Childhood Friend
Pearl's Pov
"Bukas na lang natin to tapusin tutal patapos na naman tayo " sabi ko sa mga ka grupo ko at inayos ang mga gamit ko. Malapit na matapos ang klase kaya pinapasa na namin yung mga requirement namin, nakapag exam na naman kami last week kaya madali na lang. And then next school year gra-graduate na kami. Nakita ko naman si Ash na nag lalakad kaya tinawag ko siya.
"Hey Ash antayin mo ko" tumakbo na ako para mahabol ko siya.
"San ka ba galing?" tanong niya sa akin tsaka ako inabutan ng panyo.
"Tinatapos na kasi namin yung thesis kay mr. Romualdez." Pansin ko na parang matamlay sya ngayon.
"Ah. Kami kasi bukas pa namin aasikasuhin yung thesis patapos na rin naman kami." Sabi niya.
Nang makarating kami sa Cafeteria, sobrang daming tao kaya pumila na si Ash,sinabi ko na lang yung akin, nang nakapila sya ay nag hanap na ako ng mauupuan namin.
"Dito ka na umupo Pearl, tatlo lang naman kami dito" tawag sakin ni kuya Dale ,pinsan ko siya sa side ng mommy ko.
"Wait kuya" sabi ko at lumapit sa kaniya mabuti na lang narinig ko siya kanina maingay kasi rito sa cafeteria dahil lunch time na at halos lahat ng estudyante ay dito kumakain.
Nakita ko si Ash na hinahanap ako kaya kumaway ako sa kanya. Lumapit naman sya agad sa amin.
"Bat ang bilis mo?" tanong ko sa kaniya ng maka upo siya.
"Duh.. Ako pa sa ganda kong to bat di ko gamitin" naka ngisi pa ang loko.Kaya binatukan ko.
"Aray ko! bat ka nanakit ka?" tanong niya sakin habang sina kuya Dale ay tumatawa.
"Duh ang yabang mo kaya" sabi ko at inumpisahan na ang pagkain.
"Pearl diba malapit na yung birthday mo?" tanong sa akin ni kuya Dale.
"Yeah next month na hindi ko nga alam kung anong plano nila daddy pero gusto ko na simpleng dinner na lang kasama sila mommy" namimiss ko na sila mommy tsaka sila kuya medyo busy kasi sila ngayon sa business namin sa ibang bansa.
"Hindi sila tita papayag, 18 birthday mo na yon kailangan bongga" sabi ni Ash .
"Duh, ikaw na lang kaya ang mag birthday ng bongga" inis na sabi ko sa kanya, inirapan lang naman nya ako.
"Talaga tapos mag eescort ako, gusto ko yung gwapo talaga, ano kaya kung artista na lang ang gawin kong escort sa birthday ko" kinikilig pa ang loko habang todo imagine.
"Tsk.. Ako na lang libre pa" asar sa kanya ni kuya Dale.
"Ew.. Kung ikaw lang din pwes wag na lang." nandidiring sabi niya kay kuya na tinawanan naming lahat.
"Wow ikaw pa nandiri ano." natawa na lang ako sa kanilang dalawa.
"Shut up.. Tsk maka alis na nga dito ma-i-stress lang ako rito" sabi niya at mabilis na umalis. Tamo yung babaeng yon napikon lang iniwan na ako.
"Kuya Dale una nako sundan ko lang si Ash, inasar mo pa kasi." Umalis na ako at hinanap si Ash. Nakita ko naman siya sa garden na nakatulala.
"Huy bat tulala ka?" nagtatakang tanong ko sa kanya tsaka tumabi sa kanya.
"Wala iniisip ko lang yung thesis namin" sabi lang niya pero pansin ko na mas may malalim pang dahilan.
"Sa akin ka pa talaga nag sinungaling ano, sige na anong problema? sabihin mo na pakikinggan kita" sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Fiancé is not a Good Boy [ Completed ]
Romance[Boy Series 1] Responsible and Goodboy, those are the perfect words to describe Achilles Leonel Santiago. Achilles is the brother of Ash who happens to be Pearl's Best friend. Well Pearl know Achilles as the living Kill joy who always disagree on h...