🎤Chapter Thirteen🎤

261 27 8
                                    

PU**** - Ina mo! Bihirang gamitin ni Roni ang murang iyon kaya para paulit-ulit niyang maisip iyon ay pruweba lang kung gaano katindi ang galit niya sa taong pinatutungkulan ng malupit na mura.

Nakakainis pa, madalas na nagpupumilit maglaro sa kanyang diwa ang hitsura ng kasumpa-sumpang taong iyon. Sino pa ba kundi si Borj?

Noong isang gabi lang, habang hindi siya makatulog dahil masyado siyang nalilibang sa alaala ng pinagsaluhan nilang sandali nang makatanggap siya ng text galing sa lalaki.

Kiniliti ang buong pagkatao ni Roni. Kanina lang ay sumugal siya. Ibinigay niya kay Borj ang kopya ng kantang dati ay ipinagpipilitan nitong isuko niya. Sumugal siya at saka taimtim na nagdasal. Kung babalik pa ang lalaki pagkatapos ng ginawa niya, ibig sabihin ay gusto talaga nitong makasama siya at hindi lang dahil may ulterior motive ito. Halos maglumuhod siya sa langit na bumalik nga ito sa kanya.

Hindi tuloy niya mabuksan-buksan ang text message na galing kay Borj. Kahit simpleng "goodnight" lang iyon ay masaya na siya dahil naalala pa siya ng lalaki kahit hawak na nito ang minimithing kopya.

Imbes ay napakasaklap ng sinabi nito. Walang pakundangang kinumpirma ng bruho ang hinalang binabara niya tuwing magpaparamdam sa kanya. Sumugal siya. At natalo. Sobrang talo. Daig pa niya ang nalagasan ng milyones.

Thanks for the song. It is what I came for. Now, I got it. Sorry for any inconvenience I've caused. Good-bye.

Kaya tuwing sasagi sa isip ni Roni si Borj ay minumura niya ito. Kung sana lang na sa bawat pagmumura niya sa lalaki ay nababawasan ang sakit na nararamdaman niya. Kaso, kahit napakatindi na ng galit niya kay Borj ay nasasaktan pa rin siya. Bumuo siya ng mga pangarap. Naniwala siya sa pagmamahal. At gumuho lang ang lahat ng iyon.

Dahil sa PI na lalaking iyon!

Mabuti na lang at marami siyang ginagawa. Salamat na rin kahit paano sa hinayupak na Borj na iyon, mataas na talaga ang occupancy rate nila. Kahit nga ang review ng Sea Breeze sa iba't ibang sites sa Internet ay maganda na. Dudumugin talaga sila sa tag-araw.

At least, tumatabo ka ng kita habang ipinagluluksa mo ang katangahan mo.

It was a lesson well-learned. Kainaman pa, gumanda ang kanyang kinabukasan. Hindi na masama. Kung kailangan mang madurog ang kanyang puso, iyon na siguro ang matino-tinong paraan. Kaysa naman iyong wala siyang nahita kahit paano.

So okay na rin, di ba? Pinilit ni Roni na pasiglahin ang nagsisintir na damdamin.

Hindi! Hindi okay! Kahit anong pangungumbinsi ang gawin ni Roni sa kalooban ay ayaw niyong pumayag na okay na rin.

Kagaya ng madalas mangyari kapag sumasagi sa alaala niya si Borj, para siyang leon na ikinulong sa hawla. Hindi siya mapakali, para siyang sinasakal.

Napatayo si Roni mula sa kanyang desk at halos tumakbo siya palabas ng opisina. Ilang guests ang nakasalubong niya at kinailangan niyang makipagngitian bago niya narating ang kanyang cottage. Pero kahit doon ay para pa rin siyang hinahabol ng kung ano.

She was about to bolt out the door again when she heard a familiar voice. May kumakanta. Live. Pinanlamigan siya nang maalala kung sino ang may-ari ng tinig. Minumulto ba siya?

Pagdungaw ni Roni sa bintana ay muntik na siyang himatayin. Si Tom ang tumambad sa kanya! May dalang gitara ang lalaki, inaawit ang kantang ginawa nito para sa kanya.

"Uunahan na kita. I'm not a ghost," wika nito.

"Y-you're not?" Duda si Roni.

"Look. Hindi ako nakalutang, hindi rin transparent."

A Song for RoniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon