Chapter 06

35 3 0
                                    

Chapter 06
Special Guest



"Mabuhay! Welcome to Katapatan Inn House!" may malaking ngiting bati ni Ate Iska Pagdating nila Tenji.


"Thank you, Thank you" nakangiti ring sagot ni Boss Pong at inaya na ang mga kasama sa pumasok sa Inn House.


Dinala ni ate Iska ang mga bisita sa Garden para sa pa-welcome dinner. Inayos pa namin ang lugar kanina at si ate pa mismo ang nag-luto ng kakainin ng mga ito. Todo effort si ate, ikaw ba naman ang magkaron ng guest na artista.


Pinagtulungan naman namin ni John Lloyd kargahin ang mga gamit ng mga ito paakyat sa kwarto. Grabe, dala na ata ng mga Thailanders na ito ang buong bahay sa dami ng bagahe.


"Ako na kukuha ng huling bagahe sa baba." aniya ni John Lloyd ng mapansing sobra na ang pagod ko.


"Mabuti pa nga." sagot ko saka saglit na umupo sa sahig at nagpahinga. Napa-angat ko ang ulo ng may mga paang huminto sa harapan ko.


Nandulat ako ng makita si Tenji na nakatingin sakin. Pabalikwas akong tumayo at nag-ayos ng sarili.


"Good evening sir." kinakabahan bati ko. Relax Tunyang, mabait ang taong yan kung naalala man nya na pinagtabuyan mo sya kahapon ay ayos lang yon sa kanya kasi nga mabait sya.


"You're sweating." poker face aniya ni Tenji. O diba, sabi sayo mabait yan. At concern pa sayo.


Ngumiti ako bago sumagot. "it's part of our job, and it's okay sir, no problem."


"You're sweating, i don't want it to drip on my things." tumingin pa ng matalim si Tenji sakin bago umalis sa harap ko.


Nawala ang ngiti ko, ok, di sya concern! pero di na yon para ikasama pa ng loob ko. Sa dami nang mga guest na mas malalala pa ang sinabi kaysa kanya ay nakasanayan ko na yon.


Siguro masyado lang itong sensitive pagdating sa mga gamit. Mamahalin at mga bago pa ang karamihan sa mga bagahe nito kaya okay lang na pag-ingatan nya.


"Yes sir!" pahabol na sagot ko.


****

Pagpasok sa kwarto ay agad akong humiga sa kama at nag-check ng phone. Ang daming nangyari sa araw na to. At sa wakas natapos din.


Agad ako nag-iwan ng Heart react sa picture ni Jona at Haha react naman sa selfie ni Ganyak.


Ilang minuto at  naglinis nako ng katawan at bumagsak sa kama. Sarap matulog pagtapos ng nakakapagod na araw. Niyakap ko ang malambot kong unan at konti na lang mananaginip na ko.


"Tunyang?"

May tumawag ba sakin?

"Tunyang?" may halo ng katok.

"Tunyang?!"

Namumugtong na ang mga eyebangs ko, sino ba yun. Inis na inis akong tumayo at binuksan ang pinto. Tumambad sakin si ate Iska at si John Lloyd na nakapantulog narin na humihikab.

"Sorry na bunso." Malambing boses ni Ate na akala nya madadala nya ko sa ganon.

"Ano ba yon?! Antok na antok na ko."

"Ako den." Sabat ni John Lloyd.

"Yung guest kase natin, gusto daw mag jaccuzi." nagpapacute na sagot ni ate Iska.

Yung pagpapacute ni Yayo kapag nanghihiram ng cellphone matataggap ko e, Pero ito?! unbelievable.

"Jaccuzi?! Jusko ko ate mag-aalas-dose na." sabay kamot ko sa ulo.


From Thailand to Hear ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon