Chapter 3

101 20 0
                                    

Deal

Pearl's Pov

"Sinabi ko na naman kasi sayo na wag na tayong tumuloy, ayan tuloy lagot ka ngayon sa kuya mo" sabi sa akin ni Ash. Paano naman kasi nalaman ni kuya yung nangyari noon sa bar. Ewan ko kung paano nya nalaman pero isa lang ang sigurado ko siguradong lagot ako nito kila daddy kapag nalaman nila.

"Duh.. Nandun na tayo, tulungan mo na lang kasi ako para kumbinsihin si kuya na wag ng sabihin kina daddy yung nangyari noon sa bar" nahihirapan na ako paano ba naman kasi galit na galit si kuya nung nalaman nya.

"Wait sigurado ka ba na hindi ang kuya mo ang nag sumbong kay kuya eh sya lang naman ang nakakaalam nung nangyari noon?" tanong ko sa kanya dahil malaki ang kutob ko na si Achi ang dahilan kung bakit nalaman ni kuya.

"Duh... Nakaalis na si kuya last week, eh ngayon lang naman nalaman ng kuya mo so probably walang kinalaman don si kuya" naka irap pa na sabi niya sa akin.

"Then ano ba nga yung magandang gawin para pakiusapan si kuya?" naiinis na tanong ko.Paano kasi ay natatakot ako na baka isumbong na ako ni kuya kina daddy.

"Hm... Wala rin akong maisip eh" sabi niya na kinainis ko.

"Wait bakit ba hindi mo na lang paki usapan ang kuya mo" sabi niya na parang ang tali talino nya sa naisip nya. Like Duh... hindi ganong kadali yon.

"Tsk di ka nakikinig ano, sinabi ko na nga na pakikiusapan ko si kuya kaso hindi ko alam kung paano? Tsaka isa pa natatakot din akong kausapin sya" sabi ko sa kanya.

"Diba pinipilit ka ng kuya mo na sa company nyo ikaw mag trabaho? "tanong niya sa akin, na ikinataka ko.

"Ano namang kinalaman non sa pakikiusap ko kay kuya na wag ng sabihin kila daddy yung nangyari sa bar?" tanong ko sa kaniya kasi parang ang layo naman ng koneksyon?

"Tsk.. Isipin mo pwedeng kang maki pag deal sa kuya mo na mag tratrabaho ka sa company nyo, ganon din naman ang mang yayari kapag nalaman ng daddy mo ang mga pinag gagawa mo eh so might as well unahan mo na sila" paliwanag niya sa akin.

"Alam mo ang talino mo dyan, kung sa bagay kagustuhan ko lang naman na wag mag trabaho sa company namin kasi baka isipin ng iba na im using my name para makakuha agad ng mataas na posisyon eh." sabi ko sa kanya.

"Edi ayos puntahan mo na yung kuya mo diba nasa baba lang naman siya?" tanong niya sa akin.

"Ahm.. Di ko alam pero sabi kasi niya kanina na aalis sya para bisitahin yung company namin baka mamaya nandiyan na siya tapos shopping tayo pag katapos."

~~~~~~

"Yes dad naka usap ko na ang mga Santiago tungkol sa magaganap sa birthday ni Pearl."

"Hey kuya can I talk to you?" tanong ko kay kuya ng makita ko na tapos na siyang kausapin yung kausap niya.

"Yes ano yon Pearl?" tanong sa akin ni kuya.

"Ahm.. Kuya pwede ba akong maki pag deal sayo?" tanong ko sa kaniya.

"Himala, bakit ano yon? " tanong rin niya sa akin. Napa buntong hininga ako.It's now or never.

"Papayag na akong sa company natin mag trabaho pag kagraduate ko, and in return hindi mo sasabihin kay daddy yung nangyari noon sa bar" kinakabahang paliwanag ko sa kanya.

"Kapag sinabi ko kay daddy yung nangyari sayo noon sa bar at ang mga pinag gagawa mo well tiyak rin naman ako na hindi papayag si dad na sa ibang kumpanya kapa mag trabaho" nakangising paliwanag niya sa akin. Shock sabi na eh.

"Well kaya nga ako nakikipag deal sayo kuya eh kasi naman mas gugustuhin ko pa na sabihin kay daddy na sa company na ako mag tra trabaho kesa naman magalit pa si daddy sige ka pag na high blood si daddy ikaw may kasalanan" paninisi ko para pumayag na siya.

"Fine deal" Yes!napa yakap ako kay kuya.

"Thanks kuya your the best" ngiting ngiti naman ako kay kuya.

"Oh siya umalis ka na mukhang may lakad ka pa?" sabi niya sa akin.

"Yeah thanks kuya mag sho shopping lang kami ni Ash, promise saglit lang ako" Tinaas ko pa yung kamay ko para maniwala si kuya kaya napatawa sya.

"Fine pero siguraduhin mo na wala kayong kalokohan na gagawin dahil sinasabi ko sayo Pearl,kapag isang beses pa na malaman kong may kalokohan ka asahan mong mas matinding parusa ang gagawin sayo nila dad" banta niya sa akin.

~~~~~~

"Gutom nako Pearl kain muna tayo kanina pa ako nagugutom nung nasa inyo pa lang tayo" naka ngusong sabi niya na animo'y parang pato.

"Tsk.. Kanina pa tayo nasa amin tapos hindi kapa nag sabi na nagugutom ka na pala." inis na sabi ko sa kanya.

"Ih... Nakakahiya kasi nandun yung kuya mo" bulong niya, akala mo naman maririnig sya ni kuya. Well simula pa kasi noon ay nahihiya na siya kay kuya.

"Di ka naman kakainin non ni kuya eh" sabi ko sa kanya tsaka kami pumasok sa isang restaurant na paborito naming kainan.

"Ang sama kaya lagi sakin non tumingin sakin" naka labi pang sabi nya kaya binatukan ko siya.

"Aray!.. Ito naman makabatok ang sakit kaya" ang arte talaga nito.

"Kanina ka pa kasi ngumunguso mukha kana pong pato" inis na sabi ko sa kanya, dumating na yung mga order namin kaya kumain na muna kami.

Nang matapos kaming kumain ay umalis na kami.

"San tayo next?" tanong ko sa kaniya habang nag lalakad kami.

"Bili muna tayo ng mga damit" sabi niya kaya pumasok kami sa Channel.

Naghiwalay na kami ni Ash, ugali na kasi namin na mag iba ng daan para mas makakita kami ng mga magagandang damit.

May nakita na akong magandang dress. Simple lang pero nagustuhan ko kasi mahilig talaga ako sa mga simpleng dress lang ayoko nung mga andaming design.

Kukunin ko na sana yung dress kaso inunahan ako nitong isang babae.

"Ahm.. Miss ako nauna dyan sa dress na yan" mahinahong sabi ko rito. Mukha naman siya mabait yung iba kasi talagang nakiki pag agawan pa minsan.

"Ah sige itatanong ko lang kung meron pa nito." Nginitian naman ako nito tsaka tinawag yung isang staff para tanungin kung meron pang stock, swerte naman at meron pa daw silang stock.

Nakita ko si Ash na maraming dalang damit kaya tinawag ko na para tulungan mahilig kasi talaga sya sa mga damit.

"Ash?" tanong nitong babaeng katabi ko kaya tumingin dito si Ash.

"Ate Shane?" tanong ni Ash sa babaeng kasama ko at ganun na lang ang gulat ko ng tumil silang dalawa. Nakakahiya talaga to minsan.

"Ash anong ginagawa mo rito?" tanong nito kay Ash.

"Namamasyal kasama itong bestfriend ko." masayang sabi niya tsaka ako hinila. Pumunta na kami sa counter para bayaran yung mga pinamili namin. Paglabas namin tumambay na muna kami sa Starbucks.

"Ate Shane meet Pearl bestfriend ko." sabi niya.

"Pearl meet Ate Shane kababata namin ni kuya. Sya yung kwine kwento ko sayo noon" sabi niya sa akin. Naalala ko na ito yung sinasabi ni Ash na kababata nila na naging girlfriend daw ng kuya nya.

"Nice to meet you po Ate Shane lagi po kayong na kwe-kwento ni Ash sakin" sabi ko sa kanya kaya patagong kinurot ako ni Ash, nahihiya siguro.

"Ikaw talaga Ash, nga pala nasan ang kuya Achi mo?" tanong nya kay Ash.

"Sayang ate kaaalis nya lang last week hindi ko nga alam na nandito ka na pala sa pilipinas." malungkot na sabi niya kay Ate Shane, well hindi ko rin alam kung ano bang nangyari sa kanila ni Achi kung bakit sila nag hiwalay noon at wala naman akong balak alamin.

"Ayos lang alam ko naman na busy sya tsaka isa pa umiiwas na rin siguro sya para iwas isyu na rin hehe.. " natahimik kami pag katapos nitong mag salita well nakakalungkot rin siguro ang story nila ni Achi, kahit naman siguro galit ako sa kuya ni Ash nalulungkot pa rin ako para sa lovelife nito.

My Fiancé is not a Good Boy [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon