Prologue

216 10 0
                                    


Coution: Some scenes, lines and actions are not suitable for young readers. Read responsibly.

Disclamer: This is work of fiction. Names, characters, business, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincedental.

On Process Of Editting.

****


Lumabas ako sa office ni Boss Pong matapos ipasa ang third song na ginawa ko para sa second album ni Tenji at bukas need ko na ipasa ang last song para mahabol ang target release noon next month tapos may recording din bukas para naman sa comeback song ni Mike kaya medyo busy talaga ang schedule ko.



Nagbukas muna ako ng Coke in Can bago komportableng sumandal sa aking kinina-uupuan kaharap ang tatlong monitor ng computer ko. Magpapahinga muna ako bago magsimulang lapatan ng tamang beats ang kantang pinu-produce ko ngayon. Dream Job ko nga pala ang maging Song Writter slush Producer.



Almost three years na ko dito sa Thailand. Mahirap sa umpisa, unang-una dahil hindi ko sila maiintindihan magsalita. Pero ngayon medyo natututo na ko. Dito ko na din na-improve and skills ko sa paggawa ng kanta. At masarap sa pakiramdam na ang mga kantang hindi napapansin noon at pinapakinggan na ng buong Thailand ngayon. Salamat nga pala sa mga taong tumutulong sakin na magtranslate ng mga gawa ko in Thai language.



Medyo nakaka-homesick lang din minsan ang dami kong namimiss sa pilipinas, si ate Iska, si Yayo, si Baby Toto at si...



Sumulyap ako sa phone ko ng maramdamang nagvibrate iyon. Si ate Iska gustong makipag-video call.



"Hello Tunyang!" bumungad sakin ang malaking mukha ni Ate Iska na sakop ang buong screen ng cellphone ko.



"Baka gusto mong ilayo-layo ang mukha mo te, kung okay lang naman." ani ko ngunit hindi nya ako pinansin. Naglakad si Ate Iska papunta sa garden at ipinakita ang bagong bili nyang second hand na Van.



"Yan ang susundo sayo next month pag-uwi mo." May malaking ngiti si Ate Iska, na raramdaman ko ang excitement nya sa pag-uwi ko, excited pa na makita ako o excited sa mga pasalubong?



"Kamusta naman ang Inn House?"



"Aba maganda, kita mo at nakabili ako ng Van." Sagot ni Ate Iska na may paghampas pa sa Van. "O sige na, susuduin ko pa si Yayo. Bye~ muah!" bago ibinaba ang tawag.



Nakangiti akong nagbuntong hininga. Konti na lang at makakabalik na ko sa pilipinas. Inabot ko ang wallet size picture na nakasingit sa gilid ng computer monitor.



"Makikita na kita ulit, masasabi ko na sayo."

From Thailand to Hear ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon