Chapter 13

45 4 0
                                    

Chapter 13
One Million


Ang init! Parang noong isang araw lang bumabagyon tapos ngayon bumubukas lahat ng pores ko sa sobrang init. Mas nilakasan ko ang pay-pay, isang oras na lang naman ay matatapos na ang duty ko dito sa shooting at makakabalik na sa Inn house, mas gusto ko don at maginhawa.

Naningkit ang mga tingin ko ng matanaw muna sa malayo si John Lloyd. Anong ginagawa nya dito? Sino ang nasa Inn? Ilan sandali pa'y nakalapit na ito sakin na may dalang malaking paper bag.

"O meryenda, padala ni Ate Iska."

Ha? Para san? Dalawang linggo na ang shooting dito bakit ngayon lang naisipan ni Ate Iska na magpahatid ng meryenda, sana inaraw-araw na nya.

Lumapit si Mike samin ilang sandali lang pagdating ni John Lloyd, ngayon ko lang napansing magkasing taas ang dalawa. Maputi si Mike at si John Lloyd naman ay medyo kayumangi at mas makisig.

"Uy ano yan?" masayang aniya ni Ganyak at umakbay kay John Lloyd habang tinuturo ng nguso ang paper bag. Lakas talaga ang pang-amoy nito.

Kapwa kaming napatingin kay Mike na biglang umubo , tumalikod ito at natamaan ng balikat ang braso ni Ganyak na naka-akbay kay John Lloyd. Sumama naman ang tingin ni Mike kay Ganyak. Baka siguro kase ayaw nitong nasasanggi? Ilang sandali ay umalis narin si Mike sa pwesto namin nang tinawag na ito ng derektor.

"Problema non?" nagtatakang aniya ni Ganyak.

"Baka di lang maganda ang araw, ang init-init naman kase." aniya ko saka hinablot ang paper bag na hawak ni John Lloyd. Wow! Ang specialty na Carbonara pala ni ate iyon. Naglalaway na akong pumuwesto sa mesa at pinagsaluhan naming tatlo ang Carbonara.

Mula sa malayo ay namamataan kong nakatingin sa direksyon namin si Mike na parang gustong sumali sa pagmemeryenda namin. Kanina lang ay bad mood ito tapos ngayon? Hay ewan, para itong babae sa pabago-bago ng mood.

Pero ganon pa man ay napaka gwapo at cute nito sa attitude nya. Sana all cute pagtinotopak. Sandali pang nanatili si John Lloyd doon bago bumalik sa Inn.

Wala si Tenji at Sunshine ngayon dahil sa ibang bahagi ng laguna sila nagsho-shooting. Sigurado may sweet scene nanaman ang dalawa. Maghahabulan sa damuhan, yakapan sa ulanan, sweet talk dinner at kung ano-anong pang nangyayari sa mga Romance movie. Nakasimangot akong tinutuktok ng hintuturo ang mesa.

Pwede ring Kissing scene? Bed scene?! Tinapik-tapik ko ang aking pisngi para matauhan. Ano naman kung gawin nila yon? Mga artista sila, normal lang yon. Nagbuntong hininga ako bago hinaplos ng mga daliri ang noo. Napangiti ako bigla ng maalala ang forehead kiss ni Tenji sakin. Sino ba naman ang hindi kikiligin kung ikiss ka sa noo ng isang gwapo at sikat na artista.

"May sayad." bagot na panbasag ni Ganyak sa ngiti ko. Nagbuntong hininga ito habang naka salong baba. Pati si Ganyak ay nauubusan na ng energy sa init.

Sinilip ko ang oras sa phone ko, 15 minutes na lang at matatapos na ang duty, saglit ako nag-unat at nag-ayos na ng sarili.

"May lakad ka?" napalingon ako kay Ganyak ng magtanong ito.

"Ha? Sa Inn, san paba?" natatawang sagot ko dito, parang hindi naman nito alam na yun lang ang daily routine ko. Inn, shoot, Inn lang.

"Swimming tayo." aya ni Ganyak.

Aba'y loko, nakaramdam lang ng init nag-aya na mag-swimming. " Di pwede maraming gagawin sa Inn."

"Dali na Tunyang." pamimilit ni Ganyak saka hinawak ang dalwang kamay sa braso ko at inalog-alog ako. "O kaya pagamit ng jaccuzi nyo."

From Thailand to Hear ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon