🎤Chapter Six🎤

337 26 9
                                    

KNOW your enemy. Iyon ang isa sa mga natutunan ni Borj sa pagnenegosyo at sa buhay na rin. Kailangang matuklasan ang kahinaan ng kalaban para maisip ang pinakaepektibong paraan para matalo ito. Sa panahong iyon ay isang tao ang itinuturing niyang mahigpit na kaaway, ang malaking tinik na nakabaon sa kanyang lalamunan---ang oportunistang babaeng nagngangalang Ronalisa Salcedo.

Oo, oportunista ang babae. Iyon lang ang naiisip niyang dahilan kung bakit nagmamatigas ito, kung bakit ayaw ibigay sa kanya ang kopya ng kantang ginawa ni Tom. Naisip siguro nito na puwedeng ibenta ang kanta sa malaking halaga. Kahit nga hindi na sa recording companies. Siguradong may mayayamang tagahanga ang Polaris na papatol kung iaalok ni Ronalisa ang awitin sa mga iyon.

He hated the woman and yet, he needed to find out everything he could about her. Sa ganoong paraan niya malalaman kung paano ito maiisahan. Puwede siyang dumulog sa korte, bakit hindi? Pero napakatagal na proseso niyon at takaw-eskandalo pa.

No, he needed to use his head, not his heart. Emosyonal ang isyu, una ay dahil kapatid niya ang sangkot at pangalawa, nakakaantig naman talaga ng emosyon si Ronalisa, partikular na ang matinding galit. Ang taray nito!

But her lips were so soft. Parang nang-aasar ang isip niya at ipinaaalala pa kung paanong may nakiliti sa kanya nang maglapat ang mga labi nila ng babae. Hindi pagnanakaw ng halik ang pakay niya. Bakit ba niya gugustuhing halikan ang babaeng mukhang kayang bumuga ng apoy? Hindi nga lang niya mabusalan ng kamay ang bibig nito at baka magwala na nang husto. Pero hindi rin niya gustong bulabugin ni Ronalisa ang paligid sa matinis na sigaw na nahulaan niyang pakakawalan na nito.

Marshmallows. Iyon ang unang naisip ni Borj nang maglapat ang mga labi nila ni Ronalisa. Ipinaalala rin niyon sa kanya kung gaano katagal na panahon na ang lumipas mula nang may huli siyang mahalikan. Kaya nga siguro parang nagbantang tumakas ang katinuan niya nang malasap ang mga labi ni Ronalisa. Sa madaling salita, tigang siya kaya nahayok siya. At kung bakit ngayong naalala niya ang lasa ng hindi pinagplanuhang halik ay parang natakam uli siya.

You've got to be kidding me! Lalong nabuwisit sa babae si Borj. Ni minsan ay hindi pa siya nasabik na muling hagkan ang mga labi ng kung sino mang nakahalikan niya. For him, all kisses were the same.

At bakit ba tungkol sa halik ang inaatupag niyang isipin imbes na nagpaplano siya kung paano mapapalambot ang sintigas yata ng batong kalooban ni Ronalisa Salcedo?

He stared at her picture. Nasa monitor iyon ng computer niya kasama ang ilang impormasyong tungkol sa babae. Dalaga pa si Ronalisa, mag-isa na sa buhay pagkatapos pumanaw ang ina, at owner and manager ng Sea Breeze Resort.

He backtracked a little. Kamamatay lang ng mommy nito? Just barely over a year ago. That was tough. Lalo pa at ayon sa nabasa niya ay si Ronalisa at ang mommy lang nito ang magkasama. He felt a sudden surge of sympathy for her. Napalitan bigla ang imahe nito sa isip niya, mula sa pagiging bruha ay naging isang batang nangungulila sa ina.

Hindi siya bata. Ang laki-laki na niya at ang taray pa. Nakakaawa ba iyon? Nagmatigas ang kalooban ni Borj pero kahit paano ay nabawasan ang opinyon niya na sobrang antipatika ang babae.

The resort, though situated in a lovely spot, is not living up to its potential... Naagaw ang interes niya ng review tungkol sa Sea Breeze. Habang binabasa iyon ay ramdam ni Borj ang pagbilis ng daloy ng kanyang dugo. Para siyang ibinalik sa panahon kung saan nakaamoy siya ng salapi sa isang bagay na hindi humahalimuyak niyon. Sa pamamagitan lang ng pagbabasa ng review ay nagsimulang dumagsa sa kanya ang sangkatutak na ideya kung paano bubuhayin ang naghihingalong resort.










"MAY BISITA KA."

Mula sa pagtitipa sa computer ay napagawi ang tingin ni Roni kay Nana Medel. Noon pa man ay early warning device na niya ang matanda. Officially ay wala itong titulo sa resort at basta lang ginagawa ang maraming bagay na nasa kapasidad nito. Ang pinakaimportanteng tungkulin ni Nana Medel ay ang pagiging sandalan niya sa mga panahong gusto na niyang mawala sa mundo. Isa pang mahalagang papel ng matanda ay ang pagiging tsu-tsu sa kanya. Bago pa siya masabihan na may bisita ay nauuna na si Nana Medel.

A Song for RoniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon