Chapter 17

30 3 0
                                    

Chapter 17
New Guitar


"Yes, I'm ready to make a song with you, sir Tenji." Aniya ko. Pinuntahan ko si Tenji sa Tent nya, kasama nito si Boss Pong na kapwa nakatingin sakin. Kinakabahan ako pero wala na sa aking isip ang umatras.



Lumapit ako kay Tenji at inilapag sa make-up table ang kulay matte red kong notebook at pinakita ang lyrics ng kanta na sinulat ko. Sige, husgahan nyo, mag-comment kayo ng di maganda, wala akong paki-elam. Ilang beses na ako na-reject dati, kaya kong matolorate ang rejection ngayon.


"Good lyrics, is seems cold and have deep meaning."


Bumilog ang aking mata at kinilig sa komentong iyon ni Boss Pong. Hinanda ko pa naman ang aking sarili sa Negative comment pero hindi iyon ang nakuha ko. Ang saya, feeling ko buhay ako ulit.


"I told you Boss Pong, she is good." nakangiting aniya ni Tenji habang hawak parin ang notebook ko.


"Thank you po!" masaya kong pagpapasalamat sa positive comment. Lumunok muna ako at bumuwelo.
"But...."


"But What?" taas isang kilay ni Tenji.


"Can you help me to plot a right tone and melody to the song that suits in your voice and personality?" aniya ko. Sya ang kakanta, dapat lang na bagay sa kanya ang kanta. "Also, to transtate it in seimese?"


"Ofcourse, i will help."


Napangiti ako dahil nakita ko ang excitement kay Tenji. Masaya ito sa gawa kong lyrics at mas masaya ako dahil magustuhan nila iyon.


"Mr.Tenji, get ready for next scene." aniya ng isang stuff na biglang pumasok sa tent.


Tumayo si Tenji at nakangiting inabot ang matte red notebook ko sa akin. Bago sinakop ng palad ang ulo ko, oo matangkad sya, pero tama ba yon?


"See you later Tunyang, let's join in this small star to reach a single dream."


Na-istatwa ako sa sinabi ni Tenji, linya iyon sa kantang pinakita ko sa kanya. Nagbigay talaga sya ng antensyon doon para maalala nya agad. Ang husay.


"Yes sir!" masayang pahabol ko bago makalabas si Tenji ng Tent.


"Make it Robust!" ani Boss Pong bago sumunod kay Tenji.


****

Habang naglalakad pa-uwi ng Inn house, bitbit ang gitarang hiniram ko kay Mike ay tumigil sa gilid ko ang puting Van na sasakyan ni Tenji.


"Get in." bungad sakin ni Tenji pagbukas ng pinto ng van. Nagtaka ako, bakit nya ako ponapasakay? May pupuntahan ba kami? Di ako inform.


Kahit puno ng tanong ang isip ko ay sumakay ako sa Van. "Where we goin?" aniya ko. Ngunit hindi ako sinagot ni Tenji at sinulyapan lang ang dala kong gitara.


"Mike's guitar?"


"Yes, i borrowed it." sagot ko sa kanya.


Ibinaling ni Tenji ang tingin sa labas ng sasakyan bago komportableng sumandal. Di ko na ito naka-usap ng pumikit ito at parang natutulog. Ni-di ko alam kung saan kami pupunta. Bukod sa driver ay kami lang dalawa ni Tenji ang nasa Van.


Iginala ko ang tingin sa loob ng Van na pwede ng hotel. May TV, maliit na refrigerator, mga baso at bote ng mamahaling wine. Sa laki ng Van, apat na tao lang ang makakasakay sa back seat, dahil sa malalaking upuan na pang eroplano. Sa sobrang komportable sa loob ay hindi ko namamalayang naka-iglip ako.


From Thailand to Hear ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon