Chapter 29

57 8 0
                                    

Broken Heart

Pearl' s Pov

Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa ngayon. Kita ko ang gulat sa mukha nilang dalawa.

Maya maya ay umupo sa tabi nila si Ash.

"Pa upo kami huh nakahiya kasi ang unti ng tao nag sisisksikan kayong dalawa" inis na sabi ni Ash. Kung normal na araw lang to siguro matatawa ako sa kanya. Kaso hindi eh nasasaktan ako ngayon dahil parang wala ako lang ako sa harapan nila.

Umupo ako sa katapat na upuan nila Achi. Tumingin ako sa kanilang dalawa well kasama na rin si Ash dahil katabi niya yung dalawa.

"Hey! Anong meron ang tatahimik nyo, kanina diba ang sweet nyo?" Tanong ko kina Elysse. Sasagot sana si Achi pero inunahan ko na siya.

"Ang galing ano, ang alam ni Ash may lakad tayo, wow siya na pala si Pearl, hindi ako na imform" inis na sabi ko. Kung kanina tahimik lang ako ngayon hindi ko na mapigilang mag salita nakakainis na kasi.

"It's not what you think" sabi ni Elysse kaya napa tingin ako dito.

"Wow so ako pa pala ang may kasalanan?" Inis na sabi ko. Pansin ko na napapa tingin na sa amin yung ibang costumer.

"Enough Elysse, wag ka nang mag paliwanag sa kanya" natigilan ako sa sinabi ni Achi. What so ako pa nga talaga ang may kasalanan.

"So ako pa ang may kasalanan?" Inis na sabi ko rito. Tumingin ako kay Elysse dahil parang nakita kl itong ngumisi sa akin.

"Sino ba ang nag text sakin na pumunta dito, diba ikaw Elysse. Tas ngayon aarte ka na parang ako yung malisyoso" asar na sabi ko rito. Tumayo na ako at umals ng coffee shop dahil ayoko ng mag iskandalo pa.

Nawala nga si Maurine dahil bumalik na ito sa probinsya tas eto namang kaibigan ko. Sh*t lang ano. At mas nakakainis pa parang ako pa yung may kasalanan dahil pumunta ako dun.

Nang maka sakay ako sa kotse ko ay tsaka ko napansin na naka sunod pala sakin si Ash.

Sumakay rin ito sa kotse nya kaya nag simula na akong mag drive.

Pumantay sya sa akin. Sinenyasan nya ako na umayos kaya kahit na naiinis ay hindi ko maiwasang matawa.

Saglit akong nag isip, paano nangyaring pawang ako pa ang may kasalanan kina Achi. Bakit ang dating, ako ang may mali, kasalanan ko ba na nag text sa akin si Elysse at malaman ko na nag da date sila. Well that b*llsh*t.

Nang makarating ako sa bahay namin ay mabilis kong ipinark ang kotse ko, at ganun din ang ginawa ni Ash.

Pumasok kami sa loob at naka salubong ko si mommy.

"Oh baby what happen to you?" Tanong sa akin ni mommy.

"Wala ho ito nanuod lang po kami ni Ash ng sine eh ang lungkot ho ng ending" sabi ko na lang kay mommy, as much as I want to tell her the truth this is not the right time, isa pa ayaw ko nang mag alala pa sa akin si mommy. Tinitigan ko si Ash dahil mukhang balak pa nitong umapela.

"Oh okay, oo nga pala baby tungkol dun sa plano namin ng daddy mo na isama ka sa kuya mo.... We decided na kung talagang desidido ka na mag stay dito then hindi ka na namin pipilitin, kung gusto mo mag karoon ka na lang ng body guard for your safety" sabi ni mommy. Napa isip naman ako sa sinabi ni mommy.

"Mommy..... Tungkol ho diyan, naka pagdesisyon na ho ako, payag na ho akong sumama kina kuya" sabi ko kay mommy. Tumingin ako kay Ash at bakas ko ang gulat sa mukha nya.

"Oh sige una na muna ako at pupuntahan ko muna ang pamangkin mo, kanina pa iyon nag aantay sa akin" paalam ni mommy, tumango na lang ako.

Naiwan kaming dalawa ni Ash. Umupo ako sa sofa at hinila sya.

My Fiancé is not a Good Boy [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon