His Birthday Wish
Pearl's Pov
Pag pasok namin sa loob ay manghang mangha si Alex sa ayos nitong buong lugar. Dinesenyohan kasi talaga namin ito gaya nang sa Toy Story talaga.
"Wow! Mommy, Daddy is this real?" tanong nya sa amin ni Achi na tinanguan namin pareho.
"Yes baby this is real, your dad work hard for this" masayang sabi ko rito na kinangiti nito lalo.
"Really? Thank you po Daddy and Mommy. I thought po nakalimutan nyo na po ang birthday ko" sabi niya.
"Of course not baby, never makakalimutan nila mommy at daddy ang birthday mo" sabi ko rito at pinisil ko ang pisngi niya na kinatawa ng mga bisita.
"Big boy na ang baby ko" sabi ko sa kanya at niyakap siya.
"Ih... Mommy three pa lang po ako I'm still your baby pa po" naka pout pa na sabi niya na lalong kinatawa ng mga bisita.
After that ay nag simula na ang party.
Marami ding mga palaro na inenjoy ng mga bata at pati na rin si Alex.
Natutuwa nga ako dahil kanina matapos matalo ay imbis na magalit ay niyakap pa niya ang nanalo. Sobrang nakaka proud lang dahil natututo na siyang mag matured. I just wish na sana ay huwag maging mabilis ang oras. I want to treasure every moment with my son. I know na mag kakaroon sya ng sariling mundo at mag kakaroon siya ng mga kaibigan.
"Lola oh tignan nyo po nanalo ako ng laruan" may narinig akong nag salita sa likod kaya tumingin ako doon. Si Isang pala, apo siya ni manang at wala na siyang mga magulang kaya si manang na ang nag aalaga dito.
Bilib nga din ako sa batang iyon dahil napaka positibo nito kahit na wala na ang mga magulang.
"Isang" tawag ko dito. Inabot muna nito ang manika kay manang tsaka sya lumapit sa akin.
"Ano po yung maam Pearl" sabi niya na sinuway ko.
"Ano ka ba diba sabi ko sayo tita Pearl na lang ang itawag mo sakin" sabi ko sa kanya at pina upo ko siya sa tabi ko.
"Ah... Pasensya na po ma.. Ah. Tita Pearl" sabi niya na tinawanan ko.
"Kumain ka na ba?" tanong ko dito. Tumango ito sa akin na tinawanan ko dahil, matapos niyang tumango ay tsaka naman tumunog ang tiyan niya.
"Hahaha... Tara samahan mo akong kumuha ng pagkain" sabi ko rito at tumayo na.
"Ahm.. Tita Pearl mamaya na lang po ako, tutulungan ko na lang po muna si lola" sabi niya sa akin.
Mukhang nahihiya siya. Nakita ko naman si Zeus na kumukuha ng pagkain kaya tinawag ko ito.
"Zeus!" tawag ko rito at lumingon naman ito agad sakin. Lumapit din naman ito dala ang mga pagkaing kinuha niya.
"Ano po yon tita?" tanong niya.
"Pwede bang samahan mo na muna si Isang, kukuha lang ako ng pagkain?" tanong ko sa kaniya na tinanguan niya. Umalis na ako upang kumuha ng pagkain.
Pag karating ko sa pwesto nila ay nag taka ako dahil wala na doon ang dalawa. Nilagay ko na lang muna sa lamesa ang pagkain, pati ang kinuhang pagkain ni Zeus ay naiwan din sa lamesa. Nakaka pagtaka naman ang dalawang iyon.
"Maam, next na po ang cake candle blow" sabi sakin ng coordinator kaya tumayo na ako at pina bantayan na lang muna kay yaya ang pagkain ng dalawang bata.
Lumapit ako sa pwesto nila Alex at Achi.
"Mommy san ka po nanggaling?" tanong sa akin ni Alex pag kalapit ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
My Fiancé is not a Good Boy [ Completed ]
Romansa[Boy Series 1] Responsible and Goodboy, those are the perfect words to describe Achilles Leonel Santiago. Achilles is the brother of Ash who happens to be Pearl's Best friend. Well Pearl know Achilles as the living Kill joy who always disagree on h...