni Jason.

“Maglileave lamang ako kung dadalhin mo ako sa Paris, Hongkong Disneyland, Korea at sa ibang bansa pa na gusto ko.” Pagbibiro ni Kim kay Jason.

“Sige ba! Kahit bukas agad dalhin na kita sa Paris!”

“Talaga?!” ang di makapaniwalang tugon ni Kim sa sagot ni Jason. Tumango lang ang binata at may lungkot pa rin na pilit tinatago sa mga mata nito. “Sige ba!”

“Kim.” Ang biglang pagseryoso ng mukha ni Jason.

“Bakit?”

“Tandaan mo lang na kahit anong mangyari ay di kita iiwan. Na mamahalin kita habang buhay. Kahit anong pagsubok kakayanin nating dalawa. W-wala nang hahadlang sa pag-iibigan natin Kim. Ipangako mo na magiging masaya tayo hanggang sa huli at walang bibitiw sa ating dalawa.” Napatawa naman si Kim sa narinig at biglang pagkaseryoso ng binata.

Time MachineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon