Doubt
Pearl's Pov
"Tita Pearl natatapon na po yung tubig" nagitla naman ako kay Athena. Napa tingin naman ako sa hawak na baso ni Athena at puno na nga ito at yung iba nga ay tumapon na. Binitawan ko muna yung Pitsel at kumuha ng basahan upang punasan yung lamesa.
"Tita are you okay?" Tanong sa akin ni Athena. Ngumiti lang ako dito. Pansin ko nga rin lately na para akong laging tulala. Paano ba naman kasi si Achi parang iniiwasan ako.
Simula kasi nung nahuli namin sya ni Ash na kausap si Elysse parag nag iba na sya. Kung noon lagi syang dumadalaw dito ngayon ni hindi na sya nakakadalaw, sabi nya busy lang siya ngayon sa company nila pero nakaka pag taka naman na pati si Ellyse busy din ngayon.
"Tita, you look like dad" nabalik naman ako sa reyalidad ng mag salita si Athena. Huh?
"Ano yun baby?" Tanong ko dito at napa ngiti naman ako nung nakita ko na napa simangot ito dahil hindi ko naintindihan kung anong sinabi nya.
"Sabi ko po you look like daddy, ganan din po kasi sya noon laging tulala" sabi nito. Wait si kuya natutulala? Hindi kaya may problema sya?
"Sure ka na ba dyan anak?" Narinig namin ni Athena si mommy at mukhang kausap nito si kuya. Pinigilan ko si Athena na mukhang gustong lumapit kay kuya. Sinenyasan ko siya na tumahimik at na gets nya naman ako dahil umakto pa siya nag zip ng bibig.
"Yes, mom naisip ko na mas mabuti kung sa new york na muna kami ni Athena, doon mas matutukan ko siya" sabi ni kuya at nagitla ako ng biglang yumakap sa akin si Athena, mukhang natatakot siya. Umupo ako upang lumevel sa kanya tsaka ko siya binuhat.
"And you decided kahit hindi mo pa natatanong si Athena kung gusto nya ba?" Tanong ko kay kuya at parang nagitla pa siya nung dumating kami ni Athena.
"Pearl" narinig ko si mommy na nag salita kaya bumaling ako dito.
"Bakit mom?" Tanong ko dito, kinuha naman ni kuya si Athena pero umiling lang ito at mas humigpit pa ng yakap sa akin.
"It's your kuya's decision and" pinutol pa ni mommy yung sinasabi nya kaya nag taka ako.
"And?" Tanong ko kay mommy.
"Your dad and I decided na sumama ka sa kuya mo sa new york" natigilan ako sa sinabi ni mommy, what?
"Huh, mom are you serious? Kung kailan last year ko na tsaka nyo ako ipapadala sa ibang bansa?" Sarcastic na sabi ko kay mommy at iniiwasan ko na tumaas ang boses ko dahil baka magalit ito.
"Yes, nag aalala lang kami ng daddy mo ,hindi pa nahuhuli si Señora Amalia at may posibilidad na balikan ka nya at yon ang ayaw namin ng daddy mo na mangyari" sabi ni mommy na kina lungkot ko.
"At paano naman si Achilles?" Tanong ko kay mommy. Natigilan ito sandali at bumaling kay kuya, parang nag usap sila gamit ang mata tsaka bumaling sakin si mommy.
"Im sure ayos lang ito sa kanya isa pa para din ito sayo" sabi ni mommy na kina laglag ng balikat ko. Is she's serious ganon ganon na lang yon? Bumaling ako kay kuya na tahimik lang na nakatingin kay Athena, mukhang tulog na ito sa balikat ko. Inabot ko kay kuya si Athena na tulog na tulog na marahil ay sa sobrang lungkot. Bumaling ako kay mommy.
"Mom sana po pag isipan nyo ito ng maigi ni daddy, ayaw ko pong malayo sa inyo" sabi ko kay mommy bago umalis at umakyat sa taas.
~~~💍💍💍~~~
(Kasama mo ba ngayon si kuya?) Nagtaka ako sa tanong ni Ash. Katawagan ko kasi siya ngayon, ewan ko dito at naisipan pa akong tawagan eh mag kikita din naman kami mamaya.
BINABASA MO ANG
My Fiancé is not a Good Boy [ Completed ]
Romance[Boy Series 1] Responsible and Goodboy, those are the perfect words to describe Achilles Leonel Santiago. Achilles is the brother of Ash who happens to be Pearl's Best friend. Well Pearl know Achilles as the living Kill joy who always disagree on h...