Chapter 14

65 13 0
                                    

Root of Friendship

Pearl's Pov

"Then tapos na" sabi ni Ash. Sya kasi ang nag ma make up sakin ngayon. Hapon na ngayon at mamayang gabi ay santa cruzan na.

"Nasan na yung gown na susuotin mo?" Tanong ni Ash. Umarkila pa kami ng gown dahil wala naman kaming dala. Duh... Nag punta ako dito para tumakas hindi para rumampa ano. Tinuro ko kay Ash yung gown. Tinulungan nya naman akong isuot ito medyo malaki din kasi yung gown tsaka mabigat.

Matapos kong maisuot yung gown ay bumaba na kami. Sinalubong naman kami nila manang at ate Rosie.

"Ang ganda mo talaga Pearl, nung ganyang edad ko rin ganyan din ako kaganda" sabi ni ate Rosie na kinatawa namin.

"Huy.. Manahimik ka nga Rosie at baka maniwala yan sila sayo" asar ni manang kaya lalo kaming natawa ni Ash.

"Bat nga pala ang aga nyo, hapon pa lang ah?" tanong ni manang. Pina upo muna nila ako dahil nangangalay na ako.

"Kailangan po may misa pa ho kasi" sabi ko. Lumapit naman sakin si Ash at nag aya na mag selfie daw kami kasama sila manang. Tuwang tuwa naman kami.

"Ang tagal naman ni Jake dapat kanina pa siya nandito, anong oras na oh?" inis na sabi ni Ash. Isang oras na kasi kaming naka upo. Sinabihan na namin si Jake na 5 dapat nandito na siya at may misa ng 5:30.

"I text mo na kaya" sabi ko dahil kinakabahan na rin ako. Umalis kasi sila kanina nila tita Arlene dahil bibisitahin daw nila yung kapatid ng lolo nila. Hindi na sumama si Ash kasi aayusan nya pa daw ako. Saglit lang daw naman sila at aabot naman daw pero anong oras na wala pa sila.

"Cannot be reach eh, paano ba yan ang tagal nila baka hindi na sila umabot" inis na sabi ni Ash, habang ako dito ay kinakabahan na. My God.. Wala naman sanang nangyari sa kanilang masama.

"Eto nag text sakin si Jackie" biglang sabi ni Ash kaya napa tingin ako sa kanya.

"Sinugod daw sa hospital si lola Amalia" kinakabahang sabi ni Ash.

"Ano! Yung lola nyo sinugod? paano ano daw nangyari?" kiakabahang tanong ko kay Ash.

"Ayos na naman daw si lola, high blood lang daw pero mukhang hindi na daw sila makaka abot" sabi ni Ash kaya napabuntong hininga ako. Mabuti naman at walang nangyaring masama sa lola nila, ayos lang naman mag isa ako mamaya.

"Tara na sa simbahan at baka inaantay ka na nila" sabi ni Ash. Pansin ko na nag aalala pa rin ito sa lola nya.

"Dito ka na kaya muna, antayin mo sila Jake ako na lang dun sa prosisyon mamaya, ayos lang naman mag isa ako" sabi ko at sinang ayunan naman nya ako. Inayos nya lang yung make up ko at pinasama ako kay Ate Rosie para may katu-katulong daw ako mamaya.

Nag pahatid lang kami kay Manong Erny, papunta sa simbahan.

Nang makarating kami doon ay nag sisimula na ang misa. Sa dulo na lang kami pwumesto para hindi kami maka abala. Nag paumanhin muna ako kina Ka Nelia dahil nahuli kami.

Natapos ang misa ay lumabas na kaming mga kasama sa prosisyon. Nahiya pa nga ako at lahat nang kasali sa Santa cruzan ay may mga kapareha ako lang ang wala.

"Oh wala ba si Jake akala ko ba ay siya ay kapartner mo? " Tanong ni ka Nelia sa akin.

"May emergency po kaya hindi sya makakadalo pero ayos lang po makakapag lakad naman po akong mag isa" naka ngiting sabi ko pero sa totoo lang ay nahihiya na ako, halos lahat sila ay nakatingin sa akin dahil ako lang ang mag isang maglalakad.

Maya maya ay sinabihan nila kami na mag uumpisa na daw ang prosisyon ng santa cruzan. Mabuti na lang talaga at kasama ko si ate Rosie kaya may katulong ako sa pag hawak sa gown ko ang bigat kasi talaga.

My Fiancé is not a Good Boy [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon