Chapter 10

35 4 0
                                    

Chapter 10
Dare and Kiss


"Kiss me in my cheek." malakas na basa ni John Lloyd sa nabunot nyang dare.



Ano ba yan Ganyak, unang bunot napaka gago na. Mas lalo tuloy akong kinabahan sa mga susunod na dare.



Tinakpan ng palad ni Ganyak ang ikalawang baso at inalog din iyon bago pinabunot si John Lloyd.



Napapapikit ako habang binubuksan ng pinsan ko ang piraso ng papel na nabunot nya. Sana si Ganyak ang mabunot nito.



"Mike."



Nandulat ako ng binasa ng malakas ni John Lloyd ang nabunot nya. Ako ang nahihiya sa dare na to. Humawak ako sa braso ni Mike. "You don't have to do it sir."



"Ang K.J. mo naman Tunyang." nakasimangot na bwelta ni Ganyak. Pero di ko iyon pinansin at binaling ko ang tingin kay John Lloyd at sinabihan na wag itong papayag.



"I'll do it."



Mag-kaka-heart attack ako sa sagot ni Mike, alam kong game na game ito pero ang humalik sa pisnge ni John Lloyd?! Hindi naman nya yun kailangang gawin, pwede syang tumanggi at baliwalain ang sinabi ni Ganyak na magiging air bender sya sa labas.



Tumayo si Mike at lumapit sa pinsan ko. OMG! Saglit pa nya itong tiningnan sa mukha bago nagbigay ng kalmadong halik sa pisnge. Mabilis lang iyon at bumalik na rin agad si Mike sa kinauupuan nya. Eto namang si John Lloyd walang palag at okay lang sa kanya.



Hayts! nakaka-inis, ang swerte naman nitong pinsan ko, ang daming babaeng fans ni Mike ang mamatay sa inggit pagnalaman ang nangyaring ito. Sayang lang dahil mukhang di naman na feel ng pinsan ko ang halik na yon, Lalaking-lalaki kase ito, buti nga't di nanuntok.



"Next-Next" aniya ni Ganyak habaang inaalog ang baso. "Boss Amo Tenji, your turn."



"Ask me anything."mahinang boses ni Tenji.



Pagtapos alugin ni Ganyak ang ikalawang baso ay pinabunot nya si Tenji doon. Naku! Kung ako ang mabubunot nito itatanong ko kung na-aalala nya ba o hindi ang nangyari sa airport, o kaya icoconfirm ko kung nabusted ba talaga sya ni Sunshine.



"Ganyak Pogi." basa ni Tenji sa pangalan na nabunot nya at si Ganyak pa nga.



"Do you remember Tunyang? In the airport?" walang patung-ganang tanong ni Ganyak.



Bigla akong kinabahan, yun din ang plano kong itanong kung sakali pero iba parin ang kaba sa mag-iintay ng sagot.



"She just kick my face."



Nandulat ako at napakagat sa babang labi sa sagot ni Tenji. What?! All this time naaalala nya pala? Bakit di man lang nya sinabi?!



"Actually at first, i was confused." napaiwas ako ng tingin ng magtagpo ang mga mata namin ni Tenji. "She's so brave to face me like its nothing."



"Whats your Thoughts right now about Tunyang?" pahabol na tanong pa ni Ganyak bago humigop sa tasa ng kape. Balak na atang tanggalan ng trabaho si tito boy abunda.



"She's cool."



Napabuga ng iniinom si Ganyak.
"Are you serious?" bago salubong ang mga kilay na tumingin sakin na tila hindi makapaniwala. Ako rin naman no!



Nakaramdam tuloy ako ng guilt, dapat pala ako na mismo ang nag-open-up ng tungkol sa airport para nakahingi ako ng sorry. Well, atlease ngayon alam ko na na alam pala talaga ni Tenji at okay lang sa kanya. Nabunutan ako ng tinik.



From Thailand to Hear ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon