Chapter 8

22 0 0
                                    

“KIM MAHAL kita at gusto kong bumuo ng mga ala-ala kasama ka.” Wika ni Jason.

“Pero Jason. Tanggapin na nating hindi magbubunga ng masaya ang pagpapakasal nating ito. Kahit mahal mo man ako ay di pa rin magandang idea ang pagpapaksal Jason. Isang linggo nalang ang natitira sa taning ko kaya wala ring mangyayari kung magpapaksal tayo.”

“Diba sabi mo gusto mong maging masaya sa natitirang mga araw? Bakit ngayon tinuturuan mo ang puso mong wag mangyari ang mga bagay na ikakasaya mo Kim?” hindi nakasagot si Kim sa sinabing iyon ni Jason. Totoo ang sinabi nito na tinuturuan nga niya ang kanyang puso na wag mangyari ang mga bagay na ikakasaya niya. Dahil iniisip niya rin ang kapakanan ni Jason. Gusto niyang maging masaya si Jason pagkatapos ang lahat ng pangyayaring ito. Gusto niya na iwan si Jason na masaya kasama ang ibang babae.

“Alam kong di mo ko mahal Jason. Naawa ka lang sa akin kaya ganyan ka.” Pagsisinungaling ni Kim.

“Hindi yan totoo Kim. Alam mong kahit noong high school pa tayo ay mahal na kita at alam kong nararamdaman mo iyon.”

“Hindi ko nararamdaman yun Jason. Alam kong naaawa ka lang sa akin. Paano mo ba mamahalin ang isang taong sumira ng kahapon mo? Paano mo ako mamahalin sa sobrang ikling panahon na tayo ay muling nagkasama Jason? Dalawang buwan lang tayong nagkasam muli at ramdam ko ang galit na natitira sa puso mo kaya imposibleng mahal mo ko.” Ang lahat ng sinabing iyon ni Kim ay puro kabaliktaran sa sinisigaw ng kanyang puso. Gusto niyang magsinungaling para sa mahal niya. Ayaw niya itong pahirapan gaya ng nararanasan niya ngayong hirap.

“Ang masamang kahapon natin Kim ay matagal ko nang kinalimutan at kahit niisang poot at galit ay wala dito sa puso ko. At kahit napaka-ikli lang ng panahong tayo ay nagkasama muli ay hindi naman talaga nawala ang pag-ibig ko sayo Kim. Hindi ako naawa sayo. Mahal Kita at yan ang totoo. Kahit sabihin na nating hindi tayo magkakakilala dati ay minahal pa rin kita sa loob ng dalawang buwan. Dahil naniniwala ako na hindi nasusukat ang pag-ibig sa tagal ng panahong magkasama ang dalawang tao kundi sa mga ala-ala na pinagsaluhan nila sa loob lamang ng maliit na panahon.” Buong pusong wika ni Jason. Tumagos hanggang sa kaibuturan ng puso ni Kim ang sinabing iyon ni Jason. Kahit magsinungaling man siya ay nararamdaman pa rin ng binata ang tunay niyang nararamdaman. Alam niyang may sariling lingwahe ang pag-ibig na ang puso lamang nila ang nakakaintindi. Kahit ano pang gawin niya ay di rin niya maipagkakaila dito ang katotohanan.

“Kim, will you marry me?” tanong ni Jason na lumuho sa harap niya. Nakaupo kasi si Kim sa gilid ng kama niya. Hinugot ni Jason ang isang maliit na kahon sa bulsa niya at binuksan iyon. Isang gold ring ang laman ng kahon.

“Pinilit ko ang sariling magsinungaling. Hindi ang sagot ng utak ko pero OO ang sagot ng puso ko.” bumuntunghinga muna si Kim. “At susundin ko ang sinisigaw ng puso ko Jason.”

Dahil sa saya ay napayakap si Jason kay Kim at agad dinampian niya ang mga labi ng dalaga ng kanyang mga labi.

“Di mo ba isusuot sa akin iyan?” tanong ni Kim. Bigla namang naalimpungatan si Jason. Dahil sa saya ay nalimutan na niyang ipasuot kay Kim ang hawak hawak niyang sing-sing. Agad niyang isinuot sa palasingsingang daliri ni Kim ang singsing na hawak niya. Pagkatapos ay hinalikan niya ang kamay nito.

“Mamahalin kita habang buhay Kim. Pinapangako ko yan.” Wika ni Jason.

“Wag mo akong mahalin ng panghabang buhay Jason. Gusto kong mahalin mo ko hanggang sa huling pagtibok lamang ng aking puso. Gusto kong maging maligaya ka sa piling ng iba at patuloy na magmahal kahit wala na ako. Ipangako mo yan sa akin Jason.” Tumango lamang si Jason sa kagustuhan ni Kim. Kahit labag sa loob niya ay gusto niyang hindi ito mag-alala sa kanya pagkatapos ng lahat.

Time MachineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon