Chapter 19

46 5 0
                                    

Chapter 19
I like her




Limang araw na lang at back to Thailand na ang buong production. Halos araw-araw at maya't maya kaming magkasama ni Tenji. Maiikli lang ang nagiging free time, lalo na sya kaya naman sinusulit na namin iyon. Konti na lang naman at matatapos na namin ang kanta.


At mamaya kailangan ko palang bumalik ng maaga sa Inn house, mag-aayos kami para sa maliit na birthday celebration ni Mike. Dahil kaonting tao lang ang makakarating ay pinili ni Mike na sa Rooftop na lang ganapin ang birthday nya. Kami na daw ang bahalang mag-ayos basta sabihin na lang daw sa kanya ang lahat ng gastos at ang talent fee namin.


Luminga-linga ako sa paligid, nasaan kaya si Ganyak? Noong isang ay nag-aya siya na panoorin daw namin yung bago niyang download na Thai series, kaso busy kaya tumanggi ako. Tapos simula noon ay hindi na ito nangulit, kahapon at ngayon ay walang pambubwesit si Ganyak. Pero nasaan ba sya?


Ihablot ko ang braso ng isang babaeng Thai stuff na padaan na harap ko. "Have you seen Ganyak?"


"He left early today."


"A, okay, thank you." umalis na pala sya hindi ko man lang napansin? Hindi man sya nagpaalam sakin? Ano ba to, bakit ako naiinis? Siguro nainibago lang ako, nasanay kasi akong nagpapa-alam si Ganyak sakin kahit hindi naman sya obligado.


Maya't maya ko rin kasi kasama si Tenji at hindi ko na sya masyadong nakaka-usap sa set, nainip siguro kaya imuwi ng maaga. Hinugot ko ang cellphone sa bulsa at nagsend ng text messege kay Ganyak. Sempre birthday ni Mike hindi pwedeng wala si Ganyak doon. Nag-order pa naman si ate ng paborito nyang graham balls.


Matapos ang duty ko sa Set ay kinuha ko na agad ang back pack at bumalik sa Inn. Namataan kong nag-aayos na sila Ate Iska sa rooftop. Black and gold ang napiling theme at mayroon lang na sampung mesa na kaysa ang limang tao kada isa. Para lang talaga sa mga artista at production stuff na kasama nila ngayon dito sa pilipinas. Tinakpan nila ate ng plywood and jacuzzi at ginawang mini stage. Medyo brainy sya don.


Ayos na rin ang sound system, lighting, food at mga alak para sa party mamayang gabi. Hinukay ko narin sa baul ang kulay maroon na cocktail dress at ang two inch heels na silver sandals ko na di ko na tanda kailan ko huling ginamit, noong JS prom pa ata 10 years ago?


Nakapag-handa na ako ng sarili, imikot at umanggulo ako sa harap ng salamin sa kwarto. Okay na siguro ang itsura ko, wala naman na ko magagawa  dito. Mabuti na lang at kasya pa ang dress sakin, wag lang ako papakabusog ay maitataguyod ko ang gabing ito ng walang na pupunit.


Pag-akyat ko sa rooftop ay halos kompleto na ang bisita.


"Tunyang!" tawag ni ate Iska, nakapwesto na sila ni John Lloyd sa dulong table. Lumaki ang ngiti ko ng nandoon na rin si Ganyak. Hindi nagreply si Ganyak sa mga text ko kaya ang akala ko ay hindi na sya makakapunta.


"Saan ang binyag?" aniya ko kay Ganyak   paglapit ko sa table, kamusta naman ang gray polo at brush-up hair ni Ganyak. Sa totoo lang ay maayos ang itsura nya, gusto ko lang sya asarin.


"Ikaw, saan ka ipaparada?"


Maingay at masaya ang party, matapos ang dinner ay pinakawalan na ang mga alak. Kanya-kanya na lang ng kuha. Unli beer ang party na ito.


Bumaba na rin agad si Ate, bawal kasi sya mag-inom at papatulugin pa nya si Yayo na sinusumpong nanaman ng toyo.

.

Tumayo si Mike sa mini-stage at nagbigay ng maliik na speech. Nagpalakpakan ang lahat sa life-changing na speech na iyon ni Mike. Pagkatapos ng speech ay sinenyasan ni mike ang  DJ na magpatugtog ng sweet song. Mula sa stage ay tinanaw nito ang table namin.


From Thailand to Hear ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon