"WHAT is it about the place that you like the most?"
Natahimik si Roni sa tanong na iyon ni Borj. Hindi niya masagot. Kunsabagay, ang daming katanungan na umuusig sa kanya na hindi rin niya maihanap ng tugon. Ang nangingibabaw sa mga iyon ay si Borj.
Bakit mo pinapasok ang lobo sa loob ng kulungan ng mga tupa? Lobo si Borj at sila ng mga tauhan niya sa resort ang mga tupa. Imbes na harangan ng sibat ay binuksan pa niya ang tarangkahan ng pamamahay niya at pinapasok ang lalaki.
Ang isang dahilan ay ang kagustuhan niyang ipakita kay Borj, at sa sarili na rin niya, na hindi siya kasintanga ng hitsura niya. She might look weak and gullible but she was trying her best not to be. And she was putting her mind into it. Magpa-practice na siyang magpakatatag.
Ang pangalawang dahilan ay gusto niyang makita kung may ibubuga si Borj. Ayon kay Tom ay may Midas touch ang kapatid nito. Nagagawa ni Borj na gawing ginto ang lahat ng mahawakan. Puwes, gawin nitong ginto ang Sea Breeze. At wala itong makukuhang kapalit. She would have the last laugh. Patutunayan niya iyon sa sarili na medyo kapos ang bilib sa kanya.
"Wala kang gusto sa lugar na ito?" Pasimple ang pag-uudyok sa kanya ni Borj na sumagot na.
"Ikaw ba, ano ang magugustuhan mo rito kung ikaw ang nasa lugar ko?" Ibinalik ni Roni sa lalaki ang tanong nito.
"Everything, actually. Maganda ang tanawin." Tumingin muna si Borj sa gawi ng baybayin. Sa patio sila nag-uusap kaya kitang-kita ang paligid. "The sea, the mountains, everything..." Dumako sa mukha niya ang mga mata ng lalaki.
Hindi siya dapat kiligin. Pinilit ni Roni na huwag iyong maramdaman. Kaso, nangyari pa rin. Mahusay bumitaw ng salita ang kumag. Nakakadala.
"Salamat kahit siguradong nambobola ka na," aniya.
"Pambobola with a touch of truth."
"Oo naman. Talagang maganda ang dagat at bundok."
"At iyong everything... maganda rin. Lalo kapag hindi nagsusungit."
Anak ka ng tinapang kilig ka. Lumayas ka! Gustong magtatarang ni Roni. Ang laking gaga niya para maramdaman iyon.
"Anyway, ano na ang assessment mo?" Businesslike ang tono niya. Hindi ako naupo rito para makipagbolahan. Iyon ang ipinararating ng himig niya.
"Lots of potentials that I can turn into realities. Ni hindi nga yata ako pagpapawisan. Walang challenge."
"Ganoon? Eh, di ba sabi mo you live for challenges? Mababato ka sa trabahong gagawin mo."
"Iyong pagpapalago ng resort, madali. Iyong pagpapaamo sa may ari, iyon ang challenging. Hindi ko sure kung kakayanin ko."
"Tigilan mo 'ko sa kalokohan mo kung ayaw mong buhusan kita ng ice tea," ani Roni.
"Sorry. I just can't help it. Actually, kahit ako ay nagugulat," sagot ni Borj.
"I'm sure," sabi ni Roni kahit halatang hindi siya kumbinsido.
GREAT! For the first time in my life. I was honest with a woman and she won't believe me. Muntik nang mapapalatak si Borj. Karma siguro niya iyon sa mga kabalbalang pinagsasabi niya sa ibang babae na walang pag-aatubiling pinaniwalaan ng mga ito.
Gayunman, masaya siya na tinanggap ni Ronalisa, rather ni Roni, ang alok niya. Tawagin na lang daw niya ang babae sa palayaw nito dahil nahahabaan ito sa Ronalisa.
He liked what he was doing. It was making him feel alive. Ngayon lang niya na nawari na sa loob ng mahabang panahon pala ay hindi na siya natutuwa sa mga ginagawa niya, na mabigat na trabaho na ang tingin niya sa kanyang mga ginagawa. Maybe that was the reason why his disposition was so sour.
BINABASA MO ANG
A Song for Roni
RomanceHindi makapaniwala si Roni nang makilala si Tom. Miyembro kasi ng isang sikat na banda ang lalaki. Lalong hindi siya makapaniwala nang gawan siya ng kanta ni Tom at sinabi pang balang-araw ay pakakasalan siya. Kaya ganoon na lang ang pagkagimbal ni...