She's Back
Ellyse's Pov
"Hanggang ngayon ba sya pa rin ang iniisip mo?" Tanong sa akin ni Merlin. She's my bestfriend ever since nasa ampunan pa lang kami.
"Hindi ko maiwasan, alam mo namang miss na miss ko na sya" sabi ko at muling tumingin sa mga bata na abala sa pag lalaro.
"Hays... Ewan ko ba naman dyan kay Eliot nandyan ka naman, pero todo sunod pa rin kay Pearl" inis na sabi ni Merlin kaya natawa ako. Inis na inis kasi sya kay Eliot dahil ayon sa kanya, iniwan nya daw kami kung kailan kailangang kailangan namin sya. Simula bata pa lang kasi kami, kami na ang mga mag kakasama, para na nga kaming tatlong bibe kapag tinatawag kami nila sister. Nag kahiwalay hiwalay lang kami nung nag aral ako sa maynila.
"Mag pasalamat na lang tayo at bumibisita sya dito kahit minsan lang" sabi nito at hindi ko maiwasang malungkot. Simula kasi ng bumalik ako dito sa ampunan ay madalang siyang dumalaw.
Sa tuwing pumupunta sya dito para bumisita sa mga bata ay lagi nyang sinasabi samin na kailangan nya ding bumalik agad. Nung una nga ay nag tampo sa kanya yung mga bata pero kalaunan ay naka sanayan na rin nila.
Nakakalungkot lang na mas nabibigyan nya pa ng oras ang ibang tao na may pamilya naman samantala yung mga bata dito na wala ng pamilya ay minsan nya lang napupuntahan.
"Hoy... Wag mo na nga siyang isipin, nabibiter ka lang. Hayaan mo na ang lalaking yon, simula naman noon ganon na siya, mas napapahalagaan nya pa ang ibang tao kesa satin na pamilya nya" galit na sabi ni Merlin kaya natawa ako, sigurado kasi ay hindi na naman nya ito papansinin kapag dumating ito.
"Elysse" nagitla ako ng tawagin ako ni sister. Lumapit ako dito.
"May bisita ka" sabi nito kaya nag taka ako. Wala naman akong inaasahan ngayong bisita.
"Huh? Sister sino daw?" Tanong ko rito. Tumingin ako sa likod niya ng may mag salita.
"Elysse" tawag ng lalaking hindi ko inaasahang makikita ko pa pala. Halos ilang taon na rin nung huli ko siyang makita.
"Achilles?" Sabi ko, nag paalam naman si sister na aasikasuhin muna yung mga bata, kaya naiwan kaming dalawa. Naupo ako sa tabi niya.
"Anong meron bakit napa dalaw ka?" Tanong ko rito.
"It's been a year since huli kitang nakita..... Hindi na ako nakahing--" hindi na niya natapos ang sasabihin nya ng pinutol ko ito.
"Wala kang dapat ika hingi na tawad. Matagal na iyon at isa pa ginawa ko iyon dahil kaibigan ko si Pearl"sabi ko at tumayo na.
"Kung wala ka nang sasabihin pa uuna na ako" sabi ko at aalis na sana na pigilan nya ako.
"I want to help you" iyon lang at tuluyan ng napukaw ang atensyon ko.
"Anong tulong ang sinasabi mo" bumalik ako sa tabi nya. May inabot sya saking ticket at tinignan ko ito. Wait is this true?
Tumingin ako sa kanya at tumango lang siya sa akin kaya hindi ko maiwasan at niyakap ko siya.
"Sana kahit iyan lang ay makatulong ako sa lahat ng mga nagawa mong tulong sa amin" sabi niya at nag paalam ng aalis na. Tumingin ako sa ticket na binigay nya.
Bumalik na ako sa loob at sinalubong ako ni Merlin.
"Sino yung bisita mo daw?" Tanong nya at ngumiti lang ako.
"Someone who told me to chase my dream"
~~~💍💍💍~~~
Pearl' s Pov
BINABASA MO ANG
My Fiancé is not a Good Boy [ Completed ]
Romance[Boy Series 1] Responsible and Goodboy, those are the perfect words to describe Achilles Leonel Santiago. Achilles is the brother of Ash who happens to be Pearl's Best friend. Well Pearl know Achilles as the living Kill joy who always disagree on h...