🎤Chapter Ten🎤

290 31 15
                                    

MABIGAT ang loob ni Borj. Kakatapos lang ng meeting nila ng mga miyembro ng Polaris. Inayos niya ang lahat para makuha na ng mga ito ang ilang benepisyong pinaghandaan niya para sa ganoong malungkot na pagkakataon, ang paghihiwa-hiwalay na nila ng landas. Noon pa nakaplano ang pagpapatawag niya ng press con para ihayag ang opisyal na pagdi-disband ng Polaris. Unanimous ang desisyon ng natitirang miyembro ng banda na hindi na itutuloy ng mga ito ang Polaris.

"Boss..."

Napalingon si Borj. Akala niya ay nakaalis na ang lahat. May nagpaiwan pala. Si Alwynn.

"O, may problema ba?" tanong niya.

"Wala naman. Magpapasalamat lang ako. Sa lahat. Kahit madalas na maglabas ng sama ng loob si Tom tungkol sa iyo, naintindihan ko na ngayon kung bakit ganoon ang pamamalakad mo. Dahil sa iyo kaya hindi kami napagaya sa ibang banda na kahit saksakan ang kasikatan ay nauuwi rin sa wala ang lahat." Magaras ang tinig ni Alwynn. Mukhang nagpipigil ito ng iyak.

Nanganib na mahawa si Borj, mabuti at napigilan niya. Pero kinailangan pa niyang umubo bago magawang magsalita. "Iyon ang trabaho ko bilang manager ninyo. Sana lang ay naiintindihan na rin iyon ni Tom."

"Sigurado 'yon. Kahit naman naiinis 'yon sa 'yo, mahal ka no'n. Oo nga pala, may... may alam ka ba tungkol sa kantang ginawa raw niya?"

Natigilan si Borj. "Sinabi niya sa 'yo?"

"Tumawag siya. Ang saya-saya pa nga niya. Akala ko noong una, may tinira siya. Pero todo-tanggi siya. Tiyak na malilintikan daw siya sa 'yo pag ginawa niya iyon. Malamang na kahit siya ang bokalista at kapatid mo siya ay tatanggalin mo siya sa banda. In love daw siya at mas nakaka-high pa iyon kaysa sa kahit na anong droga. Gumawa pa nga siya ng kanta. Hindi ko alam kung natapos ba niya o kung ano na ang nangyari ro'n. Baka lang alam mo."

Nag-atubili si Borj. Sasabihin ba niya ang totoo? "Huwag kang mag-alala. I'll find out." Iyon na lang ang sinabi niya.

"O sige, iyon lang naman. Salamat uli."

"Walang anuman. Good luck." Ipinatong ni Borj ang kamay sa balikat ni Alwynn at banayad na pinisil iyon bilang pamamaalam.

Nang mag-isa na siya ay lalo pang bumigat ang loob ni Borj. Bukod sa naalala na naman niya si Tom at nangulila siyang lalo sa kapatid, palaisipan sa kanya ang gagawin sa kanta. A part of him was really hell-bent in making that song a lasting legacy for his brother. Pero paano niya babawiin iyon nang hindi pinapatunayan kay Roni na may ulterior motive siya sa pakikipaglapit dito?

He let out a loud burst of breath. Iyon ang orihinal na pakay niya. Hindi niya itatanggi iyon. But somewhere along the way, and in a surprisingly very short time, something changed. Parang may mantsang damit na naikula ang kanyang budhi. Pinalis ng matingkad na sikat ng araw ang mantsa roon. Pero hindi siya sanay sa pumalit sa mantsa. Hindi niya alam kung ano ang itatawag doon, lalo kung paano iyon pakikitunguhan.

What will I do about the song? Hinilot ni Borj ng mga daliri ang sentido. Masakit sa ulo. Pero ang ideyang kakailanganin niyang patuloy na makipagkita kay Roni dahil sa nawawalang kanta ay balsamo sa namimigat niyang kalooban.






"THE PLACE is starting to rock," puna ni Borj.

"Thanks to you and your brilliant ideas." Agree ni Roni kay Borj. Halos nadoble ang mga bisita nila. Sa lagay na iyon ay hindi pa peak season. Mula sa balcony ng tinutuluyan niyang cottage ay tanaw nila ang baybayin. Marami-rami na ang pakalat-kalat doon ngayon, hindi kagaya dati na masaya na siya kung lalagpas sa daliri ng isang kamay ang makikitang guests na namamasyal doon.

"Magsimula ka nang mag-interview ng additional staff para sa summer. Tiyak na dudumugin kayo," ani Borj.

"Dudumugin talaga, ha," komento ni Roni.

A Song for RoniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon