Chapter 07

33 3 0
                                    

Chapter 07
Baby Ogie



Ako muna ang nakapwesto sa Frontdesk  habang pinapaliguan ni ate si Yayo. Namamangha ako habang tutok sa cellphone at nagse-search ng tungkol kay Tenji. Ang dami na pala nitong awards at talagang sikat sa Thailand.

"Aaaaaah!"

Napatayo ako ng may sumigaw sa second floor. Maya-maya ay nagmamadaling bumaba si Tenji at hinihingal na lumapit sakin. Wala itong ibang suot kundi tuwalyang naka-ikot sa babang bahagi ng katawan.

Mukhang galing itong shower, basa pa ang katawan ni Tenji na tila hindi na nakapagpunas sa pagmamadaling bumaba.

"Cockroach!" nagpapanic aniya nito habang tinuturo ang kwarto nila. Kung ganon nakita pala nito si Ogie.

Ogie ang pinalangan ko sa mga ipis na di maubos-ubos. Ginawa ko ang lahat ng posibleng paraan para maubos ang lahi nila pero sadyang mabilis silang magparami.

Sumama ako dito na umakyat sa kwarto. Pagpasok ay hinubad ko ang isang tsinelas na gagamitin kong pandurog kay Ogie.

"Where?"

"There." tinuro ng  nakayakap sa sariling at takot na takot na si Tenji and bathroom. Gwapo ito at talented pero urong naman pala sa ipis.

Pumasok ako sa bathroom at baby Ogie lang ang nakita ko. Sa liit noon ay hindi ko na kailangang gumamit ng tsinelas kahit tirisin ko na lang.

Pero dahil hawak ko na ang tsinelas ay ginamit ko na rin. Lumaglag si Baby Ogie, dinampot ko iyon at tinapon sa bintana.

Saglit ko munang pinalabas si Tenji dahil mag-i-spray ako ng baygon. Pagtapos ay lumabas din ako saka isininara ang pinto sumandal ako doon at naghintay kami ni Tenji sa labas ng kwarto hanggang mawala ang amoy ng baygon.

Nakatingin lang sakin si Tenji habang magkayapos ang mga braso nito. Wala parin itong suot bukod sa tuwalya.

Bumalik ito sa pagiging cold at attitude. Samantala kanina kumakaripas ito ng takbo makakita lang ng baby Ogie.

Hindi ba ito titigil kakatingin sakin? Pag ako di nakapagpigil, ewan ko lang.

Todo akong umiiwas magsalubong ang tingin namin. Baka mamaya bigla nitong i-open up ang nangyari sa airport. Mahirap na.

"What's your name?"

Pang-apat na araw na nila ngayon, hindi pa pala nito alam ang pangalan ko?

"Tatyana sir." magalang na sagot ko.

"Tatyana? Why they call you Tunyang?"

O' alam mo naman na palang Tunyang tawag sakin, nagtanong pa.

"I'm Tatyana Katapatan sir, Tunyang is my nickname." nakangiting sagot ko. Gusto ko din malaman ang ilang bagay tungkol kay Tenji, kaso nakakahiya namang tanong.

"I see." malamig na boses aniya nito saka lumapit sakin.

Napatagilid ako at mas inilayo ang tingin ng iharap nito ang dibdib sa mukha ko.

"Look at me when i talk."

Napalunok ako bago dahan-dahang ini-angat ang tingin dito. Hindi ko alam ang mararamdaman sa ginagawa ni Tenji.

Isinandal nito ang isang palad sa pintong sinasandalan ng likod ko at inilapit ang mukha sakin. "understood?" bulong pa nito.

Napatulala ako sa mukha nitong walang man lang mi-isang pore.
"Yes sir." mahinang pagsang-ayon ko.

From Thailand to Hear ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon