Chapter 26

45 3 0
                                    

Chapter 26
Help me, doctor!



" Ate dito muna ako." Aniya ko kay Ate Iska na nakasakay na sa Van, katabi si Yayo at Baby Toto sa Back seat. Matapos ang pagsugod namin kay Baby toto sa hospital kahapon ay ngayon lang siya pinayagang nakalabas.



Uuwi na sila Ate Iska sa Laguna. Ihahatid lang daw ni John Lloyd sila Ate at babalik din dito sa Manila para naman salubungin si Mike sa Airport.


"Sigurado ka?" nakasimangot at taas isang kilay ni Ate Iska. Magpapa-iwan kasi ako para tuparin ang aking misyon at hindi parin boto si Ate Iska sa plano ko.



"Oo, It's now or never."



"Sige, Basta kapag epic failed, uwi agad." mahigpit na bilin ni Ate.



"Yes medem." nakangiting pagsang-ayon ko bago isinara ang pinto ng Van mula sa labas. Nagbuntong hininga ako habang pinapanood ang paglayo ng Van sa gawi ko. Wala ng aawat sa Oplan Ligawan si Ganyak.



Wala akong dalang extra damit, di ko naman kasi inaasang makikita ko agad si Ganyak at magtatagal ako dito sa manila kaya naghanap muna ako ng kwarto na maaring mai-rent for one week bago ako namili ng ilang damit na masusuot at ilang hygiene stuff na kailangang-kailangan ko aking mga plano.


Matapos maligo ay napagdesisyonan kong magsuot ng  plain navy blue na dress ngayong araw. Kinulot ko ang dulo ng aking buhok at nag-spray ng pabango, lip tint lang ang ginamit ko saking labi at pinge dahil hindi naman ako expert sa pagmamake-up, mahirap na baka magmukha akong clown kapag nagtry ako magmake-up. Hindi ko ito ginagawa araw-araw at tuwing piling-piling okasyon lang. Pero ito ang number one weapon na magagamit ko sa aking misyon.


Nagbigay ako ng nakakabighaning kindat sa salamin bago lumabas ng kwarto na nirentahan ko. Malapit lang iyon sa Hospital kung saan ko nakita si Ganyak.


Sumulyap ako sa Wist watch, alas-tres na ng hapon. Humigop muna ako ng maraming lakas ng loob bago pumasok sa Hospital. Saglit kong inayos ang suot at ipinuwesto ang maliit na kulay brown kong sling bag sakin harap habang naglalakad patungo sa frontdesk.



Ipinatong ko ang mga siko sa mesa, nasa harap ko ang isang babaeng nurse."San po banda yung clinic ni Doctor Lucson?".


Lumingon ang nurse sakin at tinginan ako mula ulo hanggang dibdib dahil yun lang naman ang tanaw niya mula sa kanyang kinauupuan. "May appoinment ka?" walang galang aniya ng nurse.


"Anong pangalan ng bata?" muling aniya ng nurse bago ipinuwesto ang mga daliri sa keyboard ng computer sa harap niya. Bata? Bakit kailangan ng bata? Hindi pwedeng malaman ko na lang kung saan ang clinic ni Ganyak?



Muling ibibalik ng nurse ang tingin sakin ng mapansing hindi ako makasagot. Naningkit ito na tila pinagdududahan ako. Ano namang pangalan ang sasabihin ko? Siguradong ichecheck nito sa client list ang pangalang sasabihin ko at malalamang gawa-gawa ko  lang  yon. Pati bakit pangalan ng bata ang hinahanap nito?



"Hay nako Ma'am, kung isa ka sa mga babaeng  naghahanap kay Doc. Lucson para lang lumandi. Sorry, wala ho siyang time." mataray na aniya ng nurse. Kung bata-bata ako noong sinabi niya sakin yan baka nakatikim na yan sakin ng malupitang sapok, buti na lang nagmatured na ko ngayon.


Huminga ako ng napakalalim at nagbigay ng malaking ngiti sa buwisit na babaeng nurse na ito. "A hindi, magpapa-appointment palang ako."



Sumingkit ng tingin ang nurse at muling humarap sa computer. "Ano ho pangalan ng bata?"



"Bakit ba bata hinahanap mo?" bahagyang tumaas ang boses ko.



From Thailand to Hear ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon