Chapter 20

38 4 0
                                    

Chapter 20
I love her


Apat na araw na lang ang shooting. Maghapon kong hindi nakita si Ganyak. Hindi ito nagduty ngayong araw, ang bigat tuloy ng work load ko kanina. Patumba akong humiga sa kama pagkagaling sa shooting.


Ginulo ko ang buhok at nagwala bahagya sa kama. Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Tenji kagabi. Nag-confess sya sakin sa harap ni Ganyak at Sunshine. Hindi parin ako makapaniwala. Paano ko sasabihin na hindi kami parehas ng nararamdam. Mabait si Tenji, gwapo, mayaman at talented. Pero kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya.



"Aaaah!" mas lalong kong ginulo ang aking buhok at itinago ang mukha sa unan.



Tatapusin na namin ni Tenji ngayong gabi ang Kanta. Finishing na lang ang gagawin namin. Pano ko sya haharapin?  Di ba ang akward? Wag na lang nya sana i-open-up ang nangyari kagabi.



Umupo ako sa kama at nagbuntong-hininga. Isasantabi ko na muna ang sinabi ni Tenji, ang importante ngayon ay ang kanta. Achievement to para sa akin, biruin mo ako ang gagawa ng debut song ng super star actor sa thailand na si Tenji.



Sinulyapan ko ang oras sa phone ko,
8 P.M. na, bitbit ang gitara ay pumuwesto ako sa bench sa labas ng Inn. Maya-maya ay dumating narin si Tenji. Medyo akward sa part ko, naaalala ko kasi yung kagabi lalo na ngayon na katabi ko sya.



"No pressure about last night." aniya ni Tenji ng mapansin na hindi ako makatingin sa kanya. "Can we start?"



Nawala bahagya ang pagka-ilang ko sa sinabi na iyon ni Tenji, ipinuwesto ko ang mga kamay sa gitara at nag-umpisa na kaming tapusin ang binubuo namin kanta.



"We've just finish the song. Can we sing together?" aniya ni Tenji pagtapos namin mailapat sa kanta ang finishing touch.



"First, Sir Tenji, please do the honor to give your debut song a title."



Sumandal si Tenji bago tumingala sa langit, maaliwalas ang langit ngayon, kitang-kita ang mga bituin na nagkikislapan na talagang kay sarap pagmasdan.



"How about 'Right star'?"




Tumungo-tungo ako bago mabilis na nagpasada sa gitara. "Alright! Now, Let's sing 'Right Star'." aniya ko kasunod na ang mga panimulang chords.



Nagsabay kami ni Tenji sa pagkanta at pagtugtog ng Gitara. Ang sarap sa pakiramdam na matapos ang limang taon ay nakatapos na ulit ako ng kanta. Gusto kong ituloy-tuloy na ulit ito, gusto ko na ulit gumawa ng maraming kanta.



"I love it Tunyang, it's sound perfect for me." nakangiting komento ni Tenji pagtapos namin kantahin ng buo ang kanta. "You can come with us to Thailand."


Na-istatwa ako sa sinabi ni Tenji, ako? Sa thailand? Teka lang po.



"My Entertainment Agency need a song writter and producer like you."



"And please, Don't think I'm saying this because i like you, I'm saying this beacuse you deserve to be acknowledge"



"Also, Boss Pong agreed with me when i suggest that you will producer my future songs."



Pinigil ko saglit si Tenji sa pagsasalita, masyado akong nagugulantang sa mga sinasabi nya. "I'm amatuer, I'm not ready for that sir Tenji."



Gusto kong gumawa ng kanta pero hindi  ba masyado itong sobra para sakin? Pati hindi naman ako basta makaka-alis. Paano ang Inn house? Paano si Ate Iska? Paano si.....Ganyak? Pero, paano kung hindi na ulit dumating ang ganitong pagkakataon? A! Naguguluhan ako!



From Thailand to Hear ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon