Threats
Pearl's Pov
"Hay! Ang sarap talaga ng hangin dito" sabi ko habang nilalanghap ang sarap ng hangin dito sa batangas.
"Yeah it's really relax me" naka ngiting sabi niya sa akin na kinakabog ng puso ko. Pansin ko sa kanya lagi na siyang naka ngiti sa akin. Noon kasi parang bibihira lang siya na ngumiti, madalas kasi ay seryoso o hindi naman ay naka kunot ang noo nito sa akin.
"Kapag nandito ako pakiramdam ko nakakahinga ako sa nakakasakal na buhay ko sa maynila" malungkot na sabi ko sa kaniya. Sa totoo dito sa lugar na to ako pumupunta kapag pakiramdam ko ang sikip sikip na ng mundo, para bang may magic ang lugar na to dahil tinatanggal nito lahat ng stress na nararamdaman ko.
"Pakiramdam ko noon paulit ulit na lang na ganito. Na babangon ako para gawin uli ng paulit ulit ang mga dapat kong gawin. Pero may isang taong nag sabi sakin na kapag nasasakal at napapagod ka na, pwede kang huminto sandali at huminga" malungkot kong sabi sa kanya. Tumingin ako sa kanya, nag papasalamat ako dahil nandyan sya para pakinggan ako, sapat na yung presensya nya para mailabas ko lahat ng saloobin ko.
Nagitla ako ng lumapit siya sa akin.
"Minsan mas mabuti pang iiyak mo ang lahat ng problema mo" sabi niya at pinunasan ang luha ko na hindi ko pala napansin kanina.
Tumayo ako at tumingin sa paligid. Madilim na at tanging ilaw ng kotse ko at buwan ang nag bibigay liwanag sa amin, pero masasabi kong tanaw na tanaw ko pa rin ang ganda ng paligid.
"Nami miss na kita Leo, kahit sandali lang tayo noon nag kita ang dami kong natutunan sayo" bulong ko sa hangin. Umaasa na maririnig nya lahat ng gusto kong sabihin, kahit na alam kong napaka imposible nito.
"Nami-miss ka na rin niya"
"Tara uwi na tayo baka hinahanap na tayo" yaya ko sa kaniya. Sumang ayon sya kaya inayos na namin yung mga gamit na nilabas namin kanina.
"Ako nang mag dri-drive" sabi niya sa akin kaya sumang ayon na rin ako since napapagod na rin ako.
~~~~~~
"Wah... Na miss ko kayong dalawa" narinig kong sigaw ni Elysse. Kaibigan namin sya ni Ash. Tinawagan niya kasi kami na mag kita-kita naman daw kami.
"Duh.. Ang oa mo" sabi ni Ash dito na tinawanan naming tatlo.
"O. A ka dyan, kayo nga ang corny mag plano tignan mo nga nung last time na gumimik kayo nahuli pa ako ng kuya mo" sabi nito sa amin, naalala ko na yun, yung nahuli kami ni Achilles na nag punta sa bar.
"Aba malay ko bang wala palang epekto kay Achi yung pang patulog na pina inom ko" natatawang sabi ko sa kanila na ikinatawa nila. Nag kwentuhan pa kami ng nag kwentuhan hanggang sa may tumawag kay Elysse. Nag paalam ito saglit sa amin.
"Wait mag c-cr lang ako" paalam sa amin ni Elysse na tinanguan ko.
Umalis na siya kaya naiwan kaming dalawa ni Ash. Napatingin ako kay Ash ng tumingin ito sa akin, hindi ko na lang siya pinansin.
Ilang minuto pa ay nag taka ako nang hindi na lumabas ng C.r si Elysse.
"Ang tagal naman ni Elysse ano ba yon? Kinain na ata ng kubeta ah" asar na sabi ni Ash na tinanguan ko, mukhang napansin nya rin ang katagalan ni Elysse.
"Sandali nga at sundan ko lang yon" sabi sakin ni Ash na tinanguan ko tsaka siya sumunod kay Elysse sa C.r.
Ilang minuto pa ay bumalik si Ash na mag isa na kinataka ko, dumagdag pa na parang balisa ito.
"Oh anong nangyari sayo?" takang tanong ko sa kaniya.
"Ahm... Wala na siya doon eh" balisang sabi niya sa akin na lubos kong kinataka.
BINABASA MO ANG
My Fiancé is not a Good Boy [ Completed ]
Romance[Boy Series 1] Responsible and Goodboy, those are the perfect words to describe Achilles Leonel Santiago. Achilles is the brother of Ash who happens to be Pearl's Best friend. Well Pearl know Achilles as the living Kill joy who always disagree on h...