Chapter 24

38 3 0
                                    

Chapter 24
Statement



"Tunyang! Bunso!" Salubong ni Ate Iska na agad yumakap sakin. Pinipit ako nito sa mga braso at inaloglog ako. Hinabol ko ang hininga pagkabitaw sakin ni Ate. Kung nagtagal-tagal pa ang yakap nito baka hospital ako uuwi nito.


"Kamusta naman?!" may malaking ngiti aniya ni ate Iska sabay ang paghagod sa mga braso ko.


"Eto malusog naman."


Naagaw ng pansin ko ang isang bata sa tabi ni Ate. "Yayo? An laki mo na, at mukha ka parin buslog." natatawang pang-aasar ko sa bata, di ko na ito kayang buhatin dahil sa pangangayawan ni Yayo halatang mabigat na bata uto. Ang bilis talaga tumangkad ng mga bata.


Hindi nanibago si Yayo sakin, Nagvivideo call kasi kami nila ate palagi basta may free time. Pagkatapos magbigya ni Yayo ng welcome hug ay nanghingi na agad ito ng pasalubong.


"Baka pwedeng maka-uwi muna sa Inn house no? Kung di nakakahiya sayo Yayo." patol ko sa 7 years old na bata.


"Sige tita, basta yung cholocate na hello kitty ko po ha." nakangiting paninigurado ni Yayo na nabili ko ang gusto nyang pasalubong. Gusto pa nito yong chocolate na nakabalot sa hello kitty warp e pareparehas lang naman na chocolate yon, ang siste pa e mas mahal yon kahit hindi masarap.



Paglabas ng airport ay nag-aabang na ang Van na minamaneho ni John Lloyd. Matapos ang halos apat na oras na Biyahe ay nakarating narin kami sa aming baranggay. Yakap ko ang tulog na tulog na si Yayo sa backseat. Dumungaw ako sa windshield ng mapadaan kami sa Tindahan nila Ganyak. Nandyan kaya siya ngayon?


"Wala na si Ganyak dyan." ani Ate Iska na nakatingin sakin sa rear-view mirror. Napansin nya na sinisilip ko ang Tindahan nila Ganyak.


"Ha? Kailan pa, nasan daw sya?" Kahit hindi man lang nagrereply si Ganyak sa mga text and email ko ay umasa akong makikita ko sya sa aking pag-uwi. Pero hindi rin pala?



"Almost 3 years na rin, pag-alis mo ay umalis na rin sya, mag-mamaynila daw."


Maynila? Naalala ko tuloy noong tinanong ko si Ganyak kung may plano sya pagtapos ng shooting. Siguro ito ang planong sinasabi nya. Lalo lang ako nalungkot at nalugmok sa kawalan ng pag-asang magkikita kami.


Ang laki ng maynila at mukhang nagpalit na rin si Ganyak ng phone number at email na ginagamit. Wala na akong koneksyon sa kanya.



"Ano ka ba? Make up your face, dapat i-enjoy natin ang two weeks vacation mo dito." ani Ate ng makitang natahimik ako. Tama sya, nandito naman si Ate Iska, yayo, baby Toto at kuya Drew. Dapat maging masaya parin ako.


Pagpasok sa Inn ay agad yumakap saking hita ang maliit na bata. Si Baby Toto iyon, binuhat ko ito at inipit saking mga braso, napaka-cute nya. Gusto kong kagatin ang mapupula pisnge ni Baby Toto. Maya-maya pa'y lumapit na din si Kuya Drew.


"Welcome Back Tunyang." nakangiting aniya nito.


"Thanks bro." aniya ko.


Matapos ang mahabang kwentuhan ay hinigit ko si John Lloyd. "Wala na ba talaga si Ganyak diyan?" malakas na bulong ko.


"Wala na, matagal na." aniya ni John Lloyd na nakatingin sakin ng hindi man lang yumuyuko. Ipinasok ni John Lloyd ang dalawang kamay sa bulsa at sumandal sa pader sabay ang paghipan ng buhok na humarang sa mata niya. "Nasa Maynila nga daw."



"San daw sa Maynila?"



"Ewan." walang ganang aniya ni John Lloyd, bakit ba laging tamad na tamad tong lokong to.



From Thailand to Hear ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon