Chapter 47

55 7 0
                                    

Birthday Celebration

Pearl's Pov

"Mommy kailan po uli tayo pupunta kina lola?" tanong sa akin ni Alex habang inaasikaso ko ang mga papeles nga ipapapirma ko kay Mr. Miller, kaya napatingin ako dito.

"Ahm... Baka hindi na muna ngayon baby" sabi ko dito na kina simangot nito.

Tinabi ko muna ang mga papel na hawak ko tsaka ako lumapit kay Alex. Simula kasi nung bumalik kami dito sa maynila ay panay na ang pangungulit sakin ni Alex na bumalik daw kami sa lola nya,mukhang miss na miss nya na si lola Amalia,mabuti nga at hindi nag seselos si lola Demeter eh.

"Baby... Promise pag natapos na ni mommy itong work nya, bibisita agad tayo kina lola okay" sabi ko dito na kina ngiti nito.

Nag paalam naman siya sa akin na pupunta muna kay mommy kaya pinasamahan ko na muna sya kay yaya.

Naiwan ako sa kwarto kaya bumalik na ako sa pag aasikaso ng mga papeles.

Ilang minuto din akong nag ayos bago ko naisipan na bumaba na muna upang kumain ng meryenda.

Nang makababa ako ay sumalubong sakin ang ingay ni Alex. Well I prefer hearing Alex's noise than having a quiet place, mas mag aalala ako kung ganon.

Lumapit ako sa pwesto ni Alex at tuwang tuwa ito habang katabi ang daddy niya.

Nandito pala si Achi, ni hindi ko man lang namalayan, masyado kasi akong busy ngayon lalo at malapit ng matapos ang pinapatayo ni Mr. Miller na hotel sa Tagaytay.

"Achilles" bati ko dito at sabay pa sila ni Alex na lumingon sa akin. Tumabi naman ako ng upo sa kanila.

"Mommy!" sigaw ni Alex at nag pakandong ito sa akin. Bumaling naman ako kay Achi.

"Nandito ka pala, pasensya na at busy ako kaya hindi ko na ikaw maasikaso" sabi ko sa kanya na nginitian lang niya.

"No it's okay, I understand, that's business" sabi niya.

Maya maya ay dumating si manang at pinag handa ako ng pagkain. Nag pasalamat naman ako dito pag katapos.

Sandali lang ay natapos na akong kumain, panay pa nga ang kulit sa akin ni Alex.

"Baby can you go to wowa muna" sabi ni Achi kay Alex na kinataka ko.

"Sure po daddy" sabi nito at mabilis na tumayo at nag tatakbo paakyat sa lola nya.

Naiwan kaming dalawa ni Achi. Nag tatakang tumingin ako sa kanya.

"I'm sorry kung pina alis ko si Alex, I just want to ask since birthday na ni Alex next month. And this is the first time na mag bi- birthday sya kasama ako. That's why I want to make it special." sabi niya na kina tuwa ko. I know he will be a good father and now it's just so over whelming that he is proving his self to us especially to Alex.

"Sure, if you want I could help you" naka ngiting sabi ko sa kanya.

"Thank that's would be a great" sabi nito na tinanguan ko.

I'm so excited for my baby... His daddy is doing everything for him.

~~~💍💍💍~~~

"Yehey! Really mommy we are going to lola's house?" tuwang tuwang tanong sa akin ni Alex na tina nguan ko.

Pupunta kasi kami sa probinsya dahil doon namin naisip ni Achi na i-celebrate ang 3rd birthday nya. Ayos na ang lahat para sa birthday ni Alex which is next week na.

Sobrang hirap nga ng pag hahanda namin dahil gusto naming sopresahin si Alex, pero sobrang kulit nito at lagi itong nasama sakin kaya konti lang ang naitulong ko kay Achi, but still nagawa nya pa rin ihanda lahat para sa anak namin. Halos tatlong linggo rin niyang inasikaso lahat, mula sa mga pagkaing ihahanda at mga imbitasyon sa mga bisita ay sya rin ang nag ayos. Natatawa pa nga ako nung hirap na hirap syang mamili kung ano bang magandang theme para sa birthday ni Alex. Nalilito kasi sya kung Mga Cars ba o toy story theme party ang gagawin namin since parehong paborito iyon ni Alex. Sa huli ay toy story theme ang pinili namin.

My Fiancé is not a Good Boy [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon