Chapter 18

73 13 0
                                    

Accident

Pearl's Pov

"Pero meron akong alam na pwedeng makatulong sayo" seryosong sabi sakin ni manang na ikinakaba ko.

"Ano po yun manang?" kinakabahang tanong ko rito.

Naupo muna si manang sa higaan nya at doon ay inaya akong maupo.

"Matalik kaming mag kaibigan ng lola Demeter mo noon" panimula nito sa akin.

"Katulong ako noon ng mga Santiago, at bago pa lang ako noon sa kanila at pinayagan nila akong ipag patuloy ang pag aaral ko. Maayos naman lahat noon madalas kong makita ang lolo Antonio mo dahil kaibigan ito noon ni Señorito Leonardo, hanggang sa dumating ang lola Demeter mo, simula noon parang nag kalamat na ang dalawa, dumagdag pa ang Señorita Amalia." kwento nya at paunti unti ay nage gets ko na ang mga nangyayari. So ibig sabihin ay hindi totoo na mag kakum-petensya sila noon. Pero bakit naman mag sisinungaling si Señora Amalia?

"Mabait ang lola mo kaya mabilis ko siyang nakapalooban ng loob. At nang nag simulang mang ligaw ang dalawang Señorito sa lola mo ,napansin ko na mas lamang sa puso nya ang señorito Leonardo" pagpatuloy nya na mataman ko lang pinapakinggan.

"Hanggang sa naging mag kasintahan na nga ang dalawa, sobrang saya nila dalawa,ngunit tila hindi ito nagus--" hindi na natapos ni manang ang sasabihin niya ng biglang pumasok ang humahangos na si Ash.

"Pearl ang mommy at daddy mo naaksidente daw" kinakabahang sabi ni Ash sa akin. Huh? Ilang segundo rin akong natigilan bago pumasok sa isip ko ang sinabi ni Ashley. Bigla akong kinabahan at hindi na ako naka pag paalam kay Manang sa kaba ko. Narinig ko na lang si Ash na nag paalam rito.

"Manang pasensya na po uuna na muna kami" paalam ni Ashley habang ako ay tulala lang. Hays... Paano naman nangyari yon? Kabang kaba ako habang natakbo kami ni Ash palabas ng masyon.

"Ash ano daw nangyari?" kinakabahang tanong ko sa kanya.

"Hindi ko rin alam basta tinext na lang ako ni Dale na na aksidente daw sila tito at tita." sabi niya sa akin.

Lord please gabayan nyo po sila mommy at daddy hindi ko po kaya kapag may nangyari sa kanilang masama. Nang makarating kami sa parkingan ng mga kotse ay mabilis ko itong binuksan, pero ang nakaka inis ay naka lock ito.

"Aish, b*llsh*t" inis na sigaw ko sa sobrang gigil ko.

"Hey saan kayo pupunta?" narinig ko naman si Achilles na nag salita, narahil ay nakita niya kami ni Ash na pasakay ng kotse niya. Tumingin kami ni Ash sa kanya at kasama nya pala si Miguel.

"Kuya nag mamadali kami naaksidente ang mga magulang ni Pearl, kailangan nyang makarating agad nang maynila" paliwanag rito ni Ash. Binuksan naman ni Achilles ang pinto at dali dali akong pumasok sa loob. Hindi na ako nakikisabat sa kanila dahil hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin ako. Pumasok rin sa loob si Miguel at parang dinadamayan nya ako kaya ngumiti na lang ako sa kanya kahit kinakabahan pa rin ako. Kumandong siya sa akin habang ako ay mataman lang sa dalawa na naka tingin.

"It's better kung ako na ang mag drive sa inyo baka mapahamak pa kayo kung kayong dalawa lang" sabi ni Achi at hindi na ako naki pag talo pa, ang mahalaga ay makarating kami agad sa maynila.

~~~~~~

"Hey Pearl gising na nandito na tayo sa hospital na sinabi ni Dale." naramdaman ko namang mahina akong yinugyog ni Ash. Actually hindi naman talaga ako nakatulog dahil kinakabahan pa rin ako sa kalagayan nila mommy at daddy. Pumikit na lang ako para mag dasal.

Tumingin ako sa paligid at napansin kong hapon na rin pala, masyadong mahaba kasi ang byinahe namin.

Lumabas na si Ash kaya lumabas na rin ako, hindi ko na nakita si Achi na malamang ay kasama ngayon ni Miguel.

My Fiancé is not a Good Boy [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon