Chapter 28

75 6 0
                                    

Chapter 28
Rain and Dinner



"What time is it?" Nalulula akong inagaw ang braso ni Mike. "Wheres your watch?"


Simula ng dumating si Mike kanina ay nagsimula na kaming mag-inuman dito sa condo niya. Tapos na kami sa unang bote ng blacklabel at ang pangalawang bote namin ay itong Malibu Rum na mas malupit pa sa ostrich kung sumipa


"I don't ware watch." sagot ni Mike bago napahiga sa sahig. "That Ganyak, get rid of him!" pahabol pa nito. Kanina pa kasi ang naglalabas ng sama ng loob tungkol sa pangliligaw ko kay Ganyak.


Inakay ni John Lloyd si Mike pahiga sa Sofa. Kumuha muna nito ng yelo sa refrigerator bago muling umupo sa sahig at itinuloy namin ang inuman.


"Potang-ina!" humagulgol ako ng iyak. "Ang arte-arte niya! Porket ba Doctor na siya ngayon tumaas na standard niya?!" tinuyok ko ang hintuturo kay John Lloyd. "Ha?! Sumagot ka!"


"25 years, 25 years yon! Bakit parang ang dali lang sa kanyang kalimutan yon?!" walang tigil kong rant.


"Mabuti pa siya, ang bilis niyang makalimot. Mabuti pa siya may bago ng mundo. Samantala ako, eto, nandito parin."


"Ang tanga-tanga ko no? Three years umaasa ako na ako parin." umiiyak akong yumuko sa Japanese Table.


"Suko na? Nasan na ang Oplan ligawan si Ganyak?" ani John Lloyd


Inangat ko ang ulo at pinunasan ang mga luha. "Pakiramdam ko kase kaya ganon siya kase hindi na ko ang gusto niya."


"Suko na?" Naghahamong tono ni John Lloyd bago mabilis na ininom ang tagay ng Malibu Rum. "Uuwi na?"


Napalunok ako at biglang napa-isip. Ayokong umuwi ng walang napapala. Hindi pa ko sumusuko, may oras pa ko. Tinanggal ko ang lungkot saking mukha at pinahid ang lahat ng luha sa manggas ng T-shirt ko.


"Anong Oras na?" matapang na aniya ko kay John Lloyd na tumingin sa wirst watch niya.

"11 P.M."

Tumayo ako at mabilis na inabante ang isa kong paa para mapigilan ang sarili sa pagtumba. Nahihilo, nasusuka at naiini akong pumamewang. "Tara kay Ganyak." hindi pa dito ito natatapos.


Nahulog sa sofa si Mike ng sinubukan nitong bumangon. "Kill him!" taas isang kamay ni Mike na lumalabas ang pagihing utak kriminal kapag nalalasing.


"Yes, I will kill him with my precious self." suminok akong may halong suka. Hindi ko iyon ininda at ibinalik ko sakin sikmura."Let's Go." aniya ko bago  daretsong lumabas ng condo. Walang reklamong sumunod sakin si John Lloyd at Mike.


Gamit ang Kotse ni John Lloyd ay nakarating kami sa Hospital. Mabilis lang ang biyahe dahil dis-oras na ng gabi at wala ng sasakyan sa daanan.

"I need a guitar." aniya ko. Nahilo ako lalo sa biyahe.


"Please lang, wag kang susuka dito." pagbabanta ni John Lloyd. Sorry siya, hindi ako natatakot  sa kanya. Susuka ako kung sana ko man gusto!


"Sisihin mo si Ganyak, he made me this way!" malakas na aniya ko habang nakadungaw ang kalahati ng katawan ko sa likuran ng sasakyan at pilit inaabot ang gitara ni Mike. Lumaki ang ngiti ko ng maabot iyon.

"Yo gonna smash him with that?" hindi na maintindihang aniya ni Mike, anytime ay mahihimatayin na ito sa sobrang kalasingan.

Umakto kaming normal habang dumadaan  sa harapan ng guard at frontdesk hanggang makasakay kami sa elevator. Agad kaming sumandal ni Mike sa dingding ng elevator para makontra ang kalasingan. Hindi lasing si John Lloyd, sa totoo lang hindi ko pa siya nakitang nalasing. Strong e.

From Thailand to Hear ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon