🎤Chapter Fourteen-FINALE🎤

422 48 16
                                    

ANG DAMI nang nangyari. Pumutok ang balitang buhay pa si Tom at natural na pinagpistahan iyon ng media. In-edit nang kaunti ang kuwento, hindi na sinabi ang binalak ng lalaki na magkunwaring patay na talaga. Nag-imbento na lang ang kampo ni Tom ng dahilan kung bakit nawala ito nang walang pasabi man lang at kung bakit natagalan ang pagpapakita uli.

Idinaos na rin ang farewell concert ng Polaris. May inbitasyon si Roni. VIP seat. Pero hindi siya dumalo. Nag-imbento na rin lang siya ng irarason kay Tom kung bakit hindi siya makakapunta. Hindi naman na nangulit ang lalaki. Mukhang marami itong inaasikaso at iniisip. Mahirap tiyak ang maghanda para sa isang concert. Kay Tom lang naman niya kinailangang magdahilan. Si Borj ay naglaho nang parang bula sa buhay niya. Bakit pa nga ba magpapakalat-kalat doon ang lalaki gayong nakuha na nito ang pakay? At inamin naman nito iyon, di ba?

Hindi nila masyadong napagkuwentuhan ni Tom ang tungkol sa ginawa ng kapatid nito. Pahapyaw lang niyang isinalaysay kung paanong naisip niya na mas dapat na si Borj ang magmay-ari ng kopya ng kanta. Hindi na siya kinuwestiyon pa ni Tom kahit parang gusto nitong mag-usisa pa.

Malapit pa rin sila ng lalaki sa isa't isa. Kung may balak pa si Tom na ituloy ang panliligaw na sinimulan nito noon ay hindi alam ni Roni. Sana ay huwag na dahil kahit sabihan siyang tanga ng lahat ng nakakakilala sa kanya ay hindi niya ma-imagine na magiging dyowa niya si Tom. He was just way too sweet for her. Nakababatang kapatid lang talaga ang tingin niya sa lalaki.

Isa pa, kung mapapangasawa niya si Tom, ibig sabihin ay magiging bayaw niya si Borj. Hindi niya kaya!

Hindi nga niya nakikita ang letseng lalaking iyon ay parati pa rin itong sumisiksik sa isip niya. Tuwing mangyayari iyon ay mistulang ginagawang pangsisig ang kanyang puso---iniihaw, tinatadtad at binubudburan ng asin. Paano pa kung maging brother-in-law niya ang lalaki? Hindi kaya maloka na siya ng tuluyan?

Kaya imposibleng um-attend siya ng concert. Mahirap magtago ng damdamin at ayaw niyang lihim pang pagtawanan ni Borj ang katangahan niya. Isa lang ang dapat niyang tandaan.

Life goes on...










GABI NA at nakatunganga si Roni sa karagatan. Mula sa balkon ng cottage ay nakikita niya ang bilog na bilog na buwan. Such a romantic evening. At siya ay mag-isa, nakikipagbuno sa alaala na pilit binabalikan ang mga moment nila ni Borj. Kung hindi ba naman siya masokista.

Sa sobrang kakaisip sa lalaki ay parang naririnig na tuloy niya ang awiting siyang dahilan kung bakit nagkrus ang kanilang mga landas. Napakunot-noo si Roni. Hindi siya puwedeng magkamali. Naririnig nga niya ang kanta. Baka may nagpapatugtog niyon sa isa sa mga cottage.

Binale-wala na iyon ni Roni at akmang papasok na sa loob nang lalong lumakas ang kanta. Palapit ang tunog sa kinaroroonan niya. And that was when she saw the figure walking towards her. Madilim sa nilalakaran ng lalaki kaya hindi niya maaninag ang mukha nito. Pero bumilis ang tibok ng kanyang puso.

Natutop ni Roni ang dibdib, pati na ang bibig, nang matanglawan na ng patio lights ang kumakanta. Hindi si Tom. Kaya pala may iba sa boses ng lalaki kahit pa maganda rin naman iyon. Ang nakatayo sa ibaba ng balkon niya, animo nanghaharana, ay walang iba kundi ang lalaking ilang beses na niyang minura at isinumpa sa isip niya.

Si Borj.

Tinapos ng lalaki ang kanta habang si Roni ay talo pa ang nakasaksi ng isang karumal-dumal na krimen sa shock na bumalot sa kanyang sistema. Kung susugurin niya ng yakap ang lalaki o pagsasasapakin ito, mahirap magpasya.

"You didn't come to the concert. May inihanda pa naman kaming special number para sa iyo. Kakantahan dapat kita kaso hindi ka sumipot," sabi ni Borj, parang nanunumbat pa.

A Song for RoniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon